It makes a firery ring

mainit dito sa desyerto. umaabot ng 106 degrees sa hapon. hindi ko nga alam kung paano nakakatagal ang mga taga rito sa palm springs. siguro mayroon talagang taong mahilig sa mainit. hindi ako isa sa mga ito. siguro, dala na rin ito ng kadahilanang pinanganak ako’t lumaki sa isang bansang bilad sa araw.

naalala ko tuloy yung boss ko sa singapore: hindi siya nagbubukas ng aircon sa kotse at pag nakikisakay ako sa kanya, halos mahimatay ako sa sobrang init. tawag ko nga sa kotse niya ay honda impyerno.

You’re comin’ thru to me in black and white

yung mga parents ko, hindi rin nila pinili para sa akin kung ano ang dapat kong maging propesyon. maswerte ako dahil hindi sila conventional na pinoy na magulang at the time na halos ipilit nila sa mga anak kung ano ang dapat na kuning course sa college.  di ba nga, yung mga ibang mag-asawa, mag-aanak ng anim para mayroon silang doctor, engineer, nurse, abogado, accountant at pari. tapos pa nga, yung mga nasa probinsya, gagawa ng sangkatutak na karatula para i-display nila ito sa labas ng bahay yung mga natapos ng kanilang mga anak. halimbawa, kung gusto ng mga magulang ko na mag paskil ng karatula sa labas ng bahay namin, pwede nilang ilagay:

Nicanor S. David, Jr.
Computer Engineer
(tumatanggap din ng labada pag linggo)

Continue reading

In the blinking stardust of a pale blue light

half day ng buong buwan ng enero nung senior year ng high school ko ay devoted sa career orientation. nag iimbita yung guidance counselor namin na si miss yap ng mga alumni galing sa iba’t ibang mga propesyon para magsalita tungkol sa kanilang mga career. ang objective ng activity na ito ay para malaman mo kung ano talaga ang gusto mong maging, pag laki mo.

Continue reading

Black like the night we fly in

pakiramdam ko, para akong bampira. pag dating ko galing ng trabaho, nakakatulog ako right after dinner. siguro, dala ng pagod sa pagbisikleta pauwi. ang problema ay nagigising ako sa madaling araw, pero wala naman akong magawa kaya ginagala ko ang bahay, nanonood ng TV o kaya (tanginangyan) napipilitan akong magtrabaho.

tapos umiiral pa ang pagka pinoy ko minsan. tulad ngayon: alas tres na ng madaling araw, antok na antok na ako pero ayoko pang matulog dahil gusto ko munang maligo. bakit ba kasi ang hilig ng mga pilipinong maligo? kahit nga halos hindi na natin makita ang mga titi natin sa sobrang lamig sa kalagitnaan ng winter, naliligo pa rin tayo.

weird.