That silly wind will soon begin

sabi sa CNN, mas kaunti na raw ang nagmamaneho ngayon sa amerika.

 “…in the first four months of this year, Americans traveled 40.5 billion miles less compared with the same period in 2007.”

napansin ko nga, etong nakaraang dalawang buwan, mas marami na akong kasabay sa kalye na nagbibisikleta. last year, halos ako lang an nasa bike lanes pero ngayon, marami na – bata, matanda, may ipin, wala. mataba, payat, babae, lalaki, parang babae na lalake, etc. it’s as if all of a sudden, biglang napuno ang orange county ng commuting bikers. yung nakasabay ko nga kaninang umaga, lolo na pero ang galing sa akyatan. iniwan niya ako nung paakyat na kami sa bundok.

Continue reading

Don’t turn me home again

nagluto ako ng sinigang na pork ribs at ito ang weekend special namin ni jet. masarap ang ribs dito dahil lean meat. hindi ko na hinahanap yung pork belly na puro taba na parati naming nilalagay sa sinigang nung nakatira pa kami sa pilipinas at singapore. wala na rin kaming sawsawan na patis. what a difference a few years make. dati rati, hindi ko palalampasin ang sinigang kung walang patis at baboy na maraming taba. pero iba na ngayon, under new management na kasi ang katawan ko. besides, at 42 years old, nagiging sakang na ang lakad ko na pag marami akong nakain na asin.

Continue reading

And a king ain’t satisfied

isa sa mga natutunan ko through the years ang mag tanga-tangahan minsan. sa buong professional life ko kasi, parati akong nasa vendor side. ibig sabihin – nasa grupo ako ng mga engineer na gumagawa ng mga produkto, as opposed to the other group na gumagamit ng produkto. kausap namin ay mga customer na kadalasan ay may kaunting superiority complex, kaya advantageous para sa iyo kung pakiramdam parati nila na mas may alam sila sa iyo, kahit hindi.

Continue reading

I believe in the faith that could save me

nabanggit ko na ba na kailangan mo ng simplicity para maging successful na OFW? ilang beses ko na nga ata itong naging topic kaya medyo nakukulitan na ako sa sarili ko minsan. naalala ko ito kasi mayroon akong kaopisina na lilipat from argentina to california this week. sigurado ako na tatanungin niya sa akin kung ano ang dapat gawin pag dating dito. alam ko na ang isasagot ko: simplify.

Continue reading

Nemesis Hypothesis

ano kaya kung bigla na lang nag decide na umuwi sa pilipinas ng sabay-sabay ang lahat ng labingisang milyon na OFW na nakakalat ngayon sa kung saan saang singit ng mundo. babagsak siguro ang world economy, no? sa hong kong at singapore lang siguro, libo-libong mga manager ang hindi makakapasok sa opisina dahil walang mag-aalaga sa mga anak nila. 

Continue reading

In the middle of the desert waiting

nasa vegas ako nung thursday at friday, hindi para manood ng boksing ni pacquiao. may kinausap lang akong customer na isang sikat na hotel sa strip. tinanong ko sa engineer ng hotel kung gaano kalaki ang requirements nila sa kuryente. ang sabi sa akin eh yung energy requirements daw ng kanilang complex ay equivalent sa isang bayan na may 200,000 residents. bwakanginangyan, ang laki ‘no?

gusto ko ang las vegas dahil kahit saan ka pumunta ay puno ito ng mga pinoy. nagugulat nga yung mga kasama ko sa trabaho dahil ang dami ko raw kaibigan doon. hindi nila alam, puro mga kababayan lang ang mga katsikahan ko. malakas kasi ang pinoy radar ko at lahat ng makita ko sa kalye, casino at airport ay binabati ko at kinakausap. wala pa akong naka-encounter doon na pinoy na hindi ako pinansin. patunay lang na hindi parating tutuo na masama ang turing sa amerika ng mga pinoy sa kapwa pinoy.

It’s rainin’ inside of the city

mga kailangan para maging successful na OFW:

simplicity
humility
loyalty
authenticity
courtesy
industry
at saka sense of humority.

self explanatory naman lahat pero kung mayroon kayong hindi naiintindihan diyan, sabihin niyo lang sa akin at magbibigay ako ng paliwanag na sobrang simple, kahit ako maiintindihan ko.

Try and wash the palette clean

yung cultural assimilation ang pinakamalaking dahilan siguro kung bakit iba ang mga OFW sa america kaysa doon sa ibang bansa. in most cases, receptive kasi ang amerika sa pag tanggap ng mga immigrants and in return, tinatanggap naman ng mga immigrants ang lahat ng ibinibigay ng amerika sa kanya. sa mga bansang tulad ng singapore, kahit siguro pumuti na ang buhok mo sa singit sa tagal ng stay mo roon, hindi mo mararamdaman that you truly belong.

hindi ko masabi kung ano ang mas maganda. sa amerika, immigrants get absorbed after a while and if you don’t watch out, makakalimutan mo kung saan ka galing. sa mga bansang tulad ng singapore, you are reminded everyday na pinoy ka kahit matagal ka na roon nakatira.

Don’t Think Twice, It’s All Right

naubusan ako ng bawang kanina kaya bumili ako sa suki naming korean grocery sa tapat. ayokong ayoko pa namang magpunta sa grocery para lang sa isang item dahil napipilitan ako parati na magdagdag ng bibilhin. siguro unconsciously, gusto mong sulitin ang pagbyahe mo papunta sa tindahan and one item is never ever adequate. sure enough, napabili pa ako ng tofu, green tea at kimchi.

Continue reading

A sad funny ending to find yourself pretending

di ko nga alam kung anong mangyayari after death. iniisip ko nga, walang sasalubong sa akin na mga anghel na malalaki ang pekpek dahil sa aking buhay pagano. at best, pupunta siguro ako sa impyerno. although gusto ko pa ring isipin na mas mabait ako kaysa roon sa mga makadiyos na nagsisimba tuwing linggo pero puno naman ng kaitiman ang kaluluwa. kaya kung talagang may diyos at nagkita kami sa pinto ng langit one day, baka naman pwede ko siyang pakiusapan. who knows, baka sakaling makalusot.

pero sana naman ay matagal pa ito bago mangyari at hindi ko muna iisipin ng mataimtim. i will enjoy my life now because i fucking deserve it. sabi nga ng idol kong springsteen: “These are better days baby