Category Archives: CHINA
DEATH BY POWERPOINT
halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading
BREAKING BIRD NEWS
“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…
CHINA: PARROT NA BASTOS, PINATAY. napag-alaman na tinuturuan ni Li Yong ang kanyang ibong loro na magsalita ng mga kataga tulad ng “hello” at “hi”. ngunit imbis na ito ang kanyang matutunan ay puro “idiot” lang ang salitang nabibigkas ng malas na loro. isa pang kinainisan ng may-ari ay tuwing dumadaan siya sa hawla ng kanyang alagang loro eh minumura siya nito. bagay na lubha niyang kinagalit at naging dahilan para ito ay kanyang patayin. opo, mga kababayan – patay na ngayon ang loro. pinatay dahil sa sobrang pagmumura.
ang iportanteng tanong ngayon ay… Ano sa Bicolano ang “Parrot”?
KARATULA SA SHANGHAI CHINA
literal translation: “huwag sumakay o bumaba sa bangka pag ito ay nasa gitna pa ng canal“
101 MILLION DUCKS AND COUNTING
ngayong dinner ay kumain kami sa “beijing qian men quan ju de roast duck restaurant”. itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.
malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed…
MAGANDANG GABI MYLAB, DITO NA AKO SA SHANGHAI
narito na ako sa hotel after spending the whole day with lau, vivien and tien. nagpunta kami sa “zhouzhuang”, isang traditional at very ancient chinese town sa labas ng shanghai. according to the brochure, this town was founded in 1086 (wow!) by a guy named zhou di and has been functioning for the past 900 years.
the town is commonly called as the “venice of the far east” because it is surrounded by canals. mayron din silang mga gondola, at ang mga boatwomen (tama ka, mga babae ang mga capitan ng bangka) ay kumakanta rin. hindi na kami sumakay at baka mapakanta lang ako ng “sana’y wala nang wakas” kasi naalala kita eh.
na-preserve nilang halos lahat ng mga bahay sa town at ang ganda. pakiramdam ko eh ako si jet li na naglalakad sa isang siyadad na nakalimutan na nang panahon sa pelikulang “once upon a time in china part 45” (cousin yi! cousin yi! hehehe). lahat ng mga maliliit na shop eh may mga abubot na tinitinda at kung kasama lang sana kita eh ang dami nating mabibili na mga walang kwentang bagay na pwedeng idisplay sa bahay.
binili kita ng isang abubot na pwedeng ilagay sa collection mo. ibinili ka rin ni vivien nang isang porcelein na music box na may kasama pang dedication na “tell jet i miss her so much! i want her to come to shanghai so we can go out together for shopping!”. pag punta raw natin sa hainan sa october ay dumaan daw tayo sa shanghai para maipasyal ka niya.
si tien ay masarap na ngayong kasama dahil ang daldal na niya. parati pang naglalambing at parati kang hinahanap sa akin. uuwi raw siya sa singapore para makita ka niya. hehehe… 3 years old na rin ang bata at pag kinakausap ako eh english na may halong mandarin.
nag-usap na kami ni tom at nagpasyal raw siyang mag-isa sa forbidden city ngayong umaga. malamang ay nasa silk street sila ngayon nina gk at namimili ng mga damit at souvenier. sana makapasyal din siya sa great wall para masulit ang trip niya from the us.
bukas ay diretso na kami ni lau sa beijing. alis kami rito sa hotel ng 6:45 at ang flight namin at 8:00 am. medyo maaga pero ok na rin yon para di masyadong mainit. nag bilad ako ngayong araw na ito sa init at kutis betlog na naman ako. hehehe… dating kami doon ng mga past 10 siguro at maghahanda na kami sa conference. after tuesday ay tapos nang china leg at…. tantararan! magkikita na ulit tayo ng wednesday!!! yehey! miss na miss na kita eh.
sige my lab. ingat ka na lang diyan. huwag magpapagod at magpupuyat masyado. till wednesday. lab-U!
ONE DAY WE WILL RULE THE WORLD
itong past month that i’ve been travelling, i find myself turning into a news junkie even more. spending all this time in hotel rooms, the only game in town is watching tv or reading or working on my pc. if its tv, kadalasan BBC or CNN. i’ve been watching too much news that i’m starting to develop opinions about the newscasters themselves. mayron na akong “my favorite accent” at saka “o shit it’s him again” o kaya “tanginang badhair day hairdo mo sister”. kaya lang itong past two days, medyo nakakadiri ang balita. every 5 minutes they show pictures of 2 dead bodies in every angle imaginable. it’s like watching “night of the living dead”. kulang na lang, ipakita ang mga bituka at ngala-ngala eh.
ISTATISTIKS
temperature. yesterday was supposed to be the hottest day in shanghai in 60 years. sabi sa dyaryo, 39.6 deg C raw kahapon. sabi naman nung kasama kong intsik na medyo jaded eh, di raw umaangat ang temperature sa shanghai ng 40. may law kasi rito sa shanghai na automatic holiday sa buong city when the temperature goes over 40. kaya ang ginagawa raw ng gobyerno ay hanggang 39 point something lang – higher than 39 but never over 40, para di matigil ang trabaho. sa tingin ko eh baka nga mas mataas pa – beterano na ako sa panahon sa singapore, manila at india. i am almost sure that it was over 40 yesterday. kagabi, lumabas ako sa terrace ng bahay ni lau to smoke: parang blast furnace pag bukas ko ng pinto. oh and by the way, this was 10 pm in the evening.
celebrities. maraming celebrities ang nasa china ngayon. si tony blair at si jay david ay nasa shanghai ngayong week. si david beckham, ronaldo, zidane, si raul-0, ang buong real madrid at si jay david ay nasa beijing next week. hehehe. umaangat nang antas ng buhay rito. may mga enrichment programs nang ginagawa ang china para sumaya ang mga citizens niya. NBA star, yao ming, nga pala is from shanghai and the people here are really proud of their native son who is here, by the way, for a series of exhibition games.
accidents. in the first half of this year, there were 27,221 road accidents in shanghai. i guess this is a reflection of the drivers and pedestrians here. may pagka reckless din kasi ang mga drivers dito. di naman ako nagugulat dahil pag nasa sasakyan ako eh pakiramdam ko, parang nasa maynila lang ako. ang kinagugulat ko eh yung lakas ng loob ng mga nagbibisikleta at yung mga pedestrians na tumawid sa mga kalye na walang tingin tingin. parang “bahala nang diyos, tatawid ako and i’m expecting the vehicles to stop so i can cross the street” kind of mentality.
population. 13 million lang pala ang population ng shanghai, hindi 30 as i originally thought i heard. more than 4 times larger than singapore. this balloons to 14 million plus during the day time dahil maraming mga chinese ang pumapasok dito sa city to work. di rin basta basta makakapagtrabaho ang mga outsiders dito, and even more difficult ang lumipat ang mga hindi taga rito. may mga permits na kailangan so the non shanghainese can work or live, or work and live here. i guess, it’s their way to control the population of the big cities like shanghai. sabi nga ni lau, pag may bisita raw na VIP dito sa shanghai or beijing, may mga pulis raw na nakaabang sa mga train station to temporarily send away all the chinese migrant workers.
bagyo. typhoon “eym-bow-dow” (imbudo, GAGO! BOBO talagang white weatherman, sasabihin mo lang ang pangalan na tagalog ng bagyo, di mo pa mapronouce maigi) anyway, typhoon imbudo wrecked more than 1 billion yuan worth of property when it lashed through southwest china this week.
o yan, halata bang nagbasa ako ng dyaryo habang kumakain ng breakfast? hehehe…
HELLO FROM CHINA MYLAB!
hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita… sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?
sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china – siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na “blogspot.com” – sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com – iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na…
“mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com”
anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion.
sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.
lab-U!
jay
PINAKANTA NA NAMAN AKO NG MGA WALANGHIYA
third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin – tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.