CONTACT ME FOR FREE

ending ng isang sulat na natanggap ko ngayon galing sa isang kasama ko sa kumpanya nung humingi ako ng information sa kanya:

“…Hopefully it’s what you need. Any questions, please contact me for free.”

hehehe… this just made my day. itatanong ko nga sana, in return, “how much will it cost me if i have any difficult questions”.

MINI ME

gusto ko sanang bumili kaninang lunch ng MINI kaya lang mahal eh. would you ever fork out S$ 98,000.00 to buy this car? yan ang presyo ng kotse ni mr. bean dito sa singapore.

i-convert natin sa peso ha, teka lang… 98,000 taymis 30 equals: PHP 2,940,000.00 pesoses. bwakanginangyan!

Kitchen Confidential

ilang pahina na lang at malapit ko nang matapos ang librong ito. maganda at exciting ang mga kwento ni tony bourdain. kahit na ito ay tungkol sa pagluluto, sa pagkain at sa pagiging isang kusinero. ang estilo ng pagkwento niya ay labas sa conventions ng typical na autobiography. actually, kung tutuusin, para kang bumabasa ng isang blog. siguro, ito na rin ang pinakadahilan kung bakit masarap dalhin itong librong ito sa eroplano, sa bus o sa train. yung idea na nakiki-usyoso ka sa buhay ng ibang tao habang wala kang magawang matino eh talagang masarap.

na-identify ko rin ang style niya sa pagdiskarte sa kangyang propesyon. brusko, nagmumura at naninigaw, while, at the same time, minamahal niya at tinutulungan ang mga cook niyang mangmang. hehehe… parang ako, nung gumagawa pa ako ng mga project.

Continue reading

KATABI NG GINTONG PALAY

kung ang gintong palay ay kumakaway, katabi mo ako sa bukid bayan ko…

uwi kami sa pilipinas sa sabado. sa wakas, after 6 months, balik ulit sa bahay, sa masarap na pagkain, sa pamilyang masaya at sa barkada. makakapagsalita na naman ng tuloy tuloy na tagalog. maiintindihan ko na naman ang karamihan ng mga sinasabi ng mga kaharap ko. hehehe.

Continue reading

HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

jayjetfs
happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

Continue reading

GOODBYE KOREA

pagkatapos ng drinking binge kagabi, kala ko di ako magigising para sa early morning flight ko pauwi dito sa singapore. having survived korea, nandito na ako sa singapore. kasama ko na ulit si jet at 12th anniversary na namin bukas. sarap!

p.s. di ko pa rin makalimutan yung isang saksakan ng taba na koreanong six-footer na umakap sa akin nang pagkahigpit sa kalye bago kami maghiwalay kagabi at sumigaw ng “I LOVE YOU JAY”. hehehe… di ko alam kung anong igaganti ko sa kanya. niyakap ko na lang din siya at sumigaw ng “I LOVE KOREA”.

WORK HARD, PLAY HARD

kahapon, medyo maaksyon ang araw ko. nag host kami ng conference sa seoul na buong araw. in typical korean fashion na work hard, play hard: kainan at inuman after the long day. kumuha kami ng isang kuwarto sa isang restaurant at doon ginanap ang post conference party. siyempre, hindi mawawala sa isang korean dinner ang kanilang national drink na soju. tuwang tuwa ang mga koreano sa mga foreigners kaya ang grupong apat na intsik at isang pinoy ay pinagkatuwaan ng husto sa pamamagitan ng walang patid na toast. mapapansin mo na lang, palakas nang palakas ang boses ng mga tao, nagsasayaw na kahit walang tugtog, marami nang mga impromptu speeches… ipekto lahat ng alcohol.

Continue reading

GAMOT SA CONSTIPATION ANG KOREAN FOOD

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako….

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe… simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe…

DEAR MYLAB,

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter… of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: “Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation”.

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko – simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung “Kitchen Confidential” ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Continue reading