Declare the pennies on your eyes

deadline ngayon ng pag file ng buwis dito sa america. siguradong maiinit na naman ang ulo ng mga taong tulad ko na kailangang magbayad ng karagdagang buwis over and above yung withholding tax na binabawas sa sweldo every payday. nakakainis nga, wala kasi kaming tax shelter ni jet. hindi pa kami nakakabili ng bahay at wala rin kaming anak kaya todo-todo (kasama pati pamato’t panabla) ang buwis na pinatong sa amin ni unkyel sam. buti pa nga yung mga TNT rito dahil tax free ang mga suweldo ng mga ulul.

Never saw the sun shining so bright, Never saw things going so right

suswertehin siguro ako. nakapulot na naman ako ng 1 cent habang naglalakad kanina. itong linggo lang na ito, siguro mga 4 times na. kasabihan kasi rito na may darating na suwerte pag nakapulot ka ng penny kaya nga pumasok sa isip ko na may bubulagang goodluck sa akin. oo nga pala, contrary sa mga sinasabi ng mga kabarkada ko sa novaliches, penny ang tawag sa 1 cent coin, hindi penis.

Continue reading

Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa’t Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

Image

BAGONG TAON NA NAMAN

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

PUTANG INA, ANG LAKING LANGAW!

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


BY CHANCE TWO SEPARATE GLANCES MEET

isang umaga, habang tumatakbo ako sa isang park sa southern california…

BATJAY: hello!

GROUP OF SENIOR CITIZENS: (with a thick pinoy accent) gud morning!

BATJAY: magandang umaga!

SENIOR CITIZEN#1: magandang uma… UY, PILIPINO!

SENIOR CITIZEN#2: oo nga. sa unang tingin, akala ko meksikanong intsik.

BATJAY: (pabulong) meksikanong intsik? WTF.

ang chance encounter na ito ng mga pinoy sa park ay handog sa inyo ng “MAGGI-SALOMPAS BULALO, ang instant noodle para sa may mga rayuma”.

DRIVE THROUGH YOUR SUBURBS INTO YOUR BLUES

nagpunta ako sa los angeles kaninang umaga para kumuha ng visa sa japanese embassy. hindi ako sasali sa US navy ng japan. may business trip lang kasi ako sa toyko itong darating na december kaya kailangan ko ng visa. yan ang isang hirap ng may pinoy passport: kailangan mo ng sangkatutak na visa sa iba’t ibang mga bansa. minsan hassle lalo na pag marami kang pupuntahan. itong coming trip ko, pupunta ako sa japan, korea, taiwan, china at singapore. halos lahat ay kailangan ng visa. buti na lang pwedeng through travel agent ang processing kaya hindi masyadong mahirap.
Continue reading

BABYLON SISTERS SHAKE IT

dear nes,

kamusta pre?

medyo matagal-tagal na rin tayong ‘di nag-uusap ano? ok naman kami rito ni jet. nag e-enjoy kahit papano. ang bilis talaga ng panahon. summer of ’05 kaming dumating dito last year at ‘eto, parang kisapmata, end of summer ’06 na.

hindi ko nga alam kung natutuwa ako o maiiyak sa pagpalit ng season. natutuwa ako dahil hindi na masyadong mainit. in fact, medyo malamig na nga lately. sa gabi at early mornings ay nagsusuot na ako ng light sweater pag tumatakbo. at hindi na gaanong pinagpapawisan ang betlog ko kaya paminsan minsan ko na lang itong kinakamot, pag walang nakatingin.
Continue reading

I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation “Race for the Cure” – naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.


Continue reading