THE NOISE NAZI

may kapitbahay kami rito sa bagong bahay na kumakatok sa amin everytime na may naririnig siyang kakaibang ingay. nung bagong lipat kami, nag complain na kumkalabog daw sa itaas. sabi ko, what do you expect, naglilipat nga kami. one time naman nung may kausap ako sa labas, sinabihan ako na huwag daw kaming maingay at hindi raw siya mapalagay. nung isang beses, nakabukas ang pinto sa likod at narinig niya si springsteen na kumakanta sa CD player, malakas daw masyado ang bass. sabi ko – hey lola, you can’t play born to run with the bass down but i’ll lower the volume just for you.

kung si seinfeld ay may soup nazi, kami naman ay may noise nazi.

welcome to condo living in southern california. dikit dikit ang mga bahay ninyo kaya malas mo na lang kung ang may-ari ng katabi mong unit ay mayroong nana sa tenga.

Edgy and dull and cut a six-inch valley

dear unkyel batjay,

ano po ang mga natutunan ninyo na pwede ninyong i-share tungkol sa malaking sunog diyan sa southern california?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

Harry Truman, Doris Day, Red China, Johnnie Ray

maraming salamat sa lahat ng mga nagtatanong tungkol sa safety namin. heto ang kwento ko tungkol sa sunog dito sa OC:

malakas na ang kutob ko nung tumakbo ako nung linggo ng umaga na may mangyayaring masama dahil iba kasi ang dating ng santa ana winds. mas malakas ito kaysa mga previous occurrences at parang bagyo yung force ng mga gusts. sunday ng mga 6 pm nang nagsimula ang sunog which would eventually become the notorious santiago fire of orange county. yung bahay namin ay malapit lang sa perimeter ng sunog. in fact, yung apoy ay less than 2 miles away lang at its closest approach. pag gising nga namin nung monday ni jet, amoy usok sa loob ng bahay. south bound ang direction ng hangin kaya hindi tinamaan ang bahay namin ng apoy. but it came really close.

Continue reading

We skipped a light fandango

AdobongTuyo-02

specialty ng mommy ko ang adobong puti. basically adobo without the toyo kaya mas light ang kulay niya kaysa sa regular adobo. at dahil suka lang ang timpla nito, mas maasim ng kaunti ang lasa. ang version ng mommy ko ay chicken at pork at talagang masarap ang lasa nito. baon ko halos araw-araw nung elementary ako, standard fare sa mga picnic all throughout my growing up years at regular soul food hanggang sa tuluyan na akong umalis sa bahay niya.

sinubukan kong gayahin ang adobong puti ng mommy ko last weekend. hindi ko pa nakuha ng 100%. sabi ni jet, kulang daw sa alat at dagdagan ko raw ng kaunting sabaw (ie, huwag masyadong tuyo).

pero ok lang. hindi naman ako masyadong worried na hindi ko agad nakuha ang timpla. the good thing about cooking is that you can do a dish over and over again hanggang dumating ang panahon na maging perfect ang lasa nito. parang buhay ang pagluluto, you are always given a 2nd chance.

Blow away the dreams that tear you apart

here i go again, talking about running ang music. somehow, tied together sila sa buhay ko ngayon, and if i might add, really tight.

running keeps me fit and healthy – wala pa rin akong iniinom na gamot para sa diabetes ko hanggang ngayon dahil binababa ng pagtakbo ang blood sugar ko at cholesterol. music, on the other hand, keeps me sane – kung walang musika sa buhay ko siguro matagal na akong nag hurumentado.

Continue reading