meow!

mayroong kaming alagang pusa na nagkukubli sa loob ng kisame. kapag ganitong malapit nang mag hatinggabi, napapatalon ako pag nakakarinig ako ng kaluskos galing sa langit. akala ko kasi eh ito na yung muling pagbabalik ni baby jesus para sa katapusan ng mundo.

mangga sa talipapa

my mom’s mango tree.

hitik na hitik sa bunga pag summer. hilaw pa lamang eh pwede nang isawsaw sa bagoong. pag nahinog eh sobra ang tamis.

kasabay kong lumaki ang punong ito. para ko siyang bunsong kapatid.

perya

gusto kong sumakay ng tsubibo, gusto kong tumaya sa beto-beto, gusto kong mag bingo habang may nagsasayaw na baklang bastos. gusto kong makita si aniway na kumakain ng buhay na manok.

gusto kong maging 1977 ulit, nasa gitna ng perya sa barrio talipapa.

Oh, the streets of Rome are filled with rubble

work from home ako ngayon dahil may repairs na kailangang gawin sa bahay. apparently, may leak yung hot water line at tumutulo ang mainit na tubig sa ilalim ng sahig. ewan ko kung saan nagpupunta ang tubig – ang alam ko lang ay parang mini sauna yung pakiramdam ng dining room namin ngayon dahil mainit yung sahig.

naalala ko tuloy yung kwento ng mga kaibigan kong intsik: kaya raw masarap ang peking duck sa beijing ay dahil heated daw yung flooring ng kulungan ng mga pato. napipilitan tuloy gumalaw ng gumalaw ang mga ito dahil nga napapaso ang mga paa nila sa sobrang init ng sahig. ang resulta nito ay pecking duck na malasa dahil puro laman at walang taba kasi nga eh araw-araw ay mayroon silang exercise.

but i digress. nung makita ko kung magkano ang charge sa akin, bigla ko na namang binalak na maging tubero.

Sweet burn of sun and summer wind

ngayong umaga ay typical sa mga araw ng summer na hinihinling mo sa diyos ng mga bumbay na sana ay ma experience mo araw-araw. medyo malamig na simoy ng hangin galing sa pacific ocean, kaunting init pero hindi humid. ang sarap tuloy maglakad. mayroong mga maliliit na park in and around where we live na konektado ng mga running trail at ang typical sabado ko ay lakarin ito ng dalawang oras pagkatapos naming mag breakfast ni jet. sanity check ko na ito at pampababa ng blood sugar. exercise kasi ang isa sa pinaka importante para sa aming mga diabetic.

Continue reading

Just to let my soul free

OC REGISTER. For the fourth straight year, Irvine has retained its position as the safest big city in the country, local leaders announced today, with less violent crime per capita than any other American community with more than 100,000 residents.

how does it feel to live in the safest city in america? it feels great. walang papasok na magnanakaw kahit iwanan mong nakabukas ang pintuan sa gabi. kahit maglakad sa kalye ng madaling araw ay ok lang, basta huwag lang maglakad ng nakahubo.

ang nakakabwisit lang ay ang mataas na cost of living. nagpa gas nga ako kahapon, inabot na ng $4.50 ang isang gallon. bwakanginangyan. kaya kanina, kahit late na ako gumising ay nagbisikleta pa rin ako papasok sa opisina.