gamot sa babaeng may bigote

dear gentle reader,

mahirap talaga pag may anak na nagdadalaga na dahil eto yung panahon na marami na siyang nakikita at gustong gawin sa katawan niya. napag-isip mo tuloy ako doon sa sinulat mo – sabi mo sobrang balbon niya at gusto niyang tanggalin yung “bigote” niya dahil tinutukso siya sa school? nag research ako on-line at maraming nakitang mga procedure na pwedeng gawin, depende sa budget mo – pwedeng laser, wax o kaya ay razor. kinausap ko rin yung pastor kong si mang boy, ang sabi niya ba’t di mo na lang daw patubuan yung anak mo ng balbas. that way daw, hindi mapapansin yung kanyang bigote.

good luck na lang sa iyo,
unkyel batjay

banana blues

the gospel according to mang boy #004: habang mahal na araw, iniisip kong maigi ang pagkamatay ni hesus. kung nadulas pala siya sa balat ng saging, naiuntog ang ulo sa semento at namatay, lahat ng mga kristiyano sa buong mundo ay magsusuot ng kwintas na lakatan.

kamote

sinubukan ni mang boy na kumain ng kamote habang nakatali ang dalawang kamay sa poste ng kama. wala namang dahilan para gawin niya ito kaya tangina, nagtataka rin nga ako. ang problema niyan eh bukas, sino na ang magkumpuni ng tumutulong gripo?

Longsilog

dear mang boy,

ang sikreto para mapalapit ka sa pinupusuan mo ay simple lang – una, pag bisita niya sa bahay mo, dapat marami kang libro sa kwarto. pangalawa, kung sakaling ma-impress mo siya at nag spend siya ng overnight sa piling mo, kailangan marunong kang magluto dahil sinisigurado ko sa iyo na madadagdagan ang pogi points mo kung pag gising niya sa umaga eh may nakahanda ng almusal.

ingat,
unkyel batjay

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


#8 Dream

nung high school ako, ang isa sa mga malimit kong nightmare ay anatomical. parati na lang sa mga panaginip ko, ang scenario ay gumigising daw ako isang umaga at pagharap ko sa salamin, bigla kong makikita na may malaking titi ako sa noo.