powderfinger

una kong narinig ang powderfinger nung lumabas ang rust never sleeps nung 1979. labintatlong taong gulang ako noon – jakolero na pero di pa talagang binata.

pagtapos ng mahigit tatlumpu’t apat na taon, heto na tayo sa 2013 at ‘di pa rin nangungupas ang mga kanta rito. sa katunayan, ang powderfinger ay laman pa rin ng playlist ko hanggang ngayon. electronic na nga lang ang format pero sige pa rin. ‘di ko na siguro ito tatanggalin hanggang sa kunin ako ni baby jesus.

heisenberg rules

mamayang gabi na angĀ simula ng wakas ng breaking bad. tangina, hahanap-hanapin ko si heisenberg pag natapos na ito. ang hula ko eh mamamatay silang lahat in the end. a hundred years from now, tatanghalin siguro ang panahon na ito na “golden age” ng television with shows like the sopranos, mad men, homeland, boardwalk empire and of course, my beloved breaking bad.

http://cnettv.cnet.com/av/video/cbsnews/atlantis2/cbsnews_player_embed.swf

yes chef

binabasa ko ngayon ang “yes chef” ni marcus samuelsson. alam kong malambot ang puso niya sa mga pinoy dahil sa mga blog post niya’t past interviews. di ko alam na bukod sa marunong siyang magluto eh magaling din siyang magsulat.