flu shot. di naman nila alam na ako si batjay pero si joker ang band aid na pinangtakip sa injection ko.
are you pregnant now or in the near future, ang tanong sa flu shot questionnaire. maybe, ang sagot ko. tawanan sa clinic.
pinag ultrasound ulit ako ng doktor ko pero this time sa magkabilang paa. para sa diabetes ko ba ito o gusto lang nilang makita ang super sexy pero multi-color kong legs?
nagpa ultrasound ako ng leeg para ma check ang carotid artery ko. pagkatapos ng procedure, tinanong ko sa technician if it’s a boy or a girl. natawa siya.
ayon sa balita kahapon, ang lewy dementia raw ang ikatlong pinaka sikat na type ng dementia, at yung mga may sleep disorder daw ang may malaking chance na magkaroon nito. sabi rin sa report, ang pinakasikat daw na dementia ay ang huey dementia at sinusundan ito ng dewey dementia.
alam mo nang panahon na mag gupit ng kuko kapag nag type ka sa keyboard at iba na ang tunog ng pagtama ng daliri sa mga keys.
ano ang tunog, unkyel batjay?
sintunado.
ayos, mukhang na approve ng supreme court and obama care. ngayon, pwede ko nang ipagamot ng libre yung kurikong ko.
kurikong… bilang na ang araw mo!
sabi ng doktor ko sa mata, kailangan ko raw palitan yung lenses ng salamin ko kasi lumabo raw ng kaunti ang mata ko over the span of a year. sabi ko how much will it cost?
“250 dollars”, ang sagot ng doktor ko.
“i want a second opinion” ang sabi ko.
“you have bad breath” and balik niya.
eye exam ko ngayon kaya nag tooth brush ako ng husto, nag ahit at nagtanggal ng buhok sa ilong. kulang na lang nga, magbunot ako ng buhok sa kilay.
nahihiya kasi ako sa doctor ko kasi nakatututok siya sa mukha ko habang tinitingan ang aking beautiful eyes. hindi nga ako humihinga kasi baka sabihin niya, malabo na nga mata ko, bad breath pa ako.
may 31, 2004, the evening of my mom’s 80th birthday was the last day i smoked a cigarette. i drove myself to the emergency room of saint luke’s to have my ruptured appendix taken out and i have never looked back.
eight years later, i do not crave nor dream about smoking anymore. halle-fucking-lujah!
dear mommy,
pwede ko ba ipagdasal kay lord na mamatay na lang sana sa lung cancer yung kapitbahay kong naninigarilyo? pumapasok kasi sa bahay namin yung usok pag nagyoyosi siya sa patio. iniwan kong bukas yung sliding door hababng naliligo ako kasi madyo mainit. pag labas ko sa banyo, amoy usok na yung buong bahay.
kung hindi ka pa siguro nagbalik-loob kay lord, malamang sasabihin mo sa kanya ay “puntang inang yan, kaputa putahan siya ng ina niya”. sa tutuo lang, yan ang sentimyento ko ngayon.
ingat na lang diyan sa maynila. love you,
jay