“magpapahaba ulit ako ng buhok” ang sabi niya to no one in particular, habang nakaharap siya sa salamin at tinitingnan ang noo niyang malapad pa kaysa kanyang batok.
Category Archives: MIDDLE AGE BLUES
For the ones who had a notion
tutuo ata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 4o years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy.
lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa betlog, buhok sa ilong. yung buhok sa ilong ay ang pinaka kinaiinisan ko kasi, bukod sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay puti pa siya. stand out galore. lately nga, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa tenga. ‘tanginangyan.
In the wink of a young girl’s eye
mayroong pick up basketball game every tuesday at thursday sa opisina na sinasalihan ko paminsan minsan. ang problema lang ay ang isang oras kong paglaro ng basketball ay may katumbas na isang linggong pagsakit ng tuhod. pero sige pa rin kahit masakit dahil nga kahit alam ko nang tapos na yung glory days ko na pagshoot eh gusto ko pa ring mag “rage against the dying of the light“.
Rage against the dying of the light
pag tumitingin ako sa salamin, puro puting buhok na lang ang nakikita ko. inevitable. yan ang parati kong naiisip. kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang pagpalit ng kulay ng bumbunan ko. kaya nga ipinagpasya ko na lang na ang pinaka mabuti kong gawin ay tanggapin (or in english: accept the fuck) na tumatanda na talaga ako.
ang gimmick ay gumawa na lang ng paraan para kahit tumanda man ako ay mayroon pa rin akong asim, kahit papaano. yung asim na tulad ng sa kamias. as in halos borderline nagmumurang kamias. teka… bakit nga pala “nagmumurang kamias” ang term sa isang taong nagpapabata? yan ang gusto kong malaman.
And these romantic dreams in my head
sabi ng isa kong kaibigang amerikano na naoperahan sa tuhod, karamihan daw ng mga pasyente ng orthopedic surgeon niya ay tulad naming mga forty something na may mga ilusyon na ang katawan nila ay pang twenty something pa rin. natawa ako. ako rin kasi minsan ang tingin ko sa sarili ko, bagets na kakatapos lang mag college. takbo rito, takbo roon. bisikleta sa bundok, lakad kung saan-saan. punong puno pa rin ng libog at tigas titi pa rin kahit sakang ang lakad dahil tumakbo ng half marathon sa gitna ng malakas na bagyo.
Precious sacred scenes unfold
sabi ko nga ba, mangyayari ito sooner or later. i blame my fucking erratic brain cells na pakiwari ko ay unti-unti nang nag re-retire. in fact, ang pinaka worry ko, now that i’m over 40, ay nagiging ulyanin na ako.
nung nagbisikleta kasi ako papasok sa opisina nung lunes ay nakalimutan kong magbaon ng pantalon.
buti na lang at may dala akong t-shirt at sports socks. hindi kasi bagay rumampa sa opisina ng naka cycling shorts, itim na medyas at long sleeves. buti na rin lang at dito nangyari ito sa california. wala kasi kamng dress code at pwede kang pumasok ng nakabahag kung gusto mo (as long as may dala kang panangga at mahabang itak, hehehe).
kung sa singapore ko nakalimutan magpantalon, malamang pinauwi ako ng di oras.
While I pondered weak and weary
biglaan yung pagpasok ng middle age para sa akin. pakiramdam ko ay parang may kung sinong wise guy na diyos sa langit ang biglang pumindot ng isang master switch. one moment ay perfect looking, the next moment – click, ancient and tired. bigla ko na lang napansin isang araw, gaining face na ako. bwakanginangyan, nakakalbo ka na nga, yung natira pang kakaunting buhok ay kulay puti pa.
ang pinaka masakit sa lahat ay bigla ko na lang napansin kanina na tinutubuan na ng buhok ang tenga ko. di ba mga lolo lang ang mayroong buhok sa tenga?
ano-ano pa ba ang mga signs ng pagtanda? gusto ko kasing malaman kung malapit na akong maging amoy lupa.
Racin’ with the wind
two weeks na akong nagbibisikleta papasok ng opisina. nag decide kasi ako na gagawin kong alternating ang pagtakbo at pag bike to work. nag-iingat lang ako dahil ever since nag basketball ako two weeks ago eh sumakit ang kaliwang tuhod ko. ok naman kasi mas low impact ang pag bike at mas mabilis akong nakakarating sa opisina.
medyo nakakapanibago lang. kasi, pag matagal kang nakaupo sa bisikleta, masakit yung part ng katawan mo na nasa pagitan ng butas ng pwet at betlog. ano na nga ba ang tawag dito?
Rage, rage against the dying of the light
nakikinita ko na… darating ang araw tatanda ako ng husto at lahat ng sentence ko ay magsisimula sa “ano kamo?” pagtapos, tutubuan na ako ng mahabang buhok sa tenga, lalabo na ang mata, magiging kulubot na parang betlog ang balat, malalaglag ang lahat ng ngipin, hindi na titigasan at magiging matandang utot (“old fart” in english).
Jack the Rabbit and Weak Knee Willie
during the past two fridays, sumasali ako sa lunch time pick-up basketball games dito sa office namin. hindi ko nga alam kung bakit ko naisipan maglaro ulit after 20 years. siguro, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kahit matanda na ako ay kaya ko pa ring makipag compete sa mga batang half my age.