MR. SISON, MAPUA’s LEGENDARY INSTRUCTOR

Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison…para siyang si John Nash, ang bida ng “A Beautiful Mind”. Baka may alam pa kayo, dag-dag lang…


1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse

2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya

3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya

4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher…pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”

5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.

6. puro sulat ng chalk ang polo barong

7. parating nagsasalitang mag-isa

8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.

9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.

10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?

11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw ” Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!”.. hagulgol yung babae (matalino pa naman)… ang sama

12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)

13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.

14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay – pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa – sa hirap…

15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe

87 thoughts on “MR. SISON, MAPUA’s LEGENDARY INSTRUCTOR

  1. hi yasmin.

    ang galing ni mr sison ano? even then he was always a riot. his classes sometimes sounded like there was a riot. pero he was really smart and his teaching methods were… shall we say, a little bit off the conventional method. both in terms of instruction (he was a wild man) and content (he had his own set of formulas).

  2. malayan, este mapuan, ka rin pala! naabot pa namin sya ng ate ko…ate ko malas, naging instructor nya si sison…ka-batch sya ni otic (oldest teacher in chemistry) and an instructor in physics(old din)na nambabato ng board eraser, di ba? naalala ko lang kasi nung nag-uumpisa pa lang ako pumasok sa mapua, pinag-sit in ako ng ate ko sa physics class nya. shock of my life! kasi yung makulit na kaklase ng ate ko, nakaupo ng paharap sa likod, nakikipagkulitan sa paligid…tapos kita ko lumipad yung eraser sa ulo nya! ( si tienzo ba yun? )

    tuwa naman ako sa reminiscences mo, naalala ko tuloy ang mapua na puro sulat sa walls…parang bodega ng palay…tama ba? di ba noong panahong iyon maraming nakasulat na formula at dedications sa dingding?

  3. nde k inabot c mr. sison pro narinig ko na sya. por kilala mo ba c Mr. Bonus? Algebra & PE. kwela rin ung Prof. n un!!! heheheh!! ikwento mo din kung inabot mo sya.

  4. Si Mr. Hokus Pokus Bonus? Hehehehehe… i heard he died as well. sayang. isa pang character yon.

    si mr. bonus used to be mapua’s swimming coach. official din siya ng swimming team ng pilipinas and always attended the olympic games. he has double degrees in civil and mechanical engineering and besides being a PE teacher also was an instructor in algebra and trigonometry.

    pag papasok ka sa klase niya ng late, kailangan alam mo ang password. pag hindi, you can’t get inside. kasi haharangan ka niya sa pinto at aasarin ka.

    MR BONUS: “PASSWORD?”

    SUDENT: “sir sinophy, cosadhy, tanopad”

    MR. BONUS: “ANO, DI KITA MARINIG”

    STUDENT: “SIR, SINOPHY, COSADHY, TANOPAD”

    MR. BONUS: O SIGE PASOK.

    SINOPHY, COSADHY, TANOPAD stands for SINe = OPPosite / HYpotenuese, COSine=ADjacent/HYpotenuse, TANgent = OPposite/ADjacent

    what a character.

  5. si ms otik (focus on the MISS ok) – siya nga ang kapatid ni mr. sison. borderline din pero not as wild as her more popular brother. si mr. tienzo? hindi ako na under sa kanya pero nakikita ko siya sa physics lab. isa pa yun na nagsusulat ng lagpas ng blackboard at saka hindi straight ang mga line ng mga figures niya – parating baluktot. pag dumiretso, binubura niya ito at binabaluktot. weird.

  6. I’ve been reading your blog for a long time now, but i never guessed you are a Mapuan too! Baka ka-batch pa kita, student no. ko ay 821177xx. BSME, 1988 grad. ako. I do remember Mr. Sison, naging instructor ko din siya. Hirap na hirap ako sa klase niya, pag nagturo kasi siya, may sarili siyang units and symbols! Syanga pala, i’m from Navotas, M. Mla, pero dito na ako naka-base sa Hong Kong, been here for 15 years now.

    I was in Singapore (my first time there) last 23-26 Feb. for a sales meeting. It was quite hot, buti na lang umulan noong 26 Feb. Anyway, i had a taste of Singapore’s signature dish sa Clark Quay : black pepper crab. OK sa sarap…

    regards,
    toyee

  7. salamat sa pag comment mo toyee. hindi ka umabot sa post na ito kaya hindi mo nalaman tuloy na taga mapua rin ako. medyo nauna ka lang sa akin ng isang taon pero sabay tayo nag graduate. kung ME ka, malamang ay nag cross ang landas natin dahil CoE ako. member ako ng AIDS kaya tambay ako ng entrance ng building natin.

    mabuti naman at mukhang ok naman ang buhay mo sa hongkong. maraming masarap ditong kainan tulad din diyan. o siya, ingat ka na lang at hanggang sa susunod mong pagbisita!

  8. two weeks ago nung napadpad ako dito sa blog mo and enjoyed reading it.kaya pala kasi mapuan ka rin…I’m also from mapua, EE class ’96. malaki na ang pagbabago sa mapua ngayon, di na siya affordable di kagaya dati na mura lang tuition.
    Tsaka pinalitan na yata yung mga old instructor na walang masteral o ayaw kumuha ng masteral. ewan ko lang kung me kagaya pa rin nila sison.

    regards,
    louie

  9. two weeks ago nung napadpad ako dito sa blog mo and enjoyed reading it, kaya pala kasi mapuan ka rin…I’m also from mapua, EE class ’96. malaki na ang pagbabago sa mapua ngayon, di na siya affordable di kagaya dati na mura lang tuition.
    Tsaka pinalitan na yata yung mga old instructor na walang masteral o ayaw kumuha ng masteral. ewan ko lang kung me kagaya pa rin nila sison.

    regards,
    louie

  10. galing mo naman sir.hehe, ise-share ko sa blogs ko to para mabasa ng ibang mapuan grads from 90’s.

    kwento na lang kasi naabutan ko kay Mr. Sison.Si sir bonus naging prof ko din.wala bang kwentp kay Galias jan? hehehe.para kasi syang si Mr. Sison, mejo me sayad sa utak. hehehe

  11. wala ako masabi sa yo mr sison, kahit kwento lang masagap ko e talagang nakakapangilabot na. anyway wala nako masabi sa mapua ngaun…iba na ang mga tao, ang mga tambay puro sosyal na ehhehe di tulad dati na ang uniform natin e basang maong at lukot na white tshirt dahil wala pang tulog sa kakagawa ng report at kung ano anong requirement ng mga weirdong instructor natin. Saludo ko sa yo mr sison, sana meron galias at gatsby na mag post dito…

  12. my dad told me about this mr.sison. minsan nga raw may nakasabit na pandesal sa ID nya para madaling kainin. o kaya nmn nag-iinit ng kape sa ibabaw ng hood ng beetle nya. haha.

    from what batch are you?

  13. heard only of the guy.nde ko n inabutan eh..c mr bonus.ayun, alala ko psya.bubutasin nya ung cm mo during first day pra me “sign” n sya….kwela….

    c jose rizal sanhedrin?….naabutan mo?…isa pang karakter un…kontrabida nga lang….

  14. knock2 mr batjay, makikidraan lang po..
    i just finished reading your book at masasabi ko na talagang naaliw ako (hindi po joks).
    tulad mo pareho tayong mababaw ang kaligayahan(hehe) ..lalo na sa mga kalokohan..
    OFW din..nagtapos sa malayan, este mapua..pero di supot (joks…dati lang din)..
    actually matagal nang naka bookmark sa’kin ang site mo pero late ko lang ninanamamnam matapos basahin ang libro mo.
    speaking of mr sison, .i was under him as back subject ng integral calculus dahil sinamang palad ako sumabit ke mrs yuen (?yata yon..tagal na kc)..swak na swak ang mga antics and idiosyncrasies na nakasulat about him…i remember na me time na pumapasok pa yon na parang me medalya o anting2 na kwintas…kahit ganon pa cya, ok na rin dahil pinasa nya ko..bwahahahah…at naiwanan na din isa sa mga bwakanginang requisite subject na yan… ka batch ko yata yong daughter nya na met eng…
    as with mr bonus…ayon, twice ko din naging instructor..sa trigoa(1st yr, 2nd semester).. dapat talagang alam mo ang mnemonic na SOH-CAH-TOA..at ang mga pinagaaralan ay..i.e..computation of the longest day or shortest day of the year…haha
    second time, as PE. instructor..pag tinatamad ang ginagawa nya..pinatatakbo ang estudyante paligid ligid ng campus (as in pagkalaki laki ng campus…nong panahon ko ang northt, east, west building ay di pa magkakadugtong) hindi nya pinapauwi ang walang pawis..so kami naman na gusto umuwi ng maaga, nagpunta sa rest room at nag basa ng t-shirts..at pagtapos humarap ke mr bonus…ang sinabi lang nya sa min ay ‘cge umikot pa kayo nang umikot at ‘wag titigil hangang d natutuyo ang pawis nyo’ (buking).
    madami pa cla ..like the magtira family of terrors (ina-asawa-anak..parang incest) and oldies like senor de l apaz n senora sanchez of spanish classes…miss legazpi of humanities..etc.
    sarap alalahanin…sabay tugtog ng kanta ni rey valera na “kung tayo’y matanda na..sana..”
    at sabay kabig sa tumutugtog na plaka sa radiowealth(??)..eekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk..
    and the rest is history..
    la bang sequel ang libro mo?..aba ..spiderman 3 at shrek 3 na at end of the world na ang pirates of the carribbean…. metong pa..(ende po ako kapampangan)..
    more power dude.

  15. maraming salamat sa pagbili ng libro ko. kung taga mapua ka rin eh maiintindihan mo ang sense of humor. hehehe. lahat ata ng cardinal ay may topak.

    salamat din sa dalaw, hanggang sa muli mong pagbalik kabayan. mas masaya ako kung kapwa OFW ang dumadalaw.

    ingat.

  16. Hahahahahaha… sikat talaga si Mr. Sison hanggang ngayon. Noong 1983 naging instructor ko yan sa Mechanics. Wala akong kaalam-alam na galit pala yan sa librong Mechanics by Webber. Dala dala ko iyon nung first day namin. Noong nakita niya ang libro ay nilapitan niya agad ako sabay hablot ng libro at tapon sa floor. Sabay sabing, “Webber is good but Sison is better!” Ang laking gulat ko noon. Hindi pala namin gagamitin yung librong Mechanics ni Webber (like everyone else sa Mapua) dahil may sarili siyang formula. Sa simula eh mahirap intindihin yung mga formula niya dahil unconventional at ang mga signs eh iba tulad ng ‘kulot’ at ‘salakot’. I consider myself lucky dahil naka 3.0 ako sa kanya. Ang mga exam niya eh take home including finals. hehehehehe Hindi puwedeng mangopya dahil kahit na same question eh iba iba ang sagot ninyo sa classroom dahil i-a-apply mo ang mga variables tulad ng seat # at row # ninyo. I heard na ipina-pa-disqualify na siya sa Mapua dahil sa mga weird na ikinikilos niya. He tried to publish his own book with his weird formula pero hindi na aprubahan sa Dept of Education dahil mahirap daw intindihin yung mga formula para sa average engineering students. Akala nila eh maluwag na ang turnilyo ni Mr. Sison at nawawala na ito sa sarili. Pero nung pinakuha siya ng exam sa faculty ng Mapua… hindi lang perfect ang score niya kundi inilagay pa niya sa tabi ng answer niya kung saan ang source ng question at kung sino ang author ng libro nito. hahahahahaha Go figure… the man is a genius! I feel lucky to have met legendary Mapua instructors like Mr. Sison, Architect Francisco (hindi raw siya nagyayabang pero anya your truly is a top notcher sa board exam), Mr. Santos (the cool weed smoking math instructor), at marami pa. Too bad at hindi ko naabutan ang kilabot na Magtira brothers (author ng Physics book). hehehhehehehe

  17. I’m teaching part-time at Mapua este Malayan these days. Iba na sya. wala na ang mga legend at ang hirap mambagsak ng estudyante kasi haharassin ka nila ng kung anu anong kaso at complaint na kahit alam mo you will win the case, the fact na it will take so much of your time tapos hahanapan ka pa ng technicality ng admin (like may nakalimutan kang isang step sa standard process guide bago mo binagsak yung student). Panay mga brats lalo na sa makati campus.

    I remember Mr. Sison, he is a legend throughout the engineering academe kasi maraming graduate ng ibang school na ang nagtanong sakin kung sino yung prof na naglalakad ng patalikod and I am always proud to tell them na-under ako sa kanya sa differential equation at nasigawan pa nya ng first day kasi he called me for recitation and when I was standing up, sinigawan nya ako, eh di ko naman naintindihan kala ko he was angry that I was stalling so I sat again then tinawag ako uli then I stood up again then sinigawan ako uli tapos ayun pala gusto nya recite ka nakaupo!

    sa klase namin nakikipagbatuhan sya sa amin ng chalk at crumpled paper. pwedeng kumain ng chichirya sa class nya. pag student number 13 ka sa record nya automatic bagsak ka na raw. at what Iv heard: pinahiran nya ng tae yung bumper ng kotse nya pare hindi upuan ng mga estudyante.

  18. hi po…
    I had fun reading this… actually my officemate from Mapua forwarded me the URL of this site…

    para daw maniwala ako sa kwento nya ehehehe

    • Hindi ko naging instructor si Mr. Sison pero I remember him well kasi katabi ng room namin yung section nya. Ang una kong napansin, ang kuwintas nya yari sa shells ng tahong, hahaha. Tapos, kung minsan, hinaharangan nya ang pinto ng mga silya para daw walang makalabas ng room…..

  19. hello, po its me again… i just wana comment on wat papajoe said… hnd nmn po lahat ng studyante sa makati campus brats… majority po cguro pero meron nmn pong hnd… sana po wag nmn lahatin….

  20. haha, astig nman. hi po, baguhan lng po aq sa blog nyo. actually nakita q kau sa inquirer and i was really intrigued about the article so i tried to visit your site. so here i am, browsing your old posts. ang cool naman ng mga naranasan nio nung college days nyo, kahit ganun ung profs, astig. i’m going to be a freshman in college this coming school year at nanghinayang ako sa mga nag comment kasi nga daw po iba na ngayon kesa dati. from the profs to the students, maramig nabago. actually nakapasa po aq sa mapua makati kaya lng ung tuition, umh, mahal. hehe. salamat po sa post, nakakaaliw. i shared your site to my mom who is actually an ofw too in california. hehe.

  21. grabee. naalala ko na naman yung hirap (o sumpa, hehe) na pinagdaanan ko. on the other side of the antics, sa mga sabi sabi, si mr. sison daw ang nag design ng first moon buggy. yung four wheeled car na may parang inverted umbrella na ginamit sa buwan. at ang reason kung bakit siya nabaliw eh dahil siya ang nag design ng sasakyan na ang tawag ay “sakbayan” na ginamit ng pldt noong early ’80s, na nag turned turtle. (actually pinabaligtad daw ng mga kaaway niya). at hindi maisip ni mr. sison kung bakit bumaligtad yung sasakyan eh wide, lowered at flat head naman daw ito. kaya doon nagsimulang pagdudahan ang katinuan nya. anyway, kahit nakakatawa, nakakainis, kasumpasumpa at kung ano ano pa na pwede ninyong idagdag, saludo pa rin ako kay mr. sison. hahahahahahahahahaha, nababaliw na yata ako, cge next time uli.

  22. Almost 2 dcades past na when I was with sison in Mechanics…. whew it was really tough and sooooo funny…….
    Sometimes I cant imagine how i survived from him although hindi ako natuto sa actual teaching niya dahil puro shortcuts.. siya lang nakakaalam nang flow nang solution…. My son said iba na raw sa kuwento ko ang Mapua….

  23. na share lng friend ko ang url nito.
    nakakatuwa naman si prof. sison, kung sino man sya..
    nag -aaral ako sa MIT ngayon, BSChe. haha. hindi ko na nga sya maaabutan tlga.. di pko buhay nung nagtuturo sya.
    ur son is right, iba na nga ang Mapua sa kwento mo..
    oh well, nakakatuwa ang blog mo.. godspeed:)

  24. haha. nakilala ko c mr sison kc madalas xa knukwento ng mga profs nmin ngaun sa Mapua. and sa kanila ko natutunan kung paano magtanggal ng buhol sa 1 strand ng hair. :)) hahaha.

  25. Sa mga classes nya, laging may riot cheering ng “Sison!, Sison!, Sison!” grabe ….parang heavy metal gig, with matching kalampagan ng mga upuan…everytime na may nasosolve syang math problem sa blackboard….

    minsan sumasayaw naman syang parang Spanish or Kundiman dancer…while students sing and cheer on the top of their voices ng “Sayaw Sison, Sayaw Sison, Sayaw Sison…..Ikembot mo, ikembot mo, ikembot mo….” and pabilis ng pabilis ito…hanggang syay parang nangingisay na… Whooooooo! I can still feel it now!!!! whoooooo!

    Astig tlaga..Whew!!!….dalawang beses ako na-under sa mga subjects nya sa magkasunod na sem….wala man ako masyado natutunan
    but Yeah… its one year of a roller-coaster ride!!!! Rock on Sison!!! m/

    Mr. Sison classes is like an Energy Release Outlet/Mosh Pit,… watever u call it….for the students dahil sa sobrang stress at pressure sa mga ibang subjecs…A Stress-Reliever…, para sakin..

    BAKAL
    Batch ’93

  26. Batjay,

    Ikaw ba ang may akda ng Mga Kwento ng Batang Kaning-Lamig at ng Kwentong Tambay?

    Kung ikaw iyon, ikaw si Nicanor David JR.?

  27. I remember mr. Sison, I even drew a caricature of him one time. Under ako sa kanya sa differential equation. iilang equation lang ang exam namin usually, wala pang 3 yata tapos sasabihin nya theta is your row number and phi is your seat number. ayun, wala kang kaparehas sa exam.

    unlucky din yung #13. totoo pala yung pag #13 ka sa class nya bagsak ka na kasi yung classmate ko na masmatino at masmatalino sakin bumagsak while ako pasado.

    He is truly legendary, students/graduates from other schools have heard of him and pag nalaman nilang grad ka ng Mapua, yun madalas tinatanong nila.

    I agree with one of the commented who also teaches part time like I do. Brat na mga students ngayon, kung anu-anong ibabatong accusations sa iyo para lang pumasa at you’re on your own kasi di ka kakampihan ng school kaya most profs para walang gulo di na nambabagsak.

    I miss the old Mapua, kahit bulok ang paligid, panay vandalism (pipili ka na lang ng upuan or pwepwestuhing wall kung nasan yung formula or equations na kelangan mo), mainit, sagwa ng pagkain sa canteen pero iba talaga dati. Pag graduate mo taas ng tingin sayo at mga character na prof tulad ni sir Sison, sobrang memorable.

  28. from these thread, i had flashback of SOH-CAH-TOA….and the deadly instructors having the initials of B-I-N-G-O…..u know who they are.

  29. One time, binuhat ng mga estudyante yun kotse ni Mr. Sison, nakakatawa hanap-sya ng hanap kung saan napunta hah hhah hah…, nakikiapagbatuhan di ng chalk at papel sa mga estudyante yun,.nakakatakot maging instructor yun dahil 50% babaksak ka sa kanya.
    Ganun din c Tienzo,,, she has been my teacher in differential equation… naku mabuti na lang at pumasang awa ako sa finals nya… kc square root ng class ang sumabit sa clase namin… C Otic naging teacher ko sa Chem 2, naku nakakatakot din kc more than 50% lang pumapasa sa kanya… mabuti na lang at nakalusot ako sa kanya…
    Ganun talaga sa Mapua noon.. grabeng sacripisyo… ginto ang tres “3” na grade.

  30. grabehhhhhhhh,,,,,nkakatakot aman,,,,yan,pero sarp cguro pg lge k nppatawa,,,sa knya,,,,wierd,,sobra kcng talino:-)

  31. I am 80109133. Mr. Sison was my instructor for two consecutive semesters under Integral Calculus and Differential Equation. I can only share this one for now.
    – HE IS SUPER LOUD
    It was like taking my cadet officer’s initiation again. He speaks loudly. As in VERY LOUD. Before I knew him, I have an instructor that has the habit of checking where Mr. Sison is, and she would request for transfer to a room at least 3 rooms away from him. He usually occupy the NW wing (3-4th floor). If you are close to his room, your class will be a mess because all you hear is Mr. Sison’s voice. As a matter of fact, the adjacent rooms are always empty. I can never imagine anybody lecture for an hour by shouting all the time. Now try to imagine if you are inside his classroom! I will not be surprised if the cause of his demise will be from his abuse of his voice.

  32. #3 on top of the Vulokswagen is his lunch bowls – pinapainit para pagkain niya mainit pa rin.
    #9 nagsisimula ang problem sa blackboard ng isang kwarto at matatapos ang solution 2 kwartos after- ikaw na estudyante ay dapat humabol kung saan niya isusulat ang mga solutions niya.
    #17 kapag siya ay na late at ang klase niya ay sa first floor, sa bintana siya dadaan. Ikaw na, Mr. Sison!

  33. Nakikita ko cya nag-iinit ng baong lunchbox sa bubong ng VW Nya. One time naman, may naka-tahing tahong (mussels) shells sa barong Nya. Malas ko naman, di ako na-under sa kanya! Ang saya siguro. Makwento sya at minsan kinwento nya (sa faculty outing namin) yung mga nagma-masters sa UP na mga faculty, sa kanya nagpapatulong gumawa ng homework – sabay hagalpak ng tawa! Pero Kay Paulino, tatang at remy magtira, na-under ako – pati Kay mr kho, mrs sy, at mrs yuen ng math. MIT = Mapua Inst of Terrors noon!

  34. siya ba yun?
    yun botones ng polo salisi.
    pagkaparada ng kotseng kuba nya, ilalabas ang baon at ipapatong sa ibabaw ng kotse.at kapag may nagtanong kung baket ganun, ang sagot nya para daw mainin yun baon nya.
    siya ba yun?
    901074xx po.
    pero indi pinalad makatapos.
    thankful pa rin kasi nakatulong sa kin kapag nakikita sa resume ko na galing ako mapua kahit undergad.
    taiwan, kuwait at qatar mga work places ko dati.
    “viva mapua three times”

  35. Nilalagay nya lunch nya sa ibabaw ng beetle nya para uminit daw. Pero minsan kinain ng pusa, he he he. dismiss class namin

  36. Minsan tinanong namin sya kung bakit pabaligtad sya umaakyat ng stair, binigyan kami ng computation ( less energy daw) which is true naman

  37. Maingay yung isang estudyante sa back row. Binato niya ng eraser, kinuha ng estudyante yung eraser at ibinato sa kanya. Kumuha siya ng nilamukos na bond paper at binato nya ulit yung estudyante, naglamukos yung estudyante ng papel nya at nagbatuhan sila ni Mr. Sison…. hahaha… mayamaya ang buong klase na bumabato kay Mr Sison… si Sir naman enjoy sa kapupulot ng mga papel na ibinato sa kanya at tuloy ang batuhan ng klase na may kasamang sigawan at tawanan. Sa kwarto naman namin, galit na galit si Mr Pieng Ang (Terror din ng EE Dept) patakbong pumunta sa katabing kwarto para sigawan at pagalitan ang maingay na klase. Napangiti na lang si Mr Ang at napakamot ng ulo nang makitang si Mr Sison ay kasama sa maingay. Naging Prof din kasi ni Mr Ang si Mr Sison. hehehe

  38. Naging prof. ko yang si Mr. Sison sa Calculus. Sinuntok ako niyan sa sikmura kasi napansin ko na mali yung solution niya sa kanyang lecture. Yun bagsak ako sa prelims at lahat ng kaklase ko pasa, pero pagdating ng finals, nakapasa ako but yung mga kaklase ko bumagsak, weird talaga.

    take home finals niya but hindi kayo makakapagkopyahan kasi iba iba solution dahil sa data na base sa seat # mo,etc.

    Isa pa yung chalk niyan nakalagay sa kaha ng Marlboro.

    Nagpriprito yan ng itlog sa bubong ng volkwagen beetle niya pag-tanghali.

  39. First day ng 2nd semester at naghihintay kami sa labas ng isang classroom sa 3rd floor West building. Naghihintay kami at curious kung sino maging instructor namin sa strength of materials. Pinagkukwentohan namin ang experience namin kay Mr. Sison sa mechanics noong nakalipas na semester. Habang nagkukwentohan kami, nakita namin si Mr. Sison na paparating sya. Para kaming nabagsakan ng langit. Ngunit dumaan lang pala sya at papunta sya sa North Building na direksyon. Kaya tawanan kami at palakpakan kasi mukhang di sya ang aming instructor sa strength of materials. Tumingin sya sa amin at ngumiti lang. Tuloy ang lakad nya malapit sa corner ng North Building. Ngunit bigla sya nag about face at lumakad papunta sa direction ng tinatambayan namin. Nang nakarating na, tumingin sya sa Room No. at tiningnan ang card na hawak nya. Pumasok at para kaming nabagsakan ng langit. Hinintay kami lahat makapasok at makaupo at sinabi “akala nyo makalusot kayo sa akin? malas nyo hahaha’.

    Well, that was one of the most memorable moments of my life in mapua
    Proud of myself for being able to survive 10 units with him. 🙂

  40. Nakakatuwa basahin ang mga comments ninyo dito tungkol kay Doc Sison. I had the honor and privilege to be his co-faculty member at mathematics Depatment sa Mapua for 6 years and aside from my knowledge from all the stories I heard about him, I had a great experience to know him outside of classroom. Doc Sison has a beautiful mind, no doubt about that. He has his own greatness that requires an open mind to be admired but aside from that he also has a kind heart. I have seen his sweet and caring side, to all his co-faculty members. The greatest experience I had about him is when he included me to had a peek at his family life. He rarely invited people over to his house but he chose a few of us to have dinner there one time. There, I saw a totally different Mr. Sison who is formal, sweet, prim and proper when he is around his wife and son. I guess everyone can visualize how fascinated I was at that moment, just watching them. A very wholesome decent family man with his very ladylike wife and respectable young professional son. Nosebleed nga ako noon kasi they conversed in English most of the time since his son grew up in USA. – Share ko lang, I’m sure most of you will be surprised to read this the same way I was when I was at that dinner.–Ma’am Beth

  41. For addtional info lang. There were 2 Mr. Sison instructors in Mapua before. Arsacio, in Math and Dominador, in ME. Yung may anak na Met Eng si Dominador. Engr. Dominador Sison was a favorite instructor in ME. Mr. Arsacio Sison, you were right, was a legend.

  42. He was my mech instructor. He smokes kahit nasa loob ng classroom pero one thing sticks to my mind whenever i remember him – his wet hankie na gamit nya pambura ng blackboard! Basa daw un para pag nagsulat sya sa blackboard eh mahirap ma erase hahaha! Genius!

  43. nung freshman ako na witness ko yung naakyat siya sa hagdan facing the other way, nung may magtanong sabi nya exit daw kasi yun kaya dapat sa kabila siya nakaharap. another time naman yung hila hila nya sa corridor yung chalk box malapit sa physics lab, nakita siya ni mr. calderon (head ng physics during my time may anak siya bubbles calderon prof din ng physics) nung makita ni mr. calderon si mr. sison tinanong nya bakit hinihila chalk box ayun pinaliwanangan siya about friction and gravity na mas madali hilahin kesa buhatin hehehe. may anak din si mr. sison na teacher naman sa chem. pero thats another story. at nakikiuso nga pala si mr. sison noon kasi noong uso ang boyband na menudo may tali sya sa ulo pag nag tuturo.( ingat ka lang kasi nambabato ng eraser kahit babae wala patawad) at sabi nga pala ng utol ko nung time nila pinapahiran ni mr. sison ng tae ng pusa yung volkswagen nya ( manipis ang pahid kaya maaamoy mo lang pero hindi mo malaman kung saan nanggagaling para daw pag inupuan ng mga estudyante lagot ang damit nila. at bantay daw sa exam nya eh pusa ( nauna pa pala siya dun sa harry potter na prof hehe)

  44. Di ko naging prof si mr sison pero bago kami pumasok sa klase ay talagang iniintay namin syang dumating sa klase niya para makiamot ng konting kasayahan. Lagi nya hila yong chalkbox niya at minsang nasa night class ako ay nawalan ng kuryente at hinila nya yong chalkbox na yon na may nakatirik na may naka sinding kandila kaya laking gulo at takot ng mga nakakita. Dahil akala nila ay multo. Dumarating din syang may nakasabit na anahaw na abaniko sa likod na mistulang kapa niya at kapag sya nainitan ay syempre pamaypay na rin niya. Ang parking area ng blue vw niya ay sa may chapel sa north bldg o harap ng supply store. Pagdating niya ay agad bubuksan ang baunan niya at ilalagay sa bubong ng vw para daw mainit pagkain niya. Ang alam ko ay tatlo silang prof sa MIT, bale dalawang lalaki at isang babae. Iyong kapatid niyang lalaki ay anak yong naging classmate ko sa general engineering. Lahat sila ay full of brain pati yong classmate ko. Si mr sison lang ang weird pero mabait naman.

  45. Mr Sison… how can I forget… nagyoyosi sa loob ng class then asks if meron sa aming mga estudyante na may dalang ashtray… aba pala… then, he drew an ashtray sa blackboard at dun nagtaktak ng upos ng sigarilyo… problem solved… #collegedays

  46. Hindi ko sya naging instructor pero muntik na! Yung room nya hinaharangan nya ng silya para walang makalabas. Tapos minsan, nakita ko syang nakakwintas ng shells ng tahong! Hahaha

  47. Nagdala siya ng pusa sa klase namin during our exam at nilagay niya sa lamesa para hulihin mga nagkokopyahan.

    Then one time may dala si sir na espada tapos pagpasok niya sa classroom tinutok niya sa amin dahil maingay kami nung dumating siya.

  48. Di ko siya naging prof. Bali balita ay naglelecture daw yan sa klase at puno na ng sulat ang black board tapos biglang sasabihin na di daw pala iyon sa klase na yon. Pumunta sa ibang room at doon nakasulat lecture nya para sa kanila.

  49. Pakidagdag ‘to…….prof ko sya sa strength of materials. Minsan yung mga loko sa amin nilock sya sa CR na halos katapat ng classroom namin. Nung makalabas may hawak na isang plastic cup…….sinaboy sa amin sa classroom…..ihi nya! Yaiks!!!! – ME ngapala ako…..batch ’90 grad.

  50. Kudos Sir Jay for initiating this. Laughter is the best medicine sabi nga and I have many right now dahil sa mga nababasa ko from the comments. Anyways, I would like to share also my experience with Mr. Bonus. He was the one that signs our CM na magkadikit na bundok at may tuldok on each (go figure ). He always says during trigonometry class, lahat ng babae MAKIKINIG and lahat ng lalake ay TITINGIN. Required magkaron ng notebook yan and kpag may nakataleng ruler or protractor may plus points sa exam or seat work. Sya rin ang haharap sa iyo at kunwaring duduraan ka pero pag spit nya papasok pla ang motion, hahahaha…Lastly, sya lang ang nagbigay ng option na kung ayaw mong mag jogging for PE, maghanap at magbigay ka sa kanya ng 100 buhay na Langgam na pula, hahaha…

    BTW, hinahanap hanap ko pa rin yung lasa ng pizza dun sa North bldg. tapat ng Chem lab dati at malapit sa cathedral….and syempre Manang’s Chicken….

  51. By the way remember why his students didnt sit infront or first and second row usually open, its because he always spits at students infront of him while doing lecturing.
    He will get problems from singers book but solution will be copied from besavillas reviewer based on singers solution. Based on the singers solution one problem will be solved on a very long computation. According to him that was foolishness. By using Sison Method. It was precise and short but the formulas were weird. In comparison using his formula is better than Singers

  52. Summer class, naglalagay ng aso sa pinto para ang mga late Hindi na makapasok.

    Ang kwintas nya buong pag mamalaki nyang made of talukap ng tahong.

    Ang thermos nya nilalagay sa may makina ng beetle, para daw laging mainit ang tubing!

  53. unang araw ng class nalaman namin kaagad na si mr. sison ang magiging prof, kinandado namin ang pinto at hinarangan ng mesa. lahat kami tahimik nung narinig namin na may pumipilit mag bukas ng pinto tapos tumahimik, may nag sabing “wala na yata” at masaya na kaming nagkukwentuhan. laking gulat namin ng may sumigaw mula sa bintana at sabay tumawang kontrabida, dumaan pala si prof sison sa fire escape, hahaha.

    kung naalala niyo si mr bagadiong, spanish teacher na may berdeng benz na kumakalembang pag umaatras, medyo marami na ang puti mong buhok gaya ko hahaha.

    kwela talaga sa mapua kaya mga produkto kwela din!

  54. Hi batjay,
    I’m a Mapuan Batch 1980, BSME. I was under Mr. Sison in Mechanics 2 and one act I want to share is when he was already in the room sitting on the table before us. The word “PUSH” was written in the board and he asked two of us students to push the table whenever the board is full of his lectures. He does not want to move or walk. SO, THE TABLE HAS TO BE PUSHED LEFT OR RIGHT, FORWARD OR BACKWARDS WHEREVER HE WANTS. When class was finished, he pointed his finger to the 2 students, laughed and said “CRE-ZZE” (crazy). We were really laughing loud, haha. I HAVE TO ADMIT I LOVED AND ENJOYED THAT CLASS.

  55. I am nico cruz at naging instructor ko si mr sison sa differential equation, share ko lang sa inyo mga school mate, matalino sir sison kanya lang siguro dahil sa eded nya nuong 1980s ay nagkaroon sya ng kakaibang isipan, may ischolar akong kasama ko sa differential equation sa subject ako ay ordinaryong istudyante lang pero dalawa kami na nakaka 100 sa take home exam nya mahirap sagutin pero buong gabi at madaling araw ang ginugugol ko sa pagsagot sa exam nya na ang seat number ng estudiante ang gagamitin na variable para makagawa ng mahabang solution at makuha ang sagot.ang ischolar na classmate ko nuon ay maalala ko parang jose seno ang pangalan.wala pang computer nuon at sa galing nya ay nachecheck nya na hindi nakaprogram ang solution nya…yon lang maiprogram nya ang solution at sagot sa exam natin ay hahanga kana sa kanya.pero sa likod ng galing nya ay meron syang katapat na kakaiba sa kanyang pagiisip. Magkaganon paman naging instructor natin sya at part ng ating college life.at dahil sa kanya natuklasan natin na kaya natin sagutin ang math problem mahirap man ito kung magsisipag lang tayo,mag iisip ng medyo seryoso.hindi man tayo talagang natuto sa mga turo ay tinuruan nya tayong mag isip ng mas seryoso, ang gusto nyang iparating satin ay mag self study tayo mga classmate.naging tatay natin sya nuon kaya maski baluktot ang mga nakita natin sa kanya mag thank you parin tayo sa kanya. Thank you sir sison.you are a legend.

  56. Mr. Sison was my math 235 at math 145 instructor magaling magturo pero weird lng talaga sya. Kapatid nya si Mam Otik na isang terror sa chemistry. Binagsak ako ni Mam Otik sa chem 141 L.. pero tlagang mahirap magbigay ng exam 🤣🤣🤣🤣🤣

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.