the years gone by like so many summer fields

tumakbo ako ng 8 miles (roughly 12.8 KM) papasok sa trabaho ngayon. ewan ko ba kung bakit patuloy kong pinarurusahan ang katawan ko. masarap naman kasi kahit masakit. mayroong exhilaration pag nakatapos ka ng mahabang takbo. runner’s high, they call it. pareho ito sa feeling ng well being na nararamdaman mo pagkatapos mong mag orgasm. and oh baby, you can’t fake a runner’s orgasm.

this month, nag celebrate ako ng 2nd year ko bilang isang runner. it’s been a great road trip so far. i’ve lost 40 pounds and gained back my health. not bad, considering na ang kapalit lang nito ay bagong running shoes every 3 months at kutis betlog na balat dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw.

Medalyang Surfboard

ok ang takbo ko kanina sa huntington beach. 2 hours 11 minutes and 4 seconds: a new personal best for the Surf City Half Marathon. hindi na masama para sa isang middle aged diabetic pero kyut na pinoy na tumakbo ng 13.1 miles.

Bib: 6553
Gender: M, Age: 43
Hometown: Irvine, CA
Total time: 2:11:04
Pace: 10 min/mile
Overall: 4596 out of 10743
M 40-44: 372 out of 585

Continue reading

Ilaw mo’y kay dami

simula ng pumasok ang late autumn, maaga nang dumilim dito sa california. alas singko pa lang ng hapon ay gabing gabi na kaya medyo nag iingat ako sa pag-uwi. naka bisikleta lang kasi ako at medyo mahaba ang byahe. mga 8 miles ito at mayroong stretches na downhill at pitch black kaya kailangan visible ka sa mga kotse. mas mabilis kasing magmaneho yung mga kupal dito sa gabi, siguro dahil gusto nilang makaluto at makakain ng mas maaga.

kaya nga nag decide ako na dagdagan ang mga burloloy ng bisikleta ko. last week, bumili ako ng isang katutak na ilaw. mayroon na ngayong mga limang flashing lights sa harap at likod ko. ang gara ko ngang tingnan sa kalye. kulang na lang, lagyan ng star ang ulo ko para mapagkamalan akong christmas tree.

A bushy bushy blonde hairdo

itong darating na thanksgiving sa thursday, imbis na kumain ng turkey ay tatakbo ako ng 10K sa dana point. excited na nga ako kasi yung course ay nasa beach na nakaharap sa pacific ocean. maraming makikita roon: mga seagull, pelican, seals, occasional whale, dolphins, surfers at mga sexy californian na naka bikini.

kung narito kayo sa southern california, daan kayo roon ng 7:00 ng umaga. pag mag nakita kayong asian looking, kutis betlog na lalaki, mga 5’10 ang height, medyo pogi na naka spiderman na t-shirt. pasahan ninyo siya ng tubig at bigyan ng palakpak dahil ako yon.

You better run for your life, if you can

tumakbo ako ng 10K race in the rain nung sunday – ang tawag nila rito ay “dinosaur dash“. hindi ko alam kung bakit ito ang ginamit nilang pangalan. siguro dahil matatanda na lahat ng mga sumali. hehehe.  actually, karamihan ng mga tumakbo ay mga bata dahil ang race na ito ay para sa tustin public schools foundation. naka publish na yung mga results at eto ang tinakbo ko:

367th place out of 634
43rd place in the 40 to 44 year old age class

Total time: 58:33 minutes
Pace: 9:25 minutes/mile

ang goal ko ay tumakbo ng 10 kilometers under 1 hour at (in the words of brother mike) tenksbitugad, na achieve ko naman. hindi na masama para sa 42 year old (pero may asim pa rin) na diabetic.

P.S. oo nga pala, prediction ko – si obama ang mananalo sa election mamaya. baka landslide pa nga.