may bagong lipat na mag-asawa sa tapat ng bahay namin. siyempre pag may bagong lipat, para kang detective, dahil pilit mong inaalam kung sino ang magiging kapit bahay mo.
Monthly Archives: April 2008
Lullabies, look in your eyes
doon sa maikling speech na binigay ko nung booklaunch, ang sabi ko: kung gusto ninyo akong makilala, kausapin ninyo ang mga taong nasa tabi ninyo. halos lahat kasi ng dumalo ay mga kamag-anak ko at kaibigan. yan ang dahilan kung bakit na sold out and libro sa fully booked nung araw ng launch.
Howlin’ Dave at NU 107
meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.
catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.
pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.
Howlin' Dave at NU 107
meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.
catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.
pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.
Like a coin that wont get tossed
mga nag special mention tungkol sa batang kaning lamig:
- AJay’s Writing on the Wall – very well written post
- Dengcoy Miel’s McBayan
- Ruby’s Philippine Daily Inquirer Article – ang galing din
- Manila Bulletin Online
- Of Birds of Prey and BatJay – Connie’s excellent Manila Standard piece
- Fox Books
- Lara’s Rogue Reborn
- Doc Emer’s Parallel Universes
- Darenn – sinama pa niya lola niya sa launch
- JMom’s AMoores
- Toni’s Wifely Steps
- Nick’s Watson Online
- Pao’s Non Standardized
- Mari’s quintessentially
- Tessa’s Multiply
- A Boy’s Diary
- Booktopia
- Don Manuel’s Viloria.Net – his post is my personal favorite
- KiwiPinay’s Pondahan
- Gasoline Dude’s Life
- AyzPrincess
- RJ’s ARDYEYTOLOGY
- Jeck’s Red Hot Sily Kamote
- Mga Turo ni Tito Rolly – another personal favorite post
- Mommyba’s Journey
- Owen’s Samu’t Sari and Sundry
- Ate Sienna’s Pansitan
- Maruism
- BongK’s Euphonies
- Radioactive Adobo
- Paul’s The Unlawyer
- Dissections – still another personal favorite post
- Mecs Delisyusness
- Sayote Queen
- Apol the Great’s Journal
- Gogo Girl Cafe
- Sanrio Town
- Jet’s MyLife – pinakamamahal siyempre
maraming salamat sa inyo mga kaibigan ko. di ko makakalimutan ang kagandahang loob. speaking of limot, kung may nakalimutan akong banggitin, paki batukan na lang ninyo ako pag nagkita tayo.
The ones who had a notion, a notion deep inside
na feature ito sa philippine star last week (april 15 to 18). galing to sa aking kaibigan, who should be a national artist by now, dengcoy miel.
ilang minuto na lang, sasakay na ako ng eroplano pabalik kay jet. maraming salamat sa inyong lahat na nakipagkita sa akin.
When your rooster crows at the break of dawn
nakakapagod din pag isang lingo ka lang sa pilipinas. pilit mong pinapagkasya lahat para ma experience mo lahat. gusto mong makita ang mga kaibigan mo at kamag-anak. kung saan-saan ka bumabyahe para makita sila. lahat ng pagkain na di mo nakakain abroad ay gusto mong tikman. pakiramdam mo tuloy, ang buhay mo ay parang pelikulang pinapanood ng naka fast forward. naiinitindihan mo pa lang ang kwento, nasa “THE END” na agad.Â
Where I belong
tatlong araw na ako rito sa maynila. miyerkoles na ng hapon dito at nakatambay ako sa isang internet cafe sa mega mall. mamayang kaunti ay makikipag tawanan na naman ako kina tito rolly at iba pang mga kaibigan. ok naman yung launch nung monday. maraming mga kaibigan at kamag-anak ang nagpunta kaya na sold out ang libro ko. ikukwento ko na lang ito sa ibang araw, kasama ang mga picture.
Badlands, you gotta live it everyday
kung may oras kayo sa lunes, april 14, alas tres ng hapon. magpunta kayo sa Fully Booked sa The Fort para dumalo sa booklaunch ng “Batang Kaning Lamig” at iba pang mga libro ng fox books.
ito na ang pagkakataon ninyo para makakita ng singkit pero kutis betlog na middle aged pero kyut pa rin na book author slash OFW slash engineer slash ex-macho dancer. ang nag-iisang kilabot ng mga matrona sa banal na sakramento parish ng barrio talipapa.
oo virginia, uuwi ako kaya mag kita kita tayo roon.