last working day of the year kaya napatalon ako sa saya. despedida rin ni ceci, kaopisina ko at kaibigan na siyang tumulong sa amin ni jet nung lumipat kami rito sa california. bittersweet pag may aalis na kaibigan sa opisina. happy ka dahil may asenso sa career nila pero malungkot dahil di mo na sila makakatrabaho.
Monthly Archives: December 2008
Christmas in Milpitas
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
mahigit atang 15 years na hindi nagkita ang mommy ko at ang kanyang bunsong kapatid. si tiong anas – anastacio, sa mga kaibigan niya. pag sa biglang tingin, akala mo si sean connery. major chick boy pero retired na raw siya ngayon. matulis pa rin. si maricel yung nasa gitna, anak niya at pinsan ko. mom is on the left – 85 years old na pero may asim pa rin.
POGI AKO!
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
kitang kita ang kutis betlog ko sa larawan na ito. di bale, balbon naman. hehehe. bumili ako ng tag na bracelet. sinusuot ko ito pag tumatakbo ako at nagbibisikleta. you know, just in case.
Notre Dame of Manila Batch ’83 – 25 years
nag celebrate ang batch namin sa notre dame of manila ng 25th year anniversary this year. mayroong mga celebrations sa pilipinas at dito sa california. yung sa pilipinas ay sa 27th gagawin. yung sa california ay ginawa nung saturday.
Kung bakit ayaw kong magsuot ng swimming trunks
Image
Mister Pogi Pose
si TJ at ang mommy niyang si donna ang naghatid sa mommy ko papunta rito sa amerika. apo ko na si TJ dahil si donna ay anak ng panganay kong kapatid na si gigi na pinanganak ng mommy ko nung panahon ng hapon.
Mommy in America
first day ng mommy ko sa amerika. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayong nasa bayan na siya ni mickey mouse for the first time in her 85 year old life. siya na pinanganak nung panahon na ang mga amerikano pa ang may-ari ng pilipinas. does it match the america that’s been on her mind for so long? i wonder.
Ultra Magnetic Top!
nagpunta ako sa japanese consular office sa los angeles nung thursday para kumuha ng visa. oo, nag apply ako para maging US navy ng japan. actually, may business trip ako sa january at yung mga mangmang na tulad kong mayroong pinoy passport na nakatira sa southern california ay kailangan ng personal appearance bago bigyan ng permit na makapasok sa land of the rising sun.
nung interview portion na, tinanong ako ng consular officer kung bakit ako bibisita ng japan. sabi ko, gusto kong pumunta sa camp big falcon para magpa autograph kay doctor armstrong.
tiningnan lang niya ako na para akong sira ulo.
The sweetest smelling pekpek in the world
pag nakaka amoy ako ng putok, nagiging paranoid ako. is it me they’re talking about? sabay amoy ng kaliwa at kanang kili-kili. odor neurosis ang tawag ko rito: yung uncontrollable urge to smell oneself pag naka amoy ng body odor. gusto mo kasing siguraduhin na hindi ikaw yon bago ka sumigaw ng “bwakanginang mga {insert nationality here}, mas malakas pa sa kanyon ang putok.” o kaya ay “putangina naman, sino ba rito ang hindi naligo?”
pagligo: iyan pa ang isa sa mga eccentricities natin. hindi tayo mapakali at kailangan nating maligo araw-araw kahit nasaang lupalop man tayo ng mundo. kahit nga dead of winter, buhos tabo pa rin kahit nanginginig na sa lamig. siguro, kung may pinoy sa antartica, pagpipilitan pa rin niyang maka shower sa gabi.
kaya nga yan ang parati kong sinasabi sa mga kakilala ko rito: we may be the poorest people on earth but by god do we smell good.
Ilaw mo’y kay dami
simula ng pumasok ang late autumn, maaga nang dumilim dito sa california. alas singko pa lang ng hapon ay gabing gabi na kaya medyo nag iingat ako sa pag-uwi. naka bisikleta lang kasi ako at medyo mahaba ang byahe. mga 8 miles ito at mayroong stretches na downhill at pitch black kaya kailangan visible ka sa mga kotse. mas mabilis kasing magmaneho yung mga kupal dito sa gabi, siguro dahil gusto nilang makaluto at makakain ng mas maaga.
kaya nga nag decide ako na dagdagan ang mga burloloy ng bisikleta ko. last week, bumili ako ng isang katutak na ilaw. mayroon na ngayong mga limang flashing lights sa harap at likod ko. ang gara ko ngang tingnan sa kalye. kulang na lang, lagyan ng star ang ulo ko para mapagkamalan akong christmas tree.