dear mang boy,
nagising akong tumatawa ngayong umaga dahil napanaginipan ko na nagkaroon daw ng epidemya sa pilipinas at lahat daw ng mamamayan ay naging bampirang ngo-ngo.
nagmamahal,
unkyel batjay
dear mang boy,
yung kabayan ko pong galing ng kuwait na nabiktima ng lag-lag bala ay nasa PGH ngayon. naluslusan daw po dahil yung nilaglag na bala sa bag niya ay bala ng kanyon.
nagmamahal,
unkyel batjay
dear mang boy,
di ko maalala kung ano ang pinakauna kong kanta ng beatles na narinig kasi walang patid ang pagpapatugtog ng pamilya namin sa musika nila simula nung ako’y musmos pa lamang.
ang naalala ko ay ang pinakauna kong paboritong kanta ng beatles at siyempre galing ito kay ringo, opolpeepol
#DilawNaMagalingSumisid #Beatles #YellowSubmarine
“so we sailed into the sun, till we found the see of green” – the Beatles
nagmamahal,
unkyel batjay
nung bata kami ni Dennis Dalusong, parati kaming nakahubad (oo mang boy, once upon a time, lumakad kaming hubo sa mundong ibabaw). mainit kasi sa pilipinas at sa tingin ko, gustong ipakita ng mommy ko ang katawan naming pang romansa at ang kili-kili naming may libag.
naalala ko pa nung kinuha ang larawang ito. kung di ako nagkakamali, ihinatid namin sa airport si tiyong anas, ang uncle kong matulis. pupunta siya sa barko niya.
merchant marine si tiong anas. pogi, matangkad, chick boy, nakakatawa. siya yung tipo ng lalaki na lapitin sa mga chicks at kung ika’y lalaki, gusto mong kaibiganin. malapit siya sa daddy ko at idol ko silang dalawa.
kakamatay lang ni tiong anas. kung may dako pa roon, siguro kasama niya ang daddy ko ngayon. nambababae siguro ang mga matutulis.
dear mang boy,
ewan ko pero bigla kong naalala yung matinding discussion at debate sa amin sa barrio talipapa nung araw: bakit daw kenny rogers ang pangalan ni kenny rogers. dapat daw, kenny roger lang kasi nag-iisa lang naman siya.
tapos biglang may sumigaw: eh paano naman si diana ross?
#walalang mang boy, nasenti lang ako.
nagmamahal,
unkyel batjay
dear mang biryani,
ano po ba ang protocol pag may humatsing na muslim? mayroon po kasi akong ka-opisinang muslim na bumahing sa harapan ko at bigla po akong napasigaw ng “god bless you.” iniisip ko po eh kahit nagpasalamat siya sa akin ay baka pinagdarasal na niya na kunin na ako ni… teka lang, my lord or his?
marami pong salamat sa ipapayo ninyo.
nagmamahal,
unkyel batjay
dear unkyel batjay,
tulungan po ninyo ako. sa sobrang lungkot ko eh kanina, pinatulan ko na yung penpal kong si abdulkader maroof omar na taga iraq na parating nagpapadala ng email sa akin dahil gusto niyang manghingi ng pera para madala niya ang pamilya niya sa amerika.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
alam kong impressed ka sa malaking titi dahil sa kapapanood mo ng mga porn films ng kuya mo pero sasabihin ko na sa iyo na overrated ito. bago mo piliin ang mapapangasawa mo eh dapat mo munang siguraduhin na marami siyang libro sa bahay, hindi basta-basta naniniwala sa kwento ng mga pastor at pari, napanood na niya’t nagustuhan ang godfather ni coppola, nakikinig siya sa musika either ni dylan, ng beatles, ni elvis o ni van morrison at higit sa lahat, dapat marunong siyang, at the very least, na magluto ng almusal.
nagmamahal,
unkyel batjay
dear gentle reader,
kailangang mong i-praktis magsulat ng dikit-dikit kung nakaharap ka sa computer araw-araw. pag di mo kasi ginagamit ang mga natutunan mong katangian, babawiin sa iyo yan ni baby jesus. punta ka sa ebanghelyo ni mateo, kabanata dalawamputlima, bersikulo labingapat hanggang tatlumpu. o sige, basa.
nagmamahal,
unkyel batjay