books, movies, music

  1. The World According to Garp by John Irving
  2. Cosmos by Carl Sagan
  3. To Kill a Mockingbird by Harper Lee
  4. Noli Me Tangere by Jose Rizal
  5. The Godfather 1 and 2 by by Francis Ford Coppola
  6. Groundhog Day by Harold Ramis 
  7. Apocalypse Now by Francis Ford Coppola
  8. The Dark Side of the Moon by Pink Floyd
  9. Running on Empty by Jackson Browne
  10. The White Album by The Beatles

Garp made me realize what’s possible in literature. Cosmos confirmed my long suspicion that my religious beliefs are bogus, and, that there is no god. Mockingbird was the English book-report that transcended homework. Noli made me laugh and cry – Rizal was a genius. Godfather 1 and 2 – best movie, ever. Yes, I consider them as 1 film, and oh by the way, you can throw Godftather 3 in the basurahan. Groundhog Day, best comedy film in my universe, funny and soooo deep. Apocalypse Now is about how a director will go to the depths of his madness in pursuit of his passion. I can dig that. Dark Side of the Moon is THE concept album. It rocked my adolescent world and resonates to this day. Running on Empty is the soundtrack of my life. The White Album, the Beatles just throwing stuff at the wall and seeing what sticks. It’s an album about nothing but still makes total sense.

yes chef

binabasa ko ngayon ang “yes chef” ni marcus samuelsson. alam kong malambot ang puso niya sa mga pinoy dahil sa mga blog post niya’t past interviews. di ko alam na bukod sa marunong siyang magluto eh magaling din siyang magsulat.

harvest moon

kakatapos ko lang basahin ang “waging heavy peace” ni neil young. kakaiba ang pagkasulat nito dahil ang pakiramdam mo eh para ka lang nakikipagkwentuhan kay neil sa tambayan, tungkol sa kung anong topic lang ang pumasok sa kukote mo: rambling, puno ng digression at non-sequitur.

pagtapos ng libro ni neil young, bigla kong binalikan ang “harvest moon“, isa sa mga paborito kong kanta niya.

waging heavy peace

unang libro para sa summer ang waging heavy peace ni neil young. dahil sa impluwensiya ng mga nakakatandang kapatid: di pa ko tuli eh idol ko na si neil young. in fact, ang “after the gold rush” siguro, kasama ng led zeppelin IV, dark side of the moon ng pink floyd, running on empty ni jackson browne at white album ng beatles ang mga album na bumilog sa panlasa ko sa musika.

ano ang gates of hell sa tagalog?

bakit ba maraming naapektuhan at tinawag ang maynila na “gates of hell” sa nobela ni brown? dapat nga, akapin natin ito tulad ng pag-akap nina rizal sa negatibong kahulugan ng “indio”. mas ok maging demonyo dahil siya parati ang nakakatangap ng pansin.

sa tutuo lang, mas maiinsulto ako kung tinawag ni dan brown ang maynila na “kili-kili ng silanganan”

Crimson flames tied through my ears


pwede kayong bumili ng kaning lamig sa darating na international bookfair na gagawin sa bay area (sa pasay hindi sa san francisco). makikita rin ninyo roon yung mga kapamilya kong mga libro. kung gusto ninyo ng horror, naroon yung palalim ng palalim.  kung gusto ninyo naman ng mga kwentong kalibugan, naroon yung personal favorite ko na dagta. mura lang ang mga ito, lalo na yung batang kaning lamig dahil alam naman ng lahat na cheap naman talaga ako.

Badlands, you gotta live it everyday

kung may oras kayo sa lunes, april 14, alas tres ng hapon. magpunta kayo sa Fully Booked sa The Fort para dumalo sa booklaunch ng “Batang Kaning Lamig” at iba pang mga libro ng fox books.


ito na ang pagkakataon ninyo para makakita ng singkit pero kutis betlog na middle aged pero kyut pa rin na book author slash OFW slash engineer slash ex-macho dancer. ang nag-iisang kilabot ng mga matrona sa banal na sakramento parish ng barrio talipapa.

oo virginia, uuwi ako kaya mag kita kita tayo roon.