para sa mga kristiyano, importante ang araw na ito dahil ipinagdiriwang nila ang muling pagbalik ni baby jesus. para sa mga natirang walang bathalang tulad ko eh importante rin ang araw na ito dahil ngayon magsisimula ang season 3 ng game of thrones sa HBO. gardenget, i can’t wait.
Monthly Archives: March 2013
sabado de glorya
mahirap pumili ng kakainin pag sabado de glorya kasi para kang nasa limbo. nasa gitna ka kasi ng biyernes santo at linggo ng pagkabuhay kaya di mo sigurado kung pwede nang kumain ng karne. kung kaya, iniisip ko na lang na magluto ng tinolang kuneho at maglaga ng itlog ng butiki.
hoy mang boy, maligo ka na! hindi tutuo na bawal maligo pagtapos ng alas tres ng hapon ng biyernes santo.
i thirst
ang pinakapaborito ko sa mga seven last words ay “i thirst”. ang pangalawang pinakapaborito ko sa mga seven last words ay “my hands are tied and nailed to a cross, peter, could you please scratch my back?”
pagpapakumbaba
ang sermon ni pastor mang boy ngayong huwebes santo ay tungkol sa pagpapakumbaba. unang-una sa lahat, napakahirap magpakumbaba dahil mahirap sabihin ang salitang pagpapakumbaba. para siyang tongue twister para sa mga bumbay na rapper.
anyway, bilang sakripisyo ko para sa araw na ito: maghahanap ako ng labindalawang mangingisdang hudyo dito sa irvine, california at huhugasan ko ang mga paa nila.
practice the dikit-dikit
dear gentle reader,
kailangang mong i-praktis magsulat ng dikit-dikit kung nakaharap ka sa computer araw-araw. pag di mo kasi ginagamit ang mga natutunan mong katangian, babawiin sa iyo yan ni baby jesus. punta ka sa ebanghelyo ni mateo, kabanata dalawamputlima, bersikulo labingapat hanggang tatlumpu. o sige, basa.
nagmamahal,
unkyel batjay
pasensya na
ang sermon ni pastor mang boy ngayong miyerkoles santo ay tungkol sa pasensya. hindi yung tinapay na parang mamon kundi yung pagtitiis sa ilalim ng mahirap na mga pangyayari. kaya ngayong araw na ito, ako ay nagpasyang magluto ng munggo at pagtapos eh iulam ito sa kanin. pero bago ko siya isubo, bibilangin ko muna yung mga butil ng kanin at munggo. praise god.
my road home
fragrant
yung air freshener sa opisina ng doktor ko sa diabetes ay parang antiseptic cleaner ng mga amoy lupa.
sacrifice
ang sermon ni pastor mang boy ngayong martes santo ay tungkol sa pag penitensya para mapalapit sa panginoon. ito ang dahilan kung bakit nagpasya ako na para sa araw na ito, isusuot ko ang pustiso ng tatay ko bilang sakripisyo kay baby jesus.
ang mga pinoy sa amerika
ang sermon ni pastor mang boy ngayong lunes santo ay tungkol sa pinoy diaspora sa amerika. sabi niya, pag mahigit dalawa o tatlong pilipino raw ang nagtipon at gumawa ng samahan, isa raw doon ay demonyo.