vagabond

vagabond – isa sa mga unang complicated na salitang ingles na natutunan ko. nabasa ko kasi sa bibliya nung 5 years old ako na pagkatapos patayin ni cain ang kanyang kapatid eh sabi sa kanya ng diyos: “a fugitive and a vagabond shalt thou be in the earth”

tinanong ko sa mommy ko kung ano ang ibig sabihin ng “vagabond”. sabi niya, ang vagabond daw ay isang hampaslupang walang permanenteng tahanan.

“NPA?” ang sabi ko. oo raw, ang sagot sa akin ng mommy ko.

mula nuon, naging paborito ko nang ingles na salita ang “vagabond”

 

LBM with cough is deadly

cough shit

bagong nadiskubreng medical condition kung saan nagsasabay ang diarrhea at whooping cough. ang sabi ng mga kakagaling lang sa sakit na ito, isa raw ito sa pinakamahirap na naranasan nila at sobrang gastos daw sa labada.

She’s got a personality like an open grave

may bago akong natutunan na catch phrase sa conference namin last week – “they stick together like shit to a blanket.” ang ibig sabihin ata nito ay “predictable” o “inseperable”. mayroon bang nakakaalam kung saan nanggaling ang katagang ito? dumidikit ba talaga ang ebak sa kumot? nakakumot ba ang mga taga england pag umeebak? ang nagbitaw kasi nito ay kasama kong taga england na bukang bibig ang pag mumura. ang isang maganda lang sa mga english (i.e. mga taga england) eh kahit ang lutong magmura, dahil sa accent nila eh akala mo matino pa rin ang sinasabi.

use in a sentence: “my gelpren and i, we stick together like shit to a blanket.”