ang pag-ibig ay pag-ibig sa bagong lipunan

mas mabilis tanggapin ng mga ‪#‎pinoy‬ ang same sex marriage kasi walang kasarian ang wika natin (sa ingles, there’s no he or she in our languange, mang boy). pero sa tingin ko, ang pinaka mabilis na tumanggap sa same sex marriage ay ang mga pinoy na walang diyos 🙂

ang kataka-taka nga, sa debate ng same sex marriage, yung mga kristiyano pa ang pinaka tutol dito. yun pang pangkat ng mga taong sumusunod sa “diyos ng pag-ibig” ang humaharang na pahintulutan ang mga taong may ibang kasarian na umibig at gawing legal ang kanilang pag-iibigan.

ah basta, ang pag-ibig ay pag-ibig kahit ano pa ang iyong kasarian. wala akong diyos kaya wala akong pagkiling sa kaugalian na lipas na sa panahon.

Scan0029

PS – heto nga pala ang larawan ng kindergarten class of 1970 ng notre dame of manila. marami sa mga kaibigan ko rito ay mga bakla. wala kaming pakialam noon kung ano pa sila at wala kaming pakialam ngayon kung ano pa sila.

Choiceness Raw Material

they have slowly started to correct the signs and the copy in the packaging. it’s the right thing to do but in my heart of hearts, i wish they did not. the purity of their english translation is one of the main reasons why i am charmed by china ‪#‎engrish‬ ‪#‎foodporn‬5652686819_9645a19911_o

lahat ng kalbo ay pantay-pantay sa mata ng diyos

dear mang boy,

ibang klase talaga dito sa amerika. biro mo pati mga kalbo eh may sariling tawiran. at di lang yon, wala silang pakialam kung ang kalbo rito ay babae o lalaki – lahat sila ay pwedeng tumawid.

nagmamahal,
unkyel batjay

19202369342_e9146b0145_o

ang bahag ng hari

Munggo Sea

bahaghari, isa sa mga paborito kong salita sa wikang pinoy. bahaghari, literally the loincloth of the king. siguro nung unang panahon, nung ang bayang magiliw ay pinamumunuan pa ng mga datu eh ang mga makapangyarihan lamang ang pwedeng magsuot ng makulay na bahag.

mahirap nga namang makahanap ng telang puno ng kulay upang makagawa ng bahag kasi nung panahong iyon, hindi pa naiimbento ang divisoria.

Rice Island in the South Munggo Sea

Munggo Sea

pinoy lang siguro na ipinanganak sa pulo-pulong lupa ang makakapag-kabit ng munggo at kanin sa isla. ginisang munggo – pagkasarap sarap na pagkain. pag umuulan at medyo malamig, ito ang takbuhan ko, lalo na’t kung ako’y nasa bayang magiliw. siguro, kung sabihan ako ni baby jesus na mamamatay na ako bukas, isa ito sa kakainin ko sa aking huling hapunan.

dito sa amerika, makakabili ka ng munggo, at halos lahat ng rekado na kailangan mo para makaluto ay makukuha mo sa suking tindahan para sa mga asyano. ang isa lang na hindi ko makita ay ang pansahog na gulay. kadalasan sa pilipinas, ang ilalagay natin ay dahon ng malunggay o kaya ng ampalaya. mahirap yan hanapin dito kung kaya’t, dahil tayo ay mga eksperto sa “bahala na” eh naghahanap tayo ng alternatibo. ang ginagamit ko sa aking ginisang munggo ay spinach o kaya ay arugula.