nagluto ako ng sinigang na pork ribs at ito ang weekend special namin ni jet. masarap ang ribs dito dahil lean meat. hindi ko na hinahanap yung pork belly na puro taba na parati naming nilalagay sa sinigang nung nakatira pa kami sa pilipinas at singapore. wala na rin kaming sawsawan na patis. what a difference a few years make. dati rati, hindi ko palalampasin ang sinigang kung walang patis at baboy na maraming taba. pero iba na ngayon, under new management na kasi ang katawan ko. besides, at 42 years old, nagiging sakang na ang lakad ko na pag marami akong nakain na asin.
masarap pa rin naman ang sinigang kahit walang patis na sawsawan. sanayan lang yan. walang problema sa pagluto dahil kumpleto rin kami sa rekado rito sa southern california. para ka nga ring nasa pilipinas. sa version ko ng sinigang, naglalagay ako ng gabi, sili, labanos at sampalok compatible. siyempre may kamatis at sibuyas na pang sangkutya sa pork ribs. tinamad akong pumunta sa asian store para bumili ng kang-kong kaya spinach na lang ang ipinalit ko. ang suma ay isang makabagbag-damdaming, putang inangyan, mapapamura ka sa sarap na hapunan.
ano ba ang essential ng masarap na sinigang na baboy? maasim, pero hindi masyadong maasim na sabaw na medyo maalat at malapot dahil sa epekto ng pangsahog na patis at gabi. yung gulay ay hindi over cooked para malutong sa kagat at dapat malinamnam yung lasa ng baboy. pag ganito ang pagkain namin dito sa amerika, pipikit lang ako at para na akong nasa pilipinas.
sa sobra nga ng kinain ko ay medyo na guilty ako ng kaunti kaya tumakbo ako ngayong tanghali. uneventful sana pero sa gitna ng pagtakbo ko ay bigla akong nadighay habang tumutugtog ang totoy bibo ni vhong navarro sa iPod ko. bigla nga akong napasigaw sa tuwa dahil for a few seconds, akala ko talaga, nasa pilipinas ako.
Ang sinigang ang isa sa mga pinakapaborito kong putahe sa atin. Hindi ako nagsasawa diyan at palagay ko ay umiigi ang aking pakiramdam tuwing hihigop ako ng sabaw niyan. Ang hindi ko lang type na sinigang ay sinigang na bangus. Nagpapatis pa rin ako pero kailangang ko na ring bawasan o tanggalin na rin iyan sa aking routine pag ako ay kumakain ng sinigang.
Naku po. May bigla akong naalala sa Totoy Bibo na iyan. May kilala ako na marunong magsayaw niyan. 😀
sarap ang sinigang na bangus kung puro tiyan.
at pag nahuli ka sa pagkain, puro ala nang tiyan 😦
kaya nga masarap kung puro tiyan.
soul food talaga ang sinigang…pwede na nga siguro itong maging pambansang ulam ng pinas kasi wala pa kong kilalang pinoy na nagsabing ayaw nya ng sinigang. ang sarap ng kain kesehodang mainit o malamig na panahon tapos lulunurin mo ang kanin sa sabaw…wahh nagutom tuloy ako all of a sudden.
ay opo sir batjay. paborito ko rin ang sinigang na bangus belly! yummm!
soul food. exactly.
mas masarap pa lalo pag may nagluluto ng sinigang para sayo…
sarap ng kain ko Pa. sarap ng sinigang mo e. thank you ha. labyu! 😀
lab u 2. mas masarap panoorin pag kinakain ang niluluto.
masarap ang sinigang kapag may halong taba ng baboy.lalo na kapag sa sinawasaw sa patis na may kalamansi at sili …..ooooowwwwww ssssaaaarrrraaapppp.para kang nasa heaven.
pag panay ang kain mo ng taba, siguradong pupunta ka sa heaven.
tol,
i hope someday when you come back sa pinas i can bring you my homemade na sinigang na buto-buto. take care both of you (ma’am jet)
all the best……bong
gusto ok sa sinigang yung mapapapikit ka sa asim!!
kami naman kanina ang ulam namin, bistek at pinakbet. bumili pa kami sa kalesa grill kasi tinamad kami magluto sa bahay!
at di ko pa pala nasusubkan mag patis sa sinigang.
Pag weekend at buo ang family (ie walang duty ang spouse), kahit siguro instant noodles sasarap.
I’ve not had sinigang for a month… medyo mainit kasi ngayon dito. Naaasiwa akong mag-sabaw.
naglaway na naman tuloy ako sa sinigang post na to. tama ka, nakaka-‘putanginangyan’ kapag perpek ang pagkakaluto. di ko pa lang nasusubukan ang spinach pamalit sa kangkong.
sarap nyan ….lalo na pag maulan ang panahon…kagaya dito sa pinas ngayon
wow sarap sa kanin…sabaw pa lang ulam na..
mukhang masarap nga ang luto ah,ganun din ang nangyari sakin sa kuwait ,tuwing magluluto ng pinoy food alternative naman namin dun e yung lettuce pag alaws na talaga ng kangkong, ang hrap kasing maghanap ng kangkong dun,at pag meron,dyuske! napakamahal…pero ngayon habang binabasa ko ito,kumakain ako ng sinigang gaya ng luto mo…kaya lang yung sakin nanampal sa asim.
Wow… okay din ang sinigang na pampulutan sabay higop ng mainit na sabaw… haaayyyyy… nakakatanggal ng kalashengan yan dahil sa sarap.
post inuman mas masarap humigop ng sabaw.
totoy bibo? pinoy na pinoy.
ginutom ako sa post nyo.
oo nga eh. pag wala ka kasi sa pilipinas, iniisip mo parati yung mga bagay na nagpapa alala sa iyo sa ‘yong pinagmulan.
pinaka madaling isipin ay musika at pagkain.
uncle batjay, ako’y masugid (tama ba spelling?!) na tagabili at tagabasa ng inyong mga akdang libro.. naaaliw ako tuwing binabasa ko ito lalo na kung bumabyahe ako mula trabaho pauwi ng bahay. da best ka talaga!!
gudlak sa inyo ni jet, nawa’y bahagian mo naman kami ng iyong kayamanan.. 🙂
maraming salamat kabayan. good luck sa iyo at sana ay huwag kang mahilo habang binabasa mo ang libro ko pag bumabyahe ka.