Laughing on the bus, playing games with the faces

four years in singapore, two years in california. yan ang summary ng buhay ko bilang OFW, so far.

maraming mga highs – nabayaran namin in full ang bahay sa antipolo, nakapag travel kung saan-saan, tumaba at pumayat, nagkaroon ng pagkakataon para mabuhay ng medyo masagana, nakakatulong kami sa pamilyang naiwan namin sa pilipinas at naging mas close ang relationship naming mag-asawa dahil kami lang ni jet ang magkasamang dumidiskarte sa kung ano-ano ang mga dapat naming gawin para mabuhay sa isang bansang umampon sa amin.

Continue reading

Out in the streets of a runaway American dream

nag enjoy ako ng husto sa race for the cure nung linggo sa newport beach. sumama rin si jet kahit galing sa duty kaya tuwang tuwa ako. sabi sa balita, mahigit 30,000 daw ang pumunta roon para mag raise ng cash para sa breast cancer research.

Continue reading

Little pink houses for you and me

two years na kami ni jet dito sa california. one year na kaming may green card. di na magtatagal, pwede nang mag apply para maging amerikano. pag wala nga akong magawa, imbis na magjakol ay iniisip ko ang advantages ng kulay asul ang passport.

Continue reading

I Run For Life

for the 2nd straight year, tatakbo ulit ako sa 5K race ng susan g. komen race for the cure. ito’y isang organization na tumutulong sa pag gamot ng breast cancer. bakit ko ba sinalihan ito? dahil maraming pupunta rito na may boobs? hindi. gusto ko lang makatulong kahit papano and being part of a cause makes me feel good. who would have known na magkakaroon ng running man ang Barrio Talipapa?

Continue reading

Young and pretty on the mean streets of the city

ang hirap pala ng nag-iisa ano? ngayon lang ako walang kasama ulit ng medyo matagal at hindi na ako sanay. hindi naman ako hiniwalayan ng asawa ko. umuwi lang siya sa pilipinas ng dalawang linggo. kaya eto, naiwan ako rito na parang trumpong kanggarot, parang manok na walang ulo, parang saranggolang may kilya, parang langaw na tinanggalan ng pakpak, parang titing walang betlog at kung ano-ano pang descriptive na salita na nagpapahiwatig na walang direksiyon ang iyong buhay dahil hindi mo kasama ang iyong minamahal.

Continue reading

Girl, ain’t no kindness in the face of strangers

habang patagal ng patagal kang nakatira sa amerika, unti unti kang nagiging immersed sa kanyang kultura at way of life. natural tendency ito dahil pag hindi ka nag conform, mahihirapan ka. kaya nga halos lahat ng mga pumupunta rito ay nagiging assimilated and resistance is futile. it starts the moment you step off the plane.

Continue reading