langaw at lamok

hindi talaga pwedeng ipaliwanag sa mga kabataan ang idea ng creationism dahil tatanda ang mga ito ng paurong. isa pa, mahirap ipaliwanag sa mga bata kung sino ang napangasawa ni cain, pagkatapos siyang pinalayas ng diyos.

at saka isang-isa pa, mahirap ding ipaliwanag sa mga bata kung bakit pa isinama ni noah ang mga lamok at langaw doon sa ark. sana nilunod na lang niya para wala tayong malaria ngayon at saka insektong mahilig mag swimming sa sabaw.

Lakatan Tutan

ang gusto ko ngayong gawin ay kumain ng saging na lakatan. imposible dahil walang lakatang nabibili dito sa kinaroroonan ko sa timog kaliporn-yah. oh yah?

yung mga saging na nakikita ko rito ay malalaki nga, wala namang lasa. iba talaga ang saging ng pinoy. maliit lang pero ubod ng tamis at masarap isubo.

oya!

napansin ko lang, yung mga pinoy dito sa amerika mahilig sumagot ng “oh yah” pag may sinabi ka sa kanila.

oy, dumating nga pala si tino kagabi galing ng maynila

oh yah?

oo, may dala ngang pasalubong para sa yo.

oh yah?

tinapa, nakabalot sa dyaryo.

oh yah?

yah!

barber girl

ang hirap mag recognize ng mukha kapag nakikita mo ito sa ibang setting na nakagisnan mo. kahapon nakatabi ko sa starbucks yung vietnamese na gumugupit ng buhok ko inabot ng mahigit 5 minutes bago kami nagkamustahan kasi hindi ko siya nakilala agad. ganoon din daw siya. siguro pag biglang pumasok sa kwarto ko si michael caine, di ko siya makikilala.

naalala ko kasi napanood ko na naman yung “the trip” for the madapaking millionth time.

mga papanoorin ngayong summer

summer watch list

summer movie watch list.

some i’ve seen a million times but can’t get tired watching – the godfather, apocalypse now, casablanca, to kill a mockingbird, almost famous.

some old friends i’m reconnecting with – yellow submarine, the band’s visit.

concert movies – neil young’s heart of gold, les mis’ 10th anniversary.

some new ones – midnight in paris, moneyball.

a documentary i’ve been wanting to see for the longest time – the criterion edition of the war room.

one i got for a steal – planet earth narrated by david attenborough for $20.

himala ate guy, walang pelikulang tungkol sa kabastusan at kaburikakan

delubyo

dear lord jesus, sana po ay patigilin na ninyo ang ulan sa pilipinas.

habang ginagawa ninyo ito, sana po ay ibalik ninyo ang tambalang guy en pip, papayatin po ninyo si ate shawie, paulanin ninyo ng palaka ang bahay ni gloria macapagal arroyo at palakihin ninyo ang toto ko ng 2 inches.

tenks,
batjay

ps – oo nga pala, kung talagang diyos ka, bakit mo nga pala pinaulan ng malakas sa pilipinas, in the first place? sana sa pacific ocean na lang kasi po walang tao roon.