dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa southern california? sana po ay mabuti kayo sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, mayroon po akong matagal nang gustong malaman tungkol sa holloween at kung pwede sana ay itatanong ko po sa inyo, yaman din lamang na based na kayo diyan sa amerika.
di po ba mahilig mag celebrate ang mga amerikano ng halloween at mayroon pa ngang “trick or treat” at maraming mga bata ang umiikot sa mga iba’t ibang bahay para manghakot ng candy. samantalang ang mga pilipino naman pag ganitong panahon ay pumupunta sa mga sementeryo para ipagdasal ang kanilang mga pumanaw na mga mahal sa buhay.
heto po ang tanong ko: ano po ba ang ginagawa ng mga batang filipino-american diyan pag halloween, given the fact na mayroon silang kulturang pinoy pero nakatira naman sila’t nabubuhay sa amerika?
yon lang po at lubos na gumagalang.
gentle reader