napag palit ko na naman yung mga access pass ko pag-uwi kahapon. yung ticket kasi ng train at bus sa singapore ay stored value electronic card. ez-link ang tawag dito at kasing laki ito ng standard credit card. tatapikin mo lang ito doon sa entrance and exit gantry at makakalabas-masok ka na sa train station. so eto ako kahapon, papalabas na sa station, yabang ko pa dahil una akong bumaba ng train. tap ako ng tap doon sa exit, ayaw magbukas ng pinto. nagtatawanan na yung mga tao sa likod ko, ayaw pa rin bumukas ng pinto. pag tingin ko eh yung company ID ko pala ang ginagamit kong pang exit sa train station. siguro dahil sa excitement.
naloloko kasi ako ngayon sa pag bike at bumili ako kahapon ng gel seat cover after kong mag attend ng conference. gusto kong ma test drive agad yung gel kung makakatulong. naiipit kasi ang betlog ko doon sa bike seat. ang sarap kasing mag biking-kingan sa community namin. within five minutes by bicycle is the pasir ris park. ito ay 71 hectars na mangrove at beach front property na ginawa ng gobyerno para sa “upliftment” ng mga taga east coast. kumuha nga ako ng mga litrato last sunday, tingnan nyo na lang.