mahal ng diyos ang lamok at surot

dear mang boy,

aaminin ko na nagpalit na ako ng paniniwala simula nung di masagot ni pastor ben ang tanong ko tungkol sa lumang tipan. tinanong ko kasi kung bakit sa dinami-dami ng mga hayup na pwedeng isakay sa arko ni noah, bakit pinayagan ng diyos na isali ang mga lamok at surot.

nagmamahal,
unkyel batjay

WTF indiana?

isa sa mga dahilan kung bakit ayokong magpapaniwala sa relihiyon at mga diyos. tinuturo kasi ng mga simbahan na mamili at maging eksklusibo – di ka kasali kung bakla ka o naniniwala sa pamilyang parehong nanay o parehong tatay.

http://www.cbsnews.com/common/video/cbsnews_video.swf

Noah

marami raw mga eksena sa #Noah ni russel crowe ang wala sa bible dahil ginamitan daw ng direktor na si darren aronofsky ng tinatawag na “artistic license“. halimbawa, doon sa pelikula, yung ark ay huminto raw sa isang bundok sa pampanga nung humupa na ang baha.

personal relationship kay rolando navarrete

mayroon sumalubong sa akin kanina nung tumatakbo ako. muntik ko nga siyang masagasaan. matandang babae na mukhang koreana, tinanong ako kung gusto ko raw magkaroon ng personal relationship kay jesus.

sabi ko, “sorry po manang pero kailangan ko munang maligo kasi it’s me they are talking about” or words to that effect. siyempre, english yung salita ko, tinagalog ko lang para kay mang boy, na siyang parating bumabasa ng mga kwento ko.

anyway, sa tutuo lang, medyo na offend ako sa kanya. hindi dahil pinipilit niya sa akin ang diyos niya, although minsan nakakainis yon. hindi rin naman dahil muntik na kaming magkapalit ng mukha dahil bigla siyang sumulpot sa harap ko na parang multo (actually nagulat nga ako at muntik nang naihi sa takot).

ang kinaiinisan ko eh hindi niya ako makilala. siguro nagkikita kami every other week pag tumatakbo ako at tuwing magkikita kami, parati niya akong tinatanong kung gusto kong makilala si baby jesus. parati kong sinasabi na ayoko. paulit ulit, paulit ulit.

next time kaming magkita, uunahan ko siya. itatanong ko sa kanya kung gusto niyang magkaroon ng personal relationship kay rolando navarrete.

tornado

tinanong ni mandy kay pastor mang boy kung bakit pinayagan ng diyos na tamaan ang mga paaralan sa oklahoma at hayaang mamatay ang mga walang kinalamang musmos. bakit daw hindi na lang lumapag yung tornado sa city jail kung saan maraming mas angkop na mamatay.

sabi ni pastor mang boy – “god moves in mysterious ways”

naiyak si mandy at bumulong ng “ang bait talaga ni baby jesus”.