We are legion

sabi sa business world:

“There are around 200 million migrants around the world, eight million of which are Filipino overseas contract workers. The Philippines ranks fourth in terms of remittances received from overseas contract workers. Remittances, which represent around 10% of gross domestic product, are expected to reach $16.6 billion this year.”

ang dami na palang OFW nakakalat sa kung saan-saan, no? walong milyon – wow. that’s almost 4 times the population of singapore. at $16.6 billion in remitances: ang laki na pala ng abuloy ng mga OFW sa bayan. kaya nga lang, hindi naman napapakinabangan ng pilipinas ang talent (lalo na yung talent ko sa pagjakol). ang panaginip ko nga, kung pwede sana umuwi na tayong lahat sa pilipinas para mapaganda natin ang bayang magiliw. pero sa ngayon siguro pipe dream lang ito dahil malamang gutom lang ang abutin natin. tangina naman kasi yung mga ibang naiwan doon, kung bakit kasi sobrang garapal.

1000 Extra Pogi Points

pag tumama ako sa lotto, bibili ako ng dalawa.

ang tesla ay ang pinaka unang commercially available na electric sports car. mura lang ito, just slightly over $100,000. it runs on batteries and is really creepy dahil walang engine sound pag umaandar. pero sabi ko naman, wala yan sa lolo ko: yung makina ng kotse niya ay singer. natawa lang yung may-ari. tinanong ko nga kung pwedeng gamitan ng eveready flashlight battery. natawa lang yung may-ari. mabilis din siya, 0-60 miles in less than 4 seconds at ang top speed niya ay 125 MPH.

Continue reading

BatJay Rules

43 years old na ako this year pero dala ko pa rin ang habits ko nung nasa elementary pa ako. hanggang ngayon, kailangan pa ring may ruler sa tabi ko sa opisina. wala naman itong silbi dahil nasa computer na halos lahat ng trabaho ko. pakiramdam ko tuloy para itong appendix: evolutionary dead end pero dala-dala mo pa rin.

yung isa ko pang habit nung elementary ako na dala ko pa rin hanggang ngayon ay tinitingnan ko yung titi ko pag umiihi ako.

Indios Bravos

ang pinaka importanteng nawala nung lumipat kami rito sa amerika ay yung authentic OFW experience. iba kasi ang feeling ng tutuong overseas filipino worker, say sa singapore kaysa sa isang immigrant sa california. nung nasa singapore kami, mayroong “us against them” na drama sa buhay namin. kahit ano kasi ang gawin mo, pinoy ka pa rin sa isang banyagang lugar. kahit na tinatanggap ka kasi ng bansang umampon sa iyo with open arms ay sinisigurado pa rin niya na banyaga ka pa rin. pakiramdam mo tuloy, para kang kulangot na biglang ipinahid sa pader. pero para sa akin, mayroon itong biyaya: yung feeling ng non-acceptance ay nagpapataas sa pinoy pride.

Continue reading

These are the days of miracle and wonder

fall na rin dito sa california kaya may topak na naman ang panahon. di mo tuloy alam kung papunta ng summer or paalis ng winter. this week, nasa upper 90’s (35 deg c) pag araw at nasa upper 50’s (12 deg c) pag gabi. tapos dumating na naman yung bastos na santa ana winds early this week. ito yung nagkalat sa backyard namin ng dahon. dala rin niya yung malalaking sunog in and around los angeles.

nabalatan din ng hangin yung mga eucalyptus trees around irvine kaya parang may malaking higante na kumain ng halls menthol candy ang dumighay sa city namin. kaninang umaga nga pag pasok ko, naka bukas ang bintana ng kotse. sinisinghot ko yung natural menthol smell ng paligid kaya umaga pa lang, masaya na ang araw ko.

On the side of twelve misty mountains

friday ng umaga, naglinis ako ng backyard na puno ng dahon dahil mahigit 2 weeks na akong hindi nagwawalis. proud na proud nga ako at binuhusan ko pa ang yard ng tubig para extra clean.

sabado, humangin ng malakas at pag gising ko ng umaga, puno na naman ng dahon ang backyard. ok lang, winalis ko ulit at binuhusan ng tubig kaya malinis na naman siya.

linggo ay humangin na naman at pag gising ko sa umaga, puno ulit ng dahon ang backyard. napamura ako ng mahina dahil parang walang silbi yung bwakanginang paglilinis ko. winalis ko ult at binuhusan ng tubig and if i may say so myself, i did a good job.

ngayong monday ay mas malakas ang hangin at… you guessed it right: puno na naman ng dahon ang backyard. mamayang gabi, ipapaputol ko yung tanginang puno sa likod ng bahay namin.

Leaving Las Vegas

simula nung linggo ng hapon, ngayon lang ulit ako nasinagan ng araw. yan ang hirap pag sa las vegas ginawa ang conference ninyo: nasa loob ka ng hotel for the whole time at pag tumingala ka, all you see is a hand painted sky. part of the trick of making people stay longer inside casinos is to make you forget if it’s night or day kaya ang ginagawa ng mga tusong may-ari ay pipinturahan yung dingding ng bughaw na langit at cumulus clouds. drinks are free if you’re gambling because the more alcohol you have inside your body, the easier it is for them to take your money. you can’t help but be impressed on how las vegas makes sure that the house always wins.

nasa california na ulit ako and i am so happy to be back home.

Leon Guerrero


maraming mountain lion sa paligid ng opisina namin. in fact, dito nangyari yung infamous attack doon sa dalawang bikers nung 2004. yung last sighting doon sa trail na tinatakbuhan ko tuwing lunch time ay nung may 21st. no big deal – kailangan lang naman ay alam mo ang gagawin in case na may makita kang mountain lion sa paligid.

  • una: dapat hindi ka tatakbo kahit gusto mo dahil yung paboritong pagkain ng mga lion ay yung mga hayop na mahilig tumakbo.
  • pangalawa: make yourself appear larger than you actually are – kung may dala kang bata, put the child on your shoulder. if you’re with your wife, climb on your wife’s shoulder.
  • ikatlo: kung ginawa mo ang una at pangalawang tip ay inatake ka pa rin ng mountain lion eh kailangan mo nang makipagbasag ulo sa kanya. in short, if attacked – fight back.

ang mountain lion attack tips na ito ay hatid sa inyo ng birchtree holland powder milk, ang gatas ng dalagang ina.

Your old road is rapidly aging

naghihintay pa rin ako ng progress report tungkol sa nireklamo ko na racist employee ng philippine airlines. pagkatapos nilang sumagot doon sa mga una kong sulat ay bigla na lang tumahimik lahat. 7 weeks na ang nakakaraan at wala pa rin akong naririnig kung ano na ang nangyari doon sa bastos nilang empleyado sa los angeles international airport. nagtatrabaho rin ako sa isang customer oriented business kung saan ang responsiveness sa mga cliente ay importante kaya sensitive ako sumagot at umaksyon sa mga reklamo.

kung after 7 weeks ay wala pa rin silang reply, they are either really fucked up, just plain insensitive o kaya ay napikon dahil na feature sila sa article ni sassy sa manila standard tungkol sa reverse racism.