An extraordinary girl in an ordinary world


happy birthday mylab.

the past two years have been a struggle for you, i know, but you’ve persevered. you really are so much different. i watch you all the time and i’ve noticed that you are far more confident and content now than when we first arrived in this strange land.

it took a lot to get to where you are now and i just want to tell you how proud i am of you.

you’ll do even better as we go along. you’ll thrive and you’ll make the people around you happy in the same way that you’ve made me happy. all they need to do is hear your unmistakable laugh and everything will be ok.

thank you for everything you’ve done for me.

with so much love,
jay

PS – i look forward to the pansit bihon that you are going to cook today. we haven’t had that for a while. lab U!

Back in Black

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS: bumalik na sa pag blog si jet. mahigit isang taon din siyang nawala at hindi ko naman siya masisi. naging abala kasi siya sa trabaho at sa pag-asikaso sa akin. oo virginia, minsan kasi medyo high maintenance ako. ngayon, tenksgad, medyo ginanahan na ulit siyang magsulat. buti naman kasi di hamak na mas magaling siya kaysa sa akin.

Continue reading

IT IS THE STAR TO EVERY WANDERING BARK

happy anniversary mylab.

libreng piktyur nung party sa opis, ang kuripot ko talaga

ngayon lang ata tayo nag celebrate ng anniversary natin ng naka bakasyon. all throughout our marriage, either nagtatrabaho tayo or walang masyadong pera para makalabas. it’s about time.

Continue reading

My love she laughs like the flowers

happy birthday mylab.

habang sinusulat ko ito, nakikita kitang nagluluto sa kusina. mukhang masaya ang mukha mo at pakanta-kanta ka pa. bagay sa iyo ang suot mong technicolor na sombrero. sana parati kang ganyan. yan lang naman ang kaligayahan ko – ang makita kang maligaya. kaya nga huwag mong ilalapit masyado ang mata mo sa hinihiwa mong sibuyas. ano ba yang niluluto mo? manok na may special sauce na bago mong imbento. ang bango. bagay yan na counterpoint sa niluto mong sinigang na hipon. bigla tuloy akong nagutom. pero hihintayin na lang kitang matapos magluto para sabay tayong kumain mamaya. in the meantime, papanoorin na lang muna kitang maghanda.

lab U,
jay

SHANGHAI NOON!

dear mylab,

nag stop over kami kanina sa hong kong on the way to china from taiwan. malakas pala ang promotion na ginagawa sa disneyland at malimit na pinapakita ang mga commercial tungkol dito sa airport. tinanong nga sa akin ng mga kasama kong amerikano kung bakit puro si mickey mouse lang parati ang mga pinapakita sa mga commercial. hindi ko alam ang sagot kaya sinabi ko na lang eh malamang ay kinatay na si donald duck, nakasabit na sa restaurant at ginawang ulam.

nandito na kami sa shanghai ngayon. dumating kami ng exactly 12 pm – shanghai noon! ominous ano? may ibig sabihin kaya ito? malamang wala dahil pelikula lang naman ito ni jackie chan. medyo malamig ng kaunti at malaking pagbabago sa temperature from singapore and taiwan. tawag ka na lang sa akin pag dating mo from duty, matutulog na ako’t kanina pa akong madaling araw gising.

miss na kita, mylab. lab U!
jay

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.
Continue reading

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading