A sad funny ending to find yourself pretending

di ko nga alam kung anong mangyayari after death. iniisip ko nga, walang sasalubong sa akin na mga anghel na malalaki ang pekpek dahil sa aking buhay pagano. at best, pupunta siguro ako sa impyerno. although gusto ko pa ring isipin na mas mabait ako kaysa roon sa mga makadiyos na nagsisimba tuwing linggo pero puno naman ng kaitiman ang kaluluwa. kaya kung talagang may diyos at nagkita kami sa pinto ng langit one day, baka naman pwede ko siyang pakiusapan. who knows, baka sakaling makalusot.

pero sana naman ay matagal pa ito bago mangyari at hindi ko muna iisipin ng mataimtim. i will enjoy my life now because i fucking deserve it. sabi nga ng idol kong springsteen: “These are better days baby

62 thoughts on “A sad funny ending to find yourself pretending

  1. “kaya kung talagang may diyos at nagkita kami sa pinto ng langit one day, baka naman pwede ko siyang pakiusapan. who knows, baka sakaling makalusot.”

    I do care for you, Batjay. May babala ang Dios sa mga nag-aakalang may pagkakataon pang makipag-ayusan sa Kanya sa kabilang buhay.

    “Itinakda na minsan lamang mamatay ang tao at pagkatapos nito ay ang kahatulan.”

    Hebreo 9:27

  2. what if may reincarnation pala?
    i followed the link. sabi ng youtube: This video is not available in your country. meron palang ganun.

  3. oligopistoi, pagano si batjay hindi atheist. Therefore he believes in super-natural beings. Yun nga lang mga espirito sa bato, kahoy, kabundokan at mga lamang-lupa.

    Kasama na siguro doon ang tyanak, sigben at manananggal.

  4. hindi naman ako naniniwala sa mga supernatural beings. wala naman talagang mga bampira at multo. pero naniniwala ako sa mga tiyanak – milyon milyon nga yung nasayang doon sa banyo namin nung binata pa ako.

    WATUSI BOY: kung may reincarnation, malamang lamok tayong lahat sa next life.

    maraming salamat sa bible verse mo, kaibigan. sabi rin sa genesis 16 verse 3 – “So, after Abram had dwelt ten years in the land of Canaan, Sar’ai, Abram’s wife, took Hagar the Egyptian, her maid, and gave her to Abram her husband as a wife.”

    kaya yung pintong yon talagang masikip.

  5. Ako gusto ko pa mabuhay ng matagal kse andami ko pa gusto ma-accomplish sa buhay ko. Kaya ngayon health conscious ako at andami kong supplements na iniinom. Pero alam ko na wala ding guarantee ‘yun. Sana lang talaga bigyan ako ni God ng mahabang buhay.

  6. ok yan. ako rin, gusto kong mabuhay ng matagal at healthy kaya inaalagaan ko rin ang katawan ko. tinanggal ko na lahat yung masamang habits ko nung mas bata ako.

    pero kailangan din i-enjoy ang buhay. may ka dinner kami kagabi na mga kaibigan namin from china and australia, pinag usapan namin yung importance ng pag value ng bawat araw.

    hindi ka pwedeng mag focus masyado sa mga pinagkaka abalahan mo na nakakalimutan mo na tuloy mabuhay.

  7. WATUSI BOY: kung may reincarnation, malamang lamok tayong lahat sa next life.

    Posible kayang si watusiboy ay matangkad na magbabaka sa Aprika sa kanyang dating buhay?

    Bakit ba itong mga celebrity laging sikat din sila sa kanilang dating buhay? Sila daw noon ay si Cleopatra, Napoleon, Jose Rizal….

    Inquiring minds would like to know.

  8. Hindi naman lahat ng tao e Kristiyano o Katoliko. Ano na ang mangyayari sa kanila pag natepok sila? May mga katanungan din ako tungkol sa mga pinaka-basic ng aking relihiyon. May mga araw na hindi ko rin alam na kung ano ang totoo or kung may totoo ba talaga.

    Anyway, ang importante eh maging mabait sa kapwa at maging disente ang pamumuhay. Mas malaki ang maitutulong ng mga iyan sa pagpayapa ng mundo kaysa magaway-away tayo tungkol sa mga relihiyon.

  9. I don’t think religion has anything to do with it. Kasama ako ni c,baker sa paniniwalang it’s all about how we live our lives.

  10. madalas ay tinitingnan ko lang ang mga aso namin para matutunan kong paanong mag-enjoy o mabuhay sa Buhay. Yung isa malubha ang sakit ngayon pero tahimik lang nakatitig sa malayo. Kapag lumalapit ako para bigyan ito ng vitamins ay biglang lumalakas at kumakaripas ng takbo. Yung isa naman, konting himas lang ay ayos—nakangiti na buong araw.

  11. minsan napagiisip isip ko na rin yan, ang after life. kasi sa nakikita nating trend sa mundo (oil price hikes, climate change, out-of-this-world-crimes etc etc.), parang wala nang patutunguhan ang mundo sa future.

  12. Gasoline Dude: Ako gusto ko pa mabuhay ng matagal…
    batjay: ako rin, gusto kong mabuhay ng matagal…
    R.J.: minsan napagiisip isip ko na rin yan, ang after life.

    Napakaikli ng buhay sa mundong ito kung ihahambing natin sa kawalang-hanggan sa kabilang buhay. Dios kaya ang naglagay ng kawalang-hanggan [eternity] sa ating puso?

    Bernie, ang aso ba ay may malay-aso? Napag-iisipan din kaya nila ang “after life”?

    “As for man, his days are like grass; he flourishes like a flower of the field; for the wind passes over it, and it is gone, and its place knows it no more. But the steadfast love of the Lord is from everlasting to everlasting on those who fear him, and his righteousness to children’s children to those who keep his covenant and remember to do his commandments.” Psalm 103:15-17

  13. marami akong gustong sabihin sayo sir. ngunit di ko maayos ito.

    ang tanging masamabi ko lang

    hindi tao ang mag babago sa isang tao.

    “If you desire it seek for it / seek him”

    sir if you don’t mind can I include you in my prayers.

    🙂

  14. pano mo naman nasabing merong “kabilang buhay?” ni isa wala pa bumalik sa mundong ito ni Dyos di pa bumabalik.

  15. Nire-respeto naman natin ang opinyon nang lahat. Paniwalaan nyo nalang ang paniwalang abot nang inyong kaalaman. Pero huwag nyong ipagdiinan ang paniwala nyo sa ibang ayaw maniwala. Pareho lang naman tayong nagbabasa.

    Kung ang bawat malalaking relihiyon sa buong mundo ay nagsasabing mapupunta sa impyerno ang hindi maniniwala sa kanila. Lahat tayo doon patutungo. Dahil wala namang taong dalawa o tatlong relihiyon ang pinapaniwalaan.

    Para makasiguro, sambahin nyo nalang ang Demonyo!

  16. namumulutan, kung walang buhay sa kabila ng buhay sa mundo, bakit takot ang tao sa kamatayan? Ikaw, ano sa palagay mo ang mangyayari sa iyo pag ika’y babawian na ng buhay? Nakasisiguro ka bang ika’y pupunta sa langit?

    Huwag mo sanang tasahan ng mababa ang katunggali ng iyong kaluluwa, ang diablo, aka Lucifer. Baka ito’y makapinsala sa iyong mabuting kalagayan.

  17. BlogusVox, tunay nga bang nirerespeto mo ang opinion ng lahat? Ang opinion ko nirerespeto mo rin ba? Salamat kung gayon.

    Hindi natin mapapaniwala ang sinoman kahit ipagdiinan natin ang ating paniniwala kung ayaw nilang maniwala. Kahit tutukan mo pa yan ng baril. Walang pumepwersa sa iyo na maniwala. Walang makakapwersa sa iyo.

    Huwag ka sanang magbiro patungkol sa pagsamba sa demonyo. Kung nirerespeto mo ang opinion ng lahat, hindi mo ipagpipilitan yan. 🙂

    “Sinasabi ko: Ang inihahain ng mga pagano (sa mga diosdiosan) ay inihahain nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Hindi ko ibig na kayo ay maging kapwa kabahagi ng mga demonyo.” 1 Corinto 10:20

  18. BlogusVox: Kung ang bawat malalaking relihiyon sa buong mundo ay nagsasabing mapupunta sa impyerno ang hindi maniniwala sa kanila. Lahat tayo doon patutungo. Dahil wala namang taong dalawa o tatlong relihiyon ang pinapaniwalaan.

    Ibig mo bang sabihin na kung mas maraming relihiyon ang iyong paniniwalaan at sasapihan mas makasisiguro kang ika’y pupunta sa langit? Papaano yan kung salusalungat ang kanilang itinuturo? Maaring silang lahat ay mali, subalit hindi maaaring silang lahat ay tama. Ano sa palagay mo?

  19. Sabi ni BatJay: although gusto ko pa ring isipin na mas mabait ako kaysa roon sa mga makadiyos na nagsisimba tuwing linggo pero puno naman ng kaitiman ang kaluluwa.

    Kaibigan, oksimuron yata yung makadiyos na maitim ang kaluluwa. Palagay ko’y nagpapanggap lang sila. Dahil ang makadiyos ay nagmamahal sa Dios at sa kanyang kapwa, at may takot siya sa Panginoon. Binabago ng Dios ang kanyang buhay.

    “Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.” 2 Corinto 5:17

  20. Hindi yan ang ibig kong sabihin at wala akong sinabing ganyan. Ang sinabi ko;

    “Dahil wala namang taong dalawa o tatlong relihiyon ang pinapaniwalaan.”

    Tagalog na nga ang isinulat para ma-intindihan, hindi pa rin ma-gets. If you don’t know the logic behind that, then that’s not my fault.

    This is my take on any beliefs or religion: I reject religions that set rules and delegate who ever disobey to eternal damnation. I rebuff beliefs that curtail reasoning and self-expression. I refuse to believe anything that is not governed by physical law.

    And if you disagree, so what! Hindi naman sasakit ang tiyan ko. Ebak lang ang katapat nyan.

  21. Naku, relihiyon! Batjay, you are asking for it. Sabi nung isa, kung ayaw mo ng away, stay away from topics about religion or politics. ewan ko kung sino nagsabi nito. anyway…

    You are a good man, Batjay, in a lot of ways. Kaya pagpalain ka nawa.

    My short take on religion, there is growing evidence that spiritualy (some kind of), may actually be healthy for you. Pero hindi yung nakaka-stress na relihiyoon kagaya ng mga palaban na fanaticism. Meditation is one of the healthy aspect of that, Catholics have their Rosary, Christians and Muslims their prayers, Yogo for some, and there are those who commune with nature. Isa pang aspetong nakakatulong eh yung iyong community of faith na nagkokontribute sa iyong wellbeing lalu na pag ikaw ay walang wala at nasa ibang bayan. can get really lonely sometimes out here.

    Ang isa pang nakatulong sa long happy life eh ang may asawa (na mas mabait pa sa iyo). Kaya Batjay, mag yoga ka lang and you are on your way : )

  22. Sabi ni BlogusVox: Kung ang bawat malalaking relihiyon sa buong mundo ay nagsasabing mapupunta sa impyerno ang hindi maniniwala sa kanila. Lahat tayo doon patutungo. Dahil wala namang taong dalawa o tatlong relihiyon ang pinapaniwalaan.

    Sinundan ko lang ang patutunguhan ng iyong katwiran. Ang kabaligtaran niyan ay ang maniwala ka sa dalawa o tatlong relihiyon kung ayaw mong mapunta sa impyerno.

  23. Sabi ni BlogusVox: Nire-respeto naman natin ang opinyon nang lahat.

    Sabi pa rin niya: Para makasiguro, sambahin nyo nalang ang Demonyo!

    Sabi rin in BlogusVox: [I reject religions] that set rules and delegate who ever disobey to eternal damnation. [I rebuff beliefs] that curtail reasoning and self-expression. [I refuse to believe] anything that is not governed by physical law.

    Dagdag pa niya: And if you disagree, so what! Hindi naman sasakit ang tiyan ko. [Ebak lang ang katapat nyan.]

    Ano ba ang tama? Respeto sa opinyon ng lahat o kawalang-galang?

  24. hi unkyel, another juicy topic, hahaha! im agnostic, and i really dont know what that means to me sometimes. angel na malalaki ang pekpek…i thought guys stay away from those i thought you guys like cozy ones….don’t kill me. i love how people throw in bible verses… i don’t know how many times that has been translated and manipulated…

    i totally relate to what you just wrote. i do sometimes think that kung tutuusin ano ba naman ang pinagkaiba ko sa mga kuyaring makadios palaging nagsisimba pero sinisiraan naman niya ang mga kapwa niya or selfish din naman pala tulad ko, but who am i to judge? who am i to negotiate with god when time comes…. when i go to hell, i wouldn’t be the only for sure….i’d be with infamous people wailing, but hey, this life is hell if i make it, and i am with a lot of people going through hell everyday. =)

  25. Sabi ni Mye: when i go to hell, i wouldn’t be the only for sure….i’d be with infamous people wailing, but hey, this life is hell if i make it, and i am with a lot of people going through hell everyday. =)

    Mye, hindi mo kailangang pumunta doon. Hindi mo gustong pumunta doon. Iyo’y walang-hanggang pagdurusa, sabi sa banal na kasulatan. Ang walang-hanggan ay napakahabang panahon. Ang pagdurusa sa buhay sa mundong ito ay wala sa katiting sa pagdurusa sa impyerno.

    Mahalaga ba sa iyo ang iyong paningin? Ipagbibili mo ba ang iyong mga mata? Ang iyong mga mata ay mga bintana lamang ng iyong kaluluwa. Napaka-masmahalaga ang iyong kaluluwa. Kung mahalaga sa iyo ang buhay mo, aalamin mo kung paano mo makakamit ang buhay na walang-hanggan. You don’t want to spend eternity in hell, would you?

  26. oligopistoi, shut it already. I seldom lose my cool on the internet but you are becoming unbearably irritating. I am picturing you as an unwashed savant-wannabe who goes around the tables in a cafe sitting people who do not even want to talk to you anymore. And don’t you dare turn on me. I am the queen of this particular internet space. Go take your case somewhere else. But don’t worry. I will pray for you too.

  27. here comes the queen bee. bjay, very appropriate title especially when someone wrote about oximoron, hehehe… SAD FUNNY ending when
    everybody started pretending…. LMAO

  28. discussing religion ad nauseam is merely EGO talking to itself. Ang aso ko nagmumuta na ang mata sa sakit pero ang lakas talaga ng dating sa akin (yung mata hindi yung amoy) kaya inaalagaan ko pa rin. His “Beauty” spells for all dying forms…does he think of after-Life? Think is not the word…perhaps, he helps me feel what Life is all about. Not before nor after it.

  29. wala bang sariling blog si oligopistoi kaya dito na lang nagkukuta? may libre namang blog sa WP ah.

    naging born again christian na rin ako dati but I must say na hindi ko nahanap yung mga sagot sa tanong ko. marahil nagkulang ako sa paghahanap o hindi ko lang tinanggap yung mga sinagot sa akin. ang masasabi ko lang, mas masayang mabuhay na buo ang loob na gumagawa ng mabuti at hindi mo hinahatulan ang ibang tao na sa impyerno sila mapupunta. everybody is entitled to believe and live life as he or she wants it to be, wag na lang tayong magsubuan sa iba ng alam natin. kung totoong may impyerno at dun mapunta ang iba sa atin, doon na lang tayo mag-usap at magbelatan. bwehehehe
    im just putting my two cents worth.

  30. whew…grabe si oligopistoi… me mga verses and all pa… ako rin I believe na hindi relihiyon ang magliligtas sa atin, kundi yung FAITH. kahit na anong relihiyon ka pa, ang mahalaga ay kung gano katindi ang true-faith mo sa pinaniniwalaan mo…

  31. Repaks! malay ko kung merong langit at kung merong empyerno. magiging pinakagwapo akong kalansay pag namatay ako and AS A MATTER OF FACT mas gusto ko mabuhay kay sa mamatay. Dead kung dead Pare pero enjoy your life kasi ako ayaw ko maging sobrang mabait kz Pare! Tao ako di ako santo.

    oligopistoi Says:

    May 5th, 2008 at 1:41 am
    namumulutan, kung walang buhay sa kabila ng buhay sa mundo, bakit takot ang tao sa kamatayan? Ikaw, ano sa palagay mo ang mangyayari sa iyo pag ika’y babawian na ng buhay? Nakasisiguro ka bang ika’y pupunta sa langit?

    Huwag mo sanang tasahan ng mababa ang katunggali ng iyong kaluluwa, ang diablo, aka Lucifer. Baka ito’y makapinsala sa iyong mabuting kalagayan.

  32. Jet, thanks for your prayers. I did not mean to offend you. Nasisiyahan akong magbasa ng blog ninyo. Ang tema o paksa ni BatJay ay buhay at kamatayan na di mo maibubukod sa relihiyon o pananampalataya. Nabanggit niya ang mga angel, buhay pagano, langit, impiyerno, pagsimba, ang Dios at ang kaluluwa. Inisip kong angkop lamang na talakayin ito.

  33. nag-aral ako sa catholic school na exclusive for girls nun high school at college.. sympre itinuturo ang religion, catholicism at feminism.. we are encouraged to go to church.. subalit higit sa lahat, itinuro sa amin kung pano maging maging tao, makatao, at magpakatao..
    sa kabila ng kolehiyong aking pinasukan, ako ay isang pagano.. after college, hindi na ako nagsisimba.. pero tuwing sabado, ibinabahagi ko sa mga street children ang aking kaalaman sa mathematics at pagbabasa..
    para sa akin, hindi isyu ang relihiyon.. kung ano ka at sino ka, yun ang mas mahalaga..
    Cheers Sir Jay!

  34. Oligopistoi, Mainam talakayin ang isang paksa. Ang magpalitan nang kaalaman. Para malinawan ang katuturan nang sinasabi nang bawat isa. Subalit kung ang balitaktakan ay mapupunta sa pabalik-balik na pagduduldulan nang isang paniwala na may kasamang pananakot at wala namang basihan o proweba nang katotohanan, ang kuro-kuro ay magiging walang saysay.

    Tungkol na man sa opinyon. Ito ay ginagalang KO kung ito ay galling sa sariling pag-iisip o nilikha gamit ang kaalamang nilikom sa ibat-ibang paksang merong basihan. Subalit kung ito ay sina-ulo lamang at ipalandakang katotohanan, ito ay hindi KO masasabing opinyon at hindi karapat dapat nang AKING paggalang.

    Ang mahirap, sa bawat buka nang bunganga mo, huhugot ka sa puwet mo nang bersikolong galing sa aklat na kaduda-duda ang may akda at pinagmulan. Sino ngayon ang bastos!

  35. unfortunately oligopistoi, apropos to what you said, you were being offensive. like you were dead set on going after everyone who had an opinion other than yours. that is not the kind of place this is. here, you let yourself be heard. and then you move on or step aside so that others can be heard too.

  36. BlogusVox, hindi man ako sumasang-ayon sa iyong mga paniniwala, tulad ng di mo pagsang-ayon sa aking pinaniniwalaan, iginagalang kita. I simply disagree with you when it comes to the ultimate issues of life.

    Ang aklat na ginagamit ko at minsa’y binabanggit din ni BatJay ay ang “all time best seller.” Hindi lang iisang aklat yan, kundi munting biblyoteka ng 66 na aklat. Isinulat ito ng mga apatnapung katao sa loob ng 1,400 na taon. Through the years there have been attempts by tyrants and unbelievers to destroy and get rid of that book, pero sinabi ng may akda nito, ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit kailanman ay hindi lilipas ang kanyang mga salita.

  37. Sadly, this discussion (40 some odd comments so far, some with bible verses pa) is not going to make a bit of difference in the way I will live my life hence. Pero extremely interesting naman. Nakaka-turn off nga lang ng konti yong mga comments that are laced with vile and bitterness.

    Noong bata pa ako, my mom posted a poem in her own handwriting in our dining room na ganito ang first line:

    “I’d rather SEE a sermon than hear one any day”

    Eka nga eh “action speaks louder than words”, specially when it comes to faith and practice and lessons in life.

    Besides, I have come to the conclusion about a year ago that I really do not have the answer to life’s questions. If you think you do, think again.

    Cheers !!

  38. Jet, I’m really sorry if my posts offended you. The cross is already offensive as it is to those who don’t believe. I dont’ want to add any more offense and get in its way. I posted more than I should, perhaps, but after I let myself heard, there were several responses reacting to it that I felt I had to respond to.

    Please understand that I care for you and those posting here that’s why I say what I say. I don’t disrespect them. I didn’t name names. I didn’t refer to anatomical parts or bodily functions. I do care where they spend eternity.

    And Jet, I’m not a savant-wannabe. I take baths everyday, sometimes even twice a day. Otherwise, my fetching wife may not want me to get close to her. 🙂

  39. there oligopistoi, you are doing so much better. now you actually sound like somebody I would be interested in knowing.

    I am a Church-going person too. I read a passage in the Bible everyday. I believe in God and I pray. What I don’t do, however, is shove my beliefs down people’s throats because from personal experience, I know that that is not the way to touch them. It’s in the things you say, the things you do. One’s life is the best testimony any one person can give. We are fishers of men, it’s been said. Well, you don’t catch fish by stirring the waters and frightening them away. You lure them to you with a bait. That bait is the life you live.

  40. meron akong kilalang chekwa dito sa gapore, sabi sa akin ” I don’t believe in God” I asked him why, he replied “Because I don’t go to church.” Natulala na lang ako

  41. WOW!!! ang init ng topic na ito, whew. pati tuloy c ma’am jet mejo nagalit. mejo late na ang reply ko.
    to all: PEACE!!

  42. Good afternoon,
    Bakit lahat gustong pumunta sa langit pero ayaw namang mamatay, hmmmm! Bakit ang Jerusalem, ang pinaka holy na lugar sa mundong ibabaw ay hindi na natapos ang patayan. Bakit ang Vatican ay nasa Rome, di ba’t romans ang pagpako kay christo?…(:-/
    Bakit napakaraming tanong, sa tingin ko nga eh baka ito na ang hell, dahil pag nasugatan ka eh magdudugo, bakit naparaming hearthache at huling tanong ko bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin nag ko-comment si batjay?

    Now for my two cents (don’t really know how to say this but here it goes), there is a good chance na may prostate cancer ako at nalaman lang namin last wednesday. naka schedule na akong magpa-biopsy. (Aling Jet, i really need to talk to you dahil ikaw ang nurse in the family). But, let me tell you one thing though, I have never felt so scared in my whole life thinking na baka hindi ko man lang makilala or magkaruon ng apo pero kahit ano ang mangyari sa akin at least i know na hindi ako nagtanim ng galit na kahit kanino and i belong to a very, very loving family at paki play nyo na lang yun knocking on heavens door at stairway to heaven pag binababa na ako…un lang.

    agree ako sa sinabi ni mye, way to go kiddo!

    love ‘ya,
    -Imo

  43. hey pinsan.

    hang in there. let’s see what the test results will show. i’m pretty confident that this will turn out ok. you’re young and strong. i’ll ask jet to call you tonight.

    ingat pinsan – with much love.
    jay

  44. to: imo

    have you asked for a second opinion? whatever it is, i will include you in my prayers (you can count on it). the big guy upstairs is the only salvation and hope.

    god bless brod….bong

  45. good morning,
    thank you bong, may appointment ako mamya para sa second opinion dahil medyo dagdag sa problema raw yung diabetis ko eh! ay! ano ba yan?
    Jay, nasa bahay ako around 6pm antayin ko tawag nyo. ni hindi ko nga alam kung sasabihin ko kila ema, I really dunno what to think any more.
    pirmi na lang nating naririnig na ibang tao ang nagkaka-cancer pero ngayong ako ang nakasalang eh pre, iba pala talaga pag ikaw na.
    Finally, nakatulog rin ako ng maayos kagabi since last wednesday, alam ko na ngayon kung ano ang gagawin, inom ng dalawang beer habang nanonood ng nba…hehehe! maraming salamat.

    love ‘ya
    -Imo

  46. Imo,

    Sa totoo lang, lahat tayo ay “terminal.” Iba-iba ang haba ng buhay. May napaka-ikli, at may pagkahaba-haba, subalit iisa lang ang hanhantungan natin, kamatayan. Ito’y prueba lamang na tayong lahat ay makasalanan.

    Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Ang mga nakiki-apid, ang mga sumasamba sa diyos-diyosan, ang mga mangangalunya (sinabi ni Jesus, “Ang sinumang tumingin sa isang babae na may masamang pagnanasa sa kaniya ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.”), ang mga sinungaling, ang mga lumalapastangan sa Dios (using God’s name or Jesus’ name as a cuss word), ang mga suwail sa mga magulang, ang mga mamamatay tao (sinabi ni Jesus, kung ika’y may kinapopootan, para ka na ring mamamatay tao sa puso) ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Maging ang mga magnanakaw, ang mga mapag-imbot, ang mga manginginom ng alak, ang mga mapanirang puri, ang mga sakim ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.

    You and I have transgressed God’s laws. All of us. And one day when you stand before the Judge of the living and the dead, you know that you will be declared guilty and deserve to be banished to hell. Thanks be to God, he also provided a way of salvation. He sent His Son to pay the penalty of sin by dying in the place of sinful people. Ask Him to forgive your sins. Repent, or turn away from sin. Put your trust in Jesus as your Lord and Savior. He will forgive your sins, reconcile you to God, save you from hell, and prepare a place for you in heaven. You won’t regret it.

    Please read the gospel of John. Make Psalm 51 your own prayer. Imo, I don’t know you, but I do care for you. If you attend a church, call the pastors/elders and let them pray for you according to James 5:13-16. I will be praying for you.

  47. Haaayy naku… hay naku… speaking of kamatayan, ang masasabi ko lang na kung dumating na yan sa ating lahat… WE WON’T EVEN KNOW ABOUT IT!!!!! In fact, we all experience DEATH every single day of our life everytime we go to a deep sleep… pag sara ng mata natin at 9pm hanggang sa pag gising natin sa umaga… we may wanna ask ourselves… “what the hell happened in the past 5,6 hours or so? Where did it went?” Just like prior to our birth eversince the beginning of the world/time as we know it… WE WERE ALL DEAD, isn’t it? Since we’ve been DEAD for so long and now that we’re LIVING… why don’t we enjoy and live life to it’s fullest????? Live life one day at a time… take the time to stop and smell the fragrance of nature, let your love ones know how you feel about them… enjoy the world… enjoy life… there is no such thing as reincarnation (otherwise, the number of population on earth won’t change… hahahaha) … this is it… this is our only chance to live our individual lives to the fullest… ENJOY IT TO THE LAST DROP!!!!!

  48. Hi Gene,

    It seems to me that you don’t believe there’s a heaven and a hell. I can only presume that you don’t believe in the Bible either, God’s revelation to man, because hell is one of it’s major subjects. Did you know that Jesus spoke more about hell than heaven? You seem to be saying that death is the end of your existence, that this is all there is to life. What if you are wrong? Are you not concerned about your eternal destiny?

    You also wrongly assumed that if a person is heavenly minded, he can no longer enjoy life this side of heaven. On the contrary, Jesus said that he came that they might have life and have it more abundantly. A modern translation says, “I came that you might have life and experience it to the fullest fullest.”

    Gene, to truly enjoy life in this world, you need purpose. But if you don’t believe God exists, or that he did not reveal himself, and that this is all there is to life, you have no basis for purpose.

    I reason from the starting presupposition that God exists and has revealed himself in his word, the Bible, and through his Son, Jesus Christ. From this starting point I have a basis for human purpose. God created me in his image in order to love, obey, and bring glory to him.

  49. Oligopistoi, ang bait bait mo pala… sana kunin ka na ni Lord tapos balik ka lang dito sa blog para ma-i-share mo sa amin ang iyong experience sa kabilang buhay. Good luck and peace man ;-)!

  50. Gene, ang kaligtasan ay di sa pamamagitan ng kabaitan o mabuting gawa. Sa biyaya lang ng Dios tayo maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa ating sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman. Ang kabutihan ay bunga lamang ng tunay na pananampalataya.

    I look forward to heaven, but in the meantime, I want to share God’s good news with you, because I want you to go to heaven too. I do care for you, Gene. ;-)!

    Better than relying on lady luck is trusting in a living, loving Lord who is sovereign.

  51. Lyzius, nagtatanong lang. Please don’t be offended. Sabi mo maliligtas ka (I presume you mean from hell) kahit na anong relihiyon ka pa. Ang mahalaga ay matindi ang true-faith mo sa pinaniniwalaan mo.

    Is it the faith that saves, or the object of the faith that saves? Ang nagliligtas ba ay yung paniniwala o yong pinaniniwalaan? Papaano kung ang pinaniniwalaan ng tao ay si Satanas o mga karumal-dumal na espirito. Papaano kung ang pinaniniwalaan ay hidwang pananampalataya (cultic groups)?

    May mga naniniwala sa Koran, ang iba sa Biblia, Book of Mormon, Hindu scriptures, Book of Satan, Origin of the Species, etc. Since they contradict one another on the fundamental issues, they cannot all be right at the same time. Maaaring silang lahat ay mali, subalit hindi maaaring silang lahat ay tama. May isa pang posibilidad. May isa sa kanila na tama. I come from a Christian perspective, from a biblical worldview.

    How about you, what do you believe in, and why do you believe it? Bakit mo ito pinaniniwalaan ng “matindi?”

  52. Good Afternoon,

    Do you realize that the only time in our lives when we like to get old is…
    when we’re kids? If you’re less than 10 yrs old, you’re so excited about
    aging eh!you think in fractions agad. How old are you? I’m 4 1/2, you’re never 36 1/2. You’re 4 1/2, going on 5! That’s the key, kasi po eh!—>

    You get into your teens, now theres no holding you back. You jump to the next freaking numero, or even a few ahead. “How old are you?” “I’m gonna be 16!” ahuh! kahit na 13 ka pa lang na kumag ka, but hey, you’re going to be 16! And then the greatest day of your life. You become freaking 21 yrs old. ‘langya even the words sound like a ceremony…
    YOU BECOME 21 XD

    But then you turn 30. aray ko po, what happened there (:-/ Makes you sound like panis na gatas. the fool TURNED 30; we have to throw him out na!. There’s no fun now, you’re just one sour-dumpling na nakapatong sa natuyong sweet & sour sauce. What’s wrong? sa na napunta ang panahon?
    What’s changed? You BECOME 21 then you TURNED 30.

    Tapos ‘tol, you’re PUSHING 40 (Life really does begin at forty though. up until then…you’re just doing research). Whoa! Put on the brakes, it’s all slipping away, nooooo!, ngayong turning 43 1/2 na ako, eto na-tsambahan pa ata mga tsong, baka may pesteng cancer pa, kaya naging day-by-day thingy na lang. Every day cycle ko; simula nung Wednesday (day na kinausap kami ng doctor ko) nag lunch; home by 6:30pm; REACHED bedtime, yey!…pero,

    It doesn’t end there, a strange thing will happen…pucha! pagod na pagod(FYI, I commute about 200 miles everyday), di ka makatulog, bangon uli, inom ng 2 beer, balik sa kama ‘tas dasal and hiling sa dyos na sana you all make it to a healthy 100 1/2 yrs old!!!

    At syempre, I thank god for every morning when I get up that I have something to do which must be done, whether I like it or not. Remind myself…Imo, if you’re going to do something stupid tonight na you’ll be sorry for tomorrow morning–sleep late, isang beer pa uli HEHEHE!

    Ika nga eh!
    Be life long or short, its completeness depends on what and how I lived it for and ALWAYS TRY TO REMEMBER: Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away. Pero to kasing si oligopistoi, pinag isip pa ako ng isasagot, kaya ayan he took my brain cells away, talaga ‘to, konti na nga lang natitirang brain cells ko eh!

    Gene,
    ‘lam mo man tama ka siguro, yung mababait ang pirming nauuna kaya dapat siguro medyo may konting kapalpakan din sa buhay ano?
    maraming salamat sa lahat…

    Jay, pwedeng link ko ‘tong page na to sa site ko? plz, plz, pretty plz? I promise to bahave. 🙂 tenks in advance pinsang batjay.

    love ‘ya,
    -Imo

  53. Hi Imo,

    I am praying for you, and am also asking some friends to pray for you. It’s not my purpose to vex or trouble you. I know you already have so many things in mind regarding your present physical challenge. I just want you to know that there is hope here and in the life to come. Jesus is the great physician and I believe he still heals today.

    My mom is a cancer survivor; she was diagnosed with ovarian cancer 12 years ago. She opted out of radiation treatment or chemo therapy. I am not recommending this to anyone. God uses medicines and physicians as well. They can cure you, but it is God who heals. Today, she is cancer free and has more energy than many women half her age.

    But in case the sovereign Lord does not heal us physically, he promises life everlasting in heaven to those who repent of sins and put their trust in him. To be given glorified bodies would be the real, complete healing.

  54. mr oligopistoi, mawalang galang po, wala ba kayong sariling blog para ipagkalat ang sinasabi ninyo? kasi po ginawa ninyong forum itong blog ng ibang tao na hinde naman inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.