may kumakalat daw ngayon na swine flu galing ng mexico kaya inilabas ko na naman yung protective face mask na ginamit ko nung may SARS sa singapore nung 2003.
sabi kasi sa opis namin sa singapore nung araw, mag suot daw kami ng mask para hindi mahawa kaya gumawa ako. effective naman ito dahil hindi ako nagka SARS. ang masama lang eh kung may ilang beses din akong napagkamalang si zorro sa loob ng train.