nasa vegas ako nung thursday at friday, hindi para manood ng boksing ni pacquiao. may kinausap lang akong customer na isang sikat na hotel sa strip. tinanong ko sa engineer ng hotel kung gaano kalaki ang requirements nila sa kuryente. ang sabi sa akin eh yung energy requirements daw ng kanilang complex ay equivalent sa isang bayan na may 200,000 residents. bwakanginangyan, ang laki ‘no?
gusto ko ang las vegas dahil kahit saan ka pumunta ay puno ito ng mga pinoy. nagugulat nga yung mga kasama ko sa trabaho dahil ang dami ko raw kaibigan doon. hindi nila alam, puro mga kababayan lang ang mga katsikahan ko. malakas kasi ang pinoy radar ko at lahat ng makita ko sa kalye, casino at airport ay binabati ko at kinakausap. wala pa akong naka-encounter doon na pinoy na hindi ako pinansin. patunay lang na hindi parating tutuo na masama ang turing sa amerika ng mga pinoy sa kapwa pinoy.
tol,
i have never been to america but i usually hear this story about pinoys treating their kapwa pinoys in america like dirt specially ng mga medyo nakakaangat na pinoys. its good you are there telling us otherwise. sana nga ganyan lahat ang mga pinoys wherever country they may be.
all the best ( as always )….bong
napansin ko, pare-pareho lang kahit anong lahi: may kupal at may mabait.
Pinoy mafia! hehehe… 🙂
pinoy mafia indeed – through the years, dami nating natanggap sa kanila mylab.
Sarap talagang maging Pilipino..Kahit san ka mapunta meron at meron kang makakausap. Kahit siguro sa buwan.
maikocompare tayo sa mga chinese…. sabi di ba? lahat ng lugar sa mundo may chinese (parang totoo kasi parang kahit saang bansa ata sa mundo may chinatown) parang ganun din ang pinoy walang sulok ng kung saan man na hindi kayang abutin ng pilipino wahahahaha!!!! tama…… maski ata sa kalawakan…yan ang galing ng pinoy!!
Pare TUMBA si PAQUITO DIAZ! baka pinamanahan ni FPJ si MANNY ng KOMBiNisyon na suntok…
Pero ayos jan Tol at di ka inisnab ng mga kapwa pinoy. pero lintik naman na HOTEL yan kumakain ng ganun ka laking KURYENTE? HOTEL pa ba yon o PLANTA? 115KV na nga dito ang PLANTA sa SAUdi ang ginagamit.
ang taas talaga ng appetite natin pagdating sa kuryente ano? minsan nakakatakot ang katakawan ng tao.
dito rin sa qatar madaming pinoy, pinoy world invasion na yata ito. hehehe
pag umuwi nga lahat ng mga pinoy sa pilipinas, siguro babagsak ang world economy.
tutuo talaga na puno ng pinoy kung saan-saan. sa lahat ng mga travel ko, ang wala lang ata akong nakitang maraming pinoy ay sa india.
psssttt… fafa, anong hotel ito? curyus ako.
eh kasi, fafa, kung isa yan sa pinakasikat na hotel sa vegas eh hindi ako magtataka. kita mo naman ang mga attractions nila dun sa gabi. tulad na lang ng bellagio, ang tindi ng water show nila o ng new york, new york na may roller coaster pa sa labas ng hotel. atsaka diba pag pumasok ka, feeling mo walang umaga, walang gabi. para di raw alam ng mga tao na dapat nang umuwi. mwehehehehe
at true, nung kami ni bossing ang nandun, lahat ng pinoy nginingitian namin o kinakausap. lahat sila very warm. tama ka, feeling ko din babagsak ang world economy kapag nag-boycott ang lahat ng pinoy. ultimo si bush magugutom kasi ang chef nya pinoy, davah?
oo ninang, isa ito sa pinakamalaki at pinakabagong hotel sa strip. maraming shows in and out of the complex, may 6000 rooms, shopping mall, restaurants, theatres at malaking casino.
dami kong nakausap na pinoy, from airport to hotel. pati nga yung opisina ng engineer na kausap ko ay may pinay na tuwang tuwa nang makita ako. siguro puro puti ang nakaka encounter niyang mga kumakausap sa boss niya.
kung maari nga lang mga pinoy dito sa Middle East makapag pacargo ng tig iisang BAREL na Gasolina siguro tayo pina ka may murang gasolina.
dito wala pang 1 Riyal per Liter ang GASOLINA samantalang wala pang 1 liter na tubig eh 1 Riyal na.
so far, ganyan din ang experience ko sa ibang bansa. Nung nasa Canada pa nga ako, pauwi na ko at nasa loob na ng airport nang magulat ako at yun palang susi ng kotse ng host ko e nasa pocket ko. (Nag taxi na lang kasi ako papuntang airport at dis oras na ng gabi. Buti na lang at bumili ako ng pasalubong at nakilala ko yung nasa tindahan sa airport na Filipina. Dun ako nakitawag para sabihin ko na nasa akin yung susi. Okay lang daw at meron naman siyang duplicate. But just the same, yung Filipina, nag volunteer na sa kanya na lang daw kunin. Tsaka,oo nga, basta mga pinoy, nagtutulungan kung meron din lang itutulong.
yan din na experience ko rito bossing – minsan nga sa isang gas station sa amin, binigyan ako ng libreng car wash ng pinoy na attendant nung nagpa gas ako.
yung mga maliliit na pockets of kindness, ang laking bagay sa akin.
dito sa vietnam, unfortunately wala pa akong nakilalang pinoy, unlike in singapore…..para ka lang nasa maynila.
sarap kumain ng pho riyan pare
That is so nice to hear. I just got here in north california! I’ll be staying here for school. I hope pinoys here are like that also.
hey nica.
good luck. i’m sure you’re going to have the time of your life. naiingit ako sa iyo, you’re just practicially starting your life and you are in a great place to take off.
good luck!
jay
hmmn, nakarating na rin ako ng Las Vegas pero wala naman ako masamang experience with kapwa Pinoy. Pero di ako nagtataka kung malaki talaga konsumo ng kuryente doon. Kita mo naman paggabi buhay na buhay ang Vegas. Pinakagusto ko doon yung water show sa harap ng bellagio tsaka ung interior ng Venetian, akala mo nasa Paris ka pero sa totoo lang nasa loob lang ng isang building.
Nakapunta ako sa Utah at ang mga Pinoy doon mababait. Minsan nga doon lang namin nameet sa isang park at tuwang-tuwa sila makakita ng kapwa Pinoy. Inimbitahan pa kami sa birthday ng anak nila.
tumpak… sarap nga pare…..pati yung mga spring roll masarap din….
naniniwala parin naman ako na hindi isnabero ang pinoy sa ibang bansa,pero dito sa kuwait,iba ang nangyayari ,mas walang tiwala sila sa kapawa pinoy…
napadaan lang po.
regard’s and mabuhay ang kwentong tambay!
Baka kaya walang tiwala kasi maraming pinoy dun ang ‘makapili’. Kwento ng Tita ko sa Japan, may mga Pinoy dun na dahil sa inggit sa kapwa Pinoy ay nagtuturo ng TNT. Pag nakapagturo daw kasi ng TNT ay may reward money. Baka ganito rin ang case jan sa Kuwait?
sa palagay ko tama ang iyong hinala..maraming kwento nga d2 na ganun ang pangyayari,pinagkakakitaan ang maging makapili…