One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

A million ways to spend your time

christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.

Continue reading

Eagles may soar, but weasels don’t get sucked into jet engines

GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that’s about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let’s cross that bridge when… ano na nga?

BATJAY: ah – “let’s cross that bridge when its too far”

GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.

BATJAY: let’s cross that bridge over spilled milk

GENTLE READER: gago.

BATJAY: let’s cross that bridge over the river kwai

GENTLE READER: naman eh.

BATJAY: let’s cross that bridge is falling down

GENTLE READER: falling down falling down.

BATJAY: let’s cross that bridge over troubled water

GENTLE READER: hehehe. kanta?

BATJAY: let’s cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.

GENTLE READER: argh!

MYLABOPMAYN JET: let’s cross that bridge of madison county

GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.

PROTECTION PARA SA SIRAULO

Helmet para sa Sira Ulong Malaki. CLICK to enlarge and find out kung talagang duling ako bumili ako ng helmet doon sa paborito kong bike shop. kahit medyo mahal ay binili ko na rin. iniisip ko eh since i only have one head, mas mabuti nang mag invest ako sa equipment na mag po-protekta rito. sira na nga ulo ko, sisirain ko pa. pero teka lang… kung sira nang ulo ko ngayon tapos ay mabagok ako, dapat titino ako di ba? negative taymis negative equals positive. hekshuli, dalawa ang ulo ko kaya lang yung isa ay maliit lang at hindi nag-iisip. at saka hindi helmet ang protection doon – condom. heniwey, “limar” ang brand at pusha, fhusya, pusia, fushiah kulay pula siya. binili ko nga rin pala ng helmet ang asawa ko. this is also for my protection. baka kasi siya mauntog, magising sa katotohanan at iwanan ako.

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Continue reading

THERAPY

ito ang typical park sa singapore. masarap lakaran o kay pag bisikletahan. maraming puno at maraming mga park bench kung saan pwede kang mag pahinga. kaunti lang ang nagpupunta sa mga park pag regular days kaya masarap ditong mamasyal para mag muni-muni.
labas sa oras na magkasama kami ng aking asawa, the most relaxing part of my day is my early morning walk and evening “bisikleta ikot ng ikot hanggang mahilo” routine. ginigising ako ni jet sa umaga ng mga 6:15 at naglalakad ako around our block ng mga 30 minutes. sa gabi naman, nag bibisikleta ako ng 9:00 hanggang 10:00. altough ang main goal ko ay mag loose ng weight (which is not as easy as it used to with a 38 year old body refusing to metabolize), ang offshoot of all this activity is that i have time to spend alone.

maliwanag pa sa singapore ng mga 7:00 pm kaya pag naka-uwi ako ng maaga (say 6pm), may oras pa akong pumunta sa beach in my bike. ang weekday beach run sa takipsilim ay magandang opportunity for reflection. bukod sa mga nagpupuluputan na mag-syota (get a room, will ya!) at mga matatandang joggers, walang masyadong tao sa paligid.

madilim pa pag lumalabas ako sa umaga ng mga 6:15. di naman ako natatakot. wala namang gagalaw sa akin dahil malaki akong tao at saka puro supot ang mga magnanakaw sa singapore. yung mga matatanda lang kasi ang mga ninanakawan nila. pero nung isang araw muntik na akong atakihin sa puso. nung maglakad kasi ako ng early morning may nakasalubong akong isang lady in red na tumatakbo. dahil maraming puno, naglaro yung light and shade sa katawan niya at nagmukha siyang multo na parang may umaagos ang dugo sa kanyang t-shirt. literally, napatalon ako sa takot. muntik na akong napasigaw at naihi sa salawal. ngayon lang ako natakot ng ganon. nasobrahan na ata ako sa kape.