American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading

The older you get, the tougher it is to lose weight

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading

The older you get, the tougher it is to lose weight because by then, your body and your fat are really good friends

dear unkyel batjay,

ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 4

ang mabuting balita? may trabaho na si nurse jet.

kaya huwag na tayong mahiya mga brader and sister – (in the style of brother mike) iwagayway na natin ang ating mga puting bimpo at sabay sabay nating isigaw – “WOOHOO, PRAISE THE GOD!”

EMEN.

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 3

eto ang mabuting balita: hindi na ako bungi. last week kasi ay ni root canal ako in preparation para sa bagong crowns na ilalagay sa aking 2 Front Teeth. may isang linggong pagitan yung pag root canal at paglagay ng crown kaya medyo semi-bungi ako for a few days. nilagyan kasi ako ng temporary na ngipin at ilang beses itong nahulog. nung unang beses nangyari ito eh nasa restaurant kami. nakakahiya nga kasi muntik nang mahulog yung ngipin ko sa sabaw. buti na lang nasalo ko. sana walang nakakita sa akin kasi kahiya hiya talaga. akala ko, ito na ang pinaka embarrasing moment ng episode na ito. hindi pa pala – mas nakakahiya nung nakaupo na ako sa dentist chair dahil nakatulog ako habang niru-root canal. ang lakas pa ng hilik ko. actually, nagising ako dahil narinig ko yung sarili kong humihilik. tawa nga ng tawa yung dentista ko. ako lang daw ang taong nakita niya na nakakatulog habang binabarena ang ngipin. sabi ko sa kanya, parang hinihele ako sa vibration ng drill na ginamit niya sa pagbutas ng ngipin ko, kaya ako nakatulog.

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 2

ang mabuting balita ayon sa sulat ni san hudas sa mga taga barmat.

mga kapatid,

bago ang lahat, hayaan nyo munang hilingin ko sa poong maykapal na bigyan ng isang magandang umaga ang lahat ng mga taga barmat (short for Barangay Matae). peace sa inyong lahat, live long and prosper and may the force be with you. pagbati mula sa inyong kapatid na si san hudas.

heto ang maganda kong balita, mga kapatid: nalaman ko nung biyernes na hindi na ako papainumin ng gamot ng aking doctor para sa aking diabetes at high blood. tuwang tuwa siya nang makita ang resulta ng mga laboratory test ko – una, wala raw akong tulo. ikalawa ay bumaba rin daw ang aking blood sugar at hemoglobin levels. nakita rin ng aking doctor na nabawasan ako ng mahigit 20 pounds. dahil dito, binigyan pa niya ako ng tatlong buwan na extension upang magpursige pa sa aking programa na mapabuti ang aking kalusugan. sa june na ulit ako muling babalik sa kanya. sana nga ay tuloy tuloy na ito. simple lang naman ang ginawa ko – huminto ako sa pagkain ng karne, binawasan ang size ng every meal at nag exercise ng umaga, tanghali at gabi. medyo bilad nga lang ako sa araw na naging sanhi ng pagiging kutis betlog kong muli. pero in the overall scheme of things, mas gugustuhin ko nang maging kutis betlog kaysa naman atakihin sa puso.

hanggang dito na lang muna ako sa aking pag kwento, mga kapatid. hanggang sa muli nating pagkikita. nawa’y swertehin din kayong tulad ko.

ang inyong abang lingkod,
san hudas


pakinggan ang EBANGHELYO NI SAN HUDAS PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 1

tax season na naman at ito ang first time namin ni jet na magbabayad ng buwis sa america. maraming bago sa mga procedures at medyo nakakalito. hindi ko nga maintindihan masyado. buti na lang at may provision sa company namin na libreng assistance para sa mga tanga at bagong lipat na tulad ko. nag assign sila sa akin ng tax lawyer at siya ang nag-ayos ng pag fill up ng mga forms at sa pag explain sa akin kung ano ang mga dapat gawin. maliit lang ang tax ko sa singapore – mga 11% at pwede pang hulugan ang bayad (interest free pa). dito, mahigit 30% ata ang binabayaran ko na federal tax. tapos may bwakanginang state tax pa. yung pay check ko tuloy, parang litanya ng mga deductions. minsan nakakapanghina nga, kasi mahigit kalahati ng sweldo ko ay napupunta sa mga tax at ibang mga kaltas. nung una akong kausapin ng boss ko tungkol sa sweldo, akala ko ay generous – nakarinig pa nga ako ng malakas na “KA-CHING”. now i have sekantots.

pero hindi naman parating bad news pag tax ang pag-uusapan. ang mabuting balita? mayroon akong tax refund na mahigit $1500. ngayon lang nangyari ito sa buong buhay ko na may babalik sa amin na pera galing sa gobyerno. sa sobrang tuwa ko nga parang gusto kong magpahalik kay dubya. thank you uncle sam, isa kang tunay na dirty old man.

One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

Who spits against the wind, spits in his own face

dear unkyel batjay,

mayroon lang po akong gustong isangguni sa inyo at sana po ay matulungan ninyo ako. kakatapos ko lang po sa college last school year at engineer din po ako tulad ninyo. dean’s lister pa nga ako at hindi naman po sa pagyayabang, natapos ko ang course ko ng 4 and a half years. nakapasok naman po ako sa isang magandang engineering firm dito sa maynila at marami kaming mga project sa iba’t ibang parte ng pilipinas. ok naman po ang suweldo ko pero may problema po ako sa boss ko. araw-araw po na ginawa ng diyos ay inuutusan niya akong magtimpla ng kape niya. naiinis po ako. hindi naman po nagsakripisyo ang mga magulang ko na patapusin ako sa pag-aaral para lang magtimpla ng kape. ano po ba ang maganda kong gawin? ayoko naman pong umalis dahil maliban sa pagtimpla ng kape ay gusto ko po yung ginagawa ko doon. tulungan po ninyo ako unkyel batjay.

lubos na gumagalang,
gentle reader

Continue reading

And if I should fall behind

ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.

Continue reading