gawan natin ng post op analysis kung ano ang nangyari sa akin:
1. my appendix daw has been ruptured (“sabog na sabog” in the words of my doctor) for at least 3-4 days already. ang taas daw ng tolerance ko sa pain, says my doctor with a bit of admiration and exhaspiration.
2. dahil sa sobrang tagal na hindi na operahan after itong sumabog, necrotic na raw yung appendix ko.
3. my doctors had to clean my abdominal area with water para malinis yung lahat ng dumi na kumalat na sa loob. i was an inch close to sepsis – i.e. blood poisoning dahil kalat na kalat na raw sa loob.
4. for the rest of the week, i will be on very strong antibiotics to counter the possible infection of the ruptured appendix at yung water cleansing aftermath.
5. mayron din akong dalawang pouch na nakadikit sa tiyan ko. dito pumupunta yung residual na tubig na pinaglinis sa abdomen ko. maya’t maya dinadalaw ako ng mga doctor at nurse para tanggalin ang fluid na nakocollect ng 2 kong supot ni hudas.