I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Continue reading

Dusky butterfly, sweet and sure

nagiging metrosexual na ata ako. napansin ko kasi, simula ng lumipat kami rito sa california eh mas matagal na akong gumamit ng banyo sa umaga dahil sa kung ano-anong mga ritual na dinagdag ko sa aking “after i wake up and before i go to work” ceremony. dati rati kasi simple lang ang banat ko: inom ng kape, watch the morning news, upo sa trono, toothbrush, shave, talon sa shower, lagay ng kili-kili power, pabango, bihis at sibat. normally i can do all these in less than 20 minutes. pero iba na ngayon. oo virginia, change me. lumandi na ako ng tuluyan.

Continue reading

ACCROSS YOUR ABSENT EYES

pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.

I SEND OUT RED SIGNALS ACCROSS YOUR ABSENT EYES

pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.

And Abraham was ninety years old and nine, when he was circumcised in the flesh of his foreskin

nagbabasa ako ngayon ng newsweek at dalawang balita ang nagpagulat sa akin. UNA – gagawa raw si sylvester stallone (ano ba talaga ang pronounciation ng apelyido niya? “stall-wan” ba or “stuh-loan”?) ng “rocky 6“. packingsheet! stretching the suspension of disbelief siguro kung papanoorin natin ang isang 59 year old boxer fighting for the heavyweight championship of the world. sana rambo 4 na lang, o kaya judge dredd 2 – baka mas maniwala pa ako. IKALAWA – and this is perhaps more interesting: circumcision daw, cuts the risk of HIV infection by as much as 60%.

Continue reading

In every real man a child is hidden that wants to play

simula nang makalipat kami sa bagong apartment, ang daming nagregalo sa amin ng kandila as a house warming present, halos lahat scented – sarap ngang amuyin ng mga lekat. nilalagay namin ang mga kandila sa loob ng banyo at ginagawa namin itong parang air freshner. sarap nga, pag ume-ebs, para akong nasa loob ng simbahan lalo na pag patay ang mga ilaw. hehe. tapos masaya pa pag tapos kong gamitin ang banyo – hihipan ko ang mga kandila at kakanta ng “Happy Birthday to you!” sa loob. para nga akong sira ulo pero di ko talaga mapigilan. hindi pwedeng hindi kumanta ng happy birthday every time i blow candles dahil parang nakaprogram na ito sa aking kaluluwa.

Well-behaved women rarely make history

mga magandang pamagat para sa susunod na darna movie:

01. darna at ang higanteng biskwit
02. darna at ang mabahung alipunga
03. darna at ang baklang talangka
04. darna at ang inabusong manok
05. darna at ang matakaw na balyena
06. darna at ang saranggolang boka-boka
07. darna at ang ilong na may sipon
08. darna at ang malanding pato
09. darna at ang makulit na lamok
10. darna at ang kinilabutang unggoy

and besides…

AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL

nagpunta kami ni jet sa lake arrowhead last weekend for a short break. buti nga, kasi naging sobrang abala kami these past two months sa kung ano-anong mga bagay relating to our big move from singapore – simula sa paglipat ng dalawampu’t apat na pirasong bagahe, pagbili ng kotse, sa paghanap ng matitirahan at pagbili ng mga gamit sa bahay. all the while nagtatrabaho na’t dumidiskarte sa bagong opisina. di mo alam kung gaano ka pagod hanggang sa mapansin mo na lang na parati kang aborido, maikli na ang pasensy mo’t madali ka ng mapikon. pag dumating ang ganitong pagkakataon sa buhay mo, huwag mo nang hintayin pa yung oras na hindi na tatayo at titi mo – panahon na para iwanan ang lahat at mag pahinga ng ilang araw. “to chill” ata ang tawag nila rito sa amerika.

Continue reading