Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa’t Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

Image

BAGONG TAON NA NAMAN

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading

A soul in tension thats learning to fly

isang araw, sa pila ng customs and immigration sa los angeles international airport…

CUSTOMS OFFICER: “did you bring in any food from the philippines?”

BATJAY: “yes sir, canned goods.”

CUSTOMS OFFICER: “what kind of canned goods?”

BATJAY: “ah, baby crabs. sir”

CUSTOMS OFFICER: “what?”

BATJAY: “20 cans of fermented baby crabs, sir”

CUSTOMS OFFICER: “is that a science experiment?”

BATJAY: “no sir. in da philippines, we call it burong talangka”

ang true story na ito ay inihatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang gatas na may gata”

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

ROCKET MAN

hindi naman masama loob ko na hindi natupad yung childhood dream ko dahil na realize ko rin naman ang mga pangarap ko. nung high school kasi kami, mayroon kaming career orientation month. half day ng buong enero is spent talking to different professionals na bumibisita sa school namin. ang objective ng interaction ay supposedly para makapulot kami ng tips kung ano ang pwede naming gawing full time career. bukod dito, mayroon ding mga psychological examinations na binibigay ang guidance office para malaman namin kung ano ang aming pwedeng gawing profession based on competence and inclination. dito ko nga nalaman na bukod sa engineer, pwede pala akong maging forest ranger, diesel mechanic at saka cosmetologist (ie, mangkukulot sa beauty parlor).

Continue reading

In your eyes of mourning the land of dreams begin

mayroong mini review tungkol sa libro ko doon sa latest sunday inquirer magazine. sinulat ito ni ruel de vera. hindi ko siya kamag-anak pero may sinabi siya na katumbas sa pagkain ng tatlumpung kilong haligi ng talangka dahil nakakataba ito ng puso.

Continue reading

TOP 5 NA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI MAGANDA PARA SA ISANG OFW ANG UMUWI SA PILIPINAS PAG PASKO

1. MAHAL ANG TICKET SA EROPLANO – medyo bordering on highway robbery nga pag bumili ka ng ticket ng december. eto magandang example: umuwi si jet ng november 30, ang bayad sa ticket niya ay mga $800 from LA to MANILA (and vice versa, ika nga sa mga jeep sa cavite). nung araw tinatanong ko sa mommy ko kung saang lugar yung “BISEHBERSAH”. hehehe. i digress. so $800 nga ang ticket ni jet nung november. dahil nahuli ako, ang binayaran ko sa trip ko nung december 11? over $1100. alam ko, ito lang ang season kung saan gagawa ng killing ang mga airline pero packingsheet naman, minsan sobrang garapal.

Continue reading