eye for an eye

eye exam ko ngayon kaya nag tooth brush ako ng husto, nag ahit at nagtanggal ng buhok sa ilong. kulang na lang nga, magbunot ako ng buhok sa kilay.

nahihiya kasi ako sa doctor ko kasi nakatututok siya sa mukha ko habang tinitingan ang aking beautiful eyes. hindi nga ako humihinga kasi baka sabihin niya, malabo na nga mata ko, bad breath pa ako.

halle-fucking-lujah!

may 31, 2004, the evening of my mom’s 80th birthday was the last day i smoked a cigarette. i drove myself to the emergency room of saint luke’s to have my ruptured appendix taken out and i have never looked back.

eight years later, i do not crave nor dream about smoking anymore. halle-fucking-lujah!

Angela, the 88 year old Angry Bird Pig

happy 88th birthday, mommy.

thank you very much for giving me baon when i was younger (so much younger than today). naalala ko tuloy nung bata ako ay tinanong ko ang mommy ko kung saan galing ang mga baby. sabi niya sa loob ng tiyan daw.

sabi ko naman – “pati ako?”.

oo, pati raw ako ay sa loob ng tiyan galing.

“eh saan ako lumabas” ang follow up question ko.

sa pwet raw niya. hehehe.

i love you so much, mom. i wish i was there celebrating with you.
jay

21 guns

dalawampu’t isang taon na kaming kasal ni jet ngayong araw na ito. nagugulat nga yung mga hindi nakaka-alam sa milestone na ito. una, dahil sa sobrang taas ng divorce rate dito sa california, medyo may pagka anomalya ang situation namin. ikalawa, kahit betlog brown ang kutis ko, hindi nila inaakala na mayroon akong relationship na umabot na sa 21 years dahil siguro, sa mata ng mga amerikano naming kakilala, mga baby face kaming dalawa.

simple lang gusto kong celebration – kakain kami ng paborito kong sinigang ngayon, at saka bukas ay magpapamasahe kami sa massage parlor na mahal sumingil.

happy anniversary mylab. maraming salamat sa pagmamahal at sa pagtawa sa mga corny kong jokes.

big brader

pagkatapos na pagkatapos kong makipag-usap sa Apple tech support tungkol sa telepono kong sumakabilang buhay, bigla akong nakatanggap ng email sa best buy. oo virginia, binibentahan nila ako ng iPhone.

paano nila naamoy ang inaagnas kong telepono?

TA-NA-NAN (scary organ music)