kung ikaw ay nasa death row at bukas ng umaga nang bitay mo, eto ang masarap na last meal. pwede itong kainin na one ulam at a time per breakfast. pero sa katulad kong matakaw, mas maganda pag nakahain siya ng sabay-sabay. this is my all time favorite pinoy breakfast. isa-isahin po natin ang aking menu:
1. hot pandesal with prinitong kesong puti. bili ka lang ng kesong puti along the highway in any town sa laguna. ang sikreto sa masarap na kesong puti ay i-prito muna siya ng mga 20 seconds, preferably sa isang teflon pan para walang mantika. flip once over tapos ipalaman na agad sa pandesal. medyo malambot na ito by this time and will melt in your mouth pagka subo.
2. garlic rice. left over kaning puti from dinner of the previous night, mas maganda pag may konting tutong. lots of garlic. i-prito hanggang medyo golden brown na ang kanin.
3. langgonisang lucban. para talagang authentic, ikaw na mismo ang bumili sa lucban, quezon. take the backroads of rizal, up the mountains of pagsanjan para maganda ang view, wala pang traffic. mas gusto ko yung medyo malaking size na langgonisa. prito till crispy outside, wet and juicy inside.
4. daing na espada from pangasinan. fried extra crispy para makain pati ulo, buto at buntot. eto ang medyo pang harmonize sa langgonisa – parang counter point kung baga. marami nito along the highway going to baguio or ilocos.
5. paksiw na tiyan ng bangus. parang adobo, ang paksiw ay masarap kung isang linggo nang nailuto at continously mo na lang na pinapainit. by this time, halos wala na itong sabaw at maasim na maasim na ang lasa ng tiyan ng bangus at sahog na gulay. samahan mo na ng sawsawan na patis, durugin dito ang sili na ginamit sa pag gawa ng paksiw.
6.pritong itlog. sunny side egg, gawing toppings sa sinangag. basagin ang pula sa kanin at ihalo halo. kung medyo oragon ka eh, lagyan ng ilang patak na green tabasco.
7. sukang iloko. home made sukang iloko na galing sa ilocos ang pinakamasarap na sawsawan sa langgonisa at daing na espada. haluan ng isang maliit na siling labuyo para may sipa. damihan ang suka para pag bitin ka eh pwede mong higupin ito ng kaunti.
o, ano pang hinihintay nyo? kain na tayo!
Like this:
Like Loading...