BULLSHIT

medyo malungkot ako ngayon. kahapon, nabalitaan ko na na-stroke ang panganay kong kapatid na si gigi. ang sabi ng doctor ay “mild stroke” lang daw. pero alalang-alala ako dahil, di raw siya makapagsalita at mayron siyang loss of memory. sana ay bumuti siya. sana naman. sana naman.

isa pa kaya kami nag-aalala ay mayron siyang sakit sa puso. tapos ngayon na-stroke naman.

Continue reading

CHINATOWN AND CHINESE NEW YEAR

punta kaming chinatown kanina. kakadating lang namin actually. wala lang – just soaking into the chinese new year experience. ang daming tao ngayon sa china town, bilihan ng bilihan ng mga pagkain na ihahanda itong weekend, bilihan din ng mga regalong ibibigay sa mga kamag-anak.chinese new year na sa sabado. half-day ang friday at wala kaming pasok nitong monday and tuesday. long weekend kaibigan – apat at kalahating araw na walang pasok…. sarap sarap.

LAKSA NG SINGAPORE, RAPSA!

NEWFLAT-010

pag medyo nagawi kayo rito sa singapore, be sure to spend time going around and sample the food. tulad ng karamihan ng bansa dito sa south east asia – pagkain is a very big draw. typical na sa ating mga asians ang dumayo sa kung saan saan para lamang makatikim ng masarap na pagkain. so when in singapore, ang recommendation ko ay isang unique na dish na di ninyo matitikman sa pilipinas: LAKSA… pinaghalong curry, noodles, shrimp, cockles at chili.

kanina dumayo pa kami sa katong, ito’y isang lugar sa singapore. kaya siyempre ang tawag sa laksa nila ay “katong laksa”. sikat na sikat ito sa buong isla ng singapore at dinadayo ng maraming tao. subukan ninyo… simple lang pero rock.

DYOGANG NAGMIMILAGRO

“miraculous tits?”, sabi sa aking ng waiter kaninang lunch.
“i beg your pardon?”, sabi ko.
“miraculous tits? you know, you finished eating already, i’ll take your glass, spoon and fork and plates”.

(PREGNANT PAUSE…)

“aaaaaaah, may i clear your plates. uh, ok.”

SIDELINE

alam mong masarap na sideline dito sa singapore? furniture! kaninang umaga pag labas ko sa flat namin ay dumaan ako sa garbage collection area. siguro mayrong 10 sofa doon ang nakapila para dispatsahin. tiningnan ko eh – pwede pa itong gamitin. konting repair lang sa apholstery – ok na ito.

tulad ng japan, throw-away society rin ang singapore. kung matiaga ka eh, sa isang taon siguro ay makakabuo ka ng isang bahay, mamulot ka lang ng mga tinatapon nila: tv set, sala set, cabinet, lamesa, silya, computer, damit, etc. etc. etc. pero ang pinakamarami ay sofa. ewan ko kung bakit. siguro eh ito ang pinaka bugbog dahil sa harap ng tv ang karaniwang tambayan ang mga tao pag nasa bahay.

PAALAM IKABOD

namatay na pala si nonoy marcelo.
ngayon ko lang nalaman.

idol ko si nonoy marcelo. isa siya sa pinaka-magaling
na cartoonist sa pilipinas. bokod sa strip na “aling otik”,
siya rin ang lumikha sa “ikabod bubwit”. ang mga kwento ni
ka nonoy sa ikabod bubwit at ang iba’t ibang daga ng dagalandia
ang naging salamin ng buhay nating mga pinoy
lalo na nung panahon ni marcos.

Continue reading

SINGAPORE WEEKEND BLUES

sunday afternoon na naman. let’s see… ano bang gagawin ko: nood ng DVD, mag-basa ng comics, mag-trabaho, magpagupit ng buhok, manood ng tv, plan mg week, sleep. it’s been raining since i woke up…matutulog na lang ako ulit.