after naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.
Monthly Archives: September 2003
MY LUNCH WITH ATE SIENNA AND ANDRES
kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.
at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don’t. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.
LA-LA LAND OF THE BRAVE
nandito na ako ngayon sa “land of the brave” and “home of the free”. ang bayan ng mga value for money meals na pagkalaki-laking mga serving. may conference kami sa aming main office dito sa california ngayon week. eto ako ngayon sa hotel room: ang utak ko sinsabing 10 AM ng linggo, pero ang katawan ko sinsabing 1 AM ng lunes.
the long flight from singapore to LA (ala eh’, sabi nga ng mga batangeno) reminds how much i enjoy travelling in the asia-pacific region. anything more than 8 hours in the air is a major frigging pain. 17 hours sa eroplano ay, tangina, talagang masakit sa pwet. daig mo pang pinasakan ng 2 vibrator sa backside.
INDUSTRIAL STRENGTH BLUES
si binky lampano – idol kong artist. he may not be as big as the e-heads or parokya ni edgar, but binky lampano is in my top 10 list of the best rockers in the philippines.
he’s right up there with pepe, bosyo, lolita carbon, sampaguita and the jerks in my list. watch these guys perform live and you’ll know what i mean. sayang nga lang, you won’t have the chance to watch edmund “bosyo” fortuno because he is already playing drums, right alongside keith moon, john bonham and gene krupa, in that great big rock and roll gig in the sky.
nasan na ba ako… ah ok. binky lampano.
i still have his tape at home. tangina kasi, hindi gumawa ng CD ang record company niya eh. pinapakinggan ko ito from time to time pag nasa pilipinas kami. nung araw parati akong may balita tungkol sa kanya dahil maraming beses na siyang nakasama ni dante, sa mga concerts at minsan naiimbita sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ.
jet and i watched BINKY and the NIC in makati for 2 straight weekends many many moons ago. there weren’t many people but it was one of the best concerts we have ever attended. he is one hell of a guy to watch live, i can tell you that.
he also played with the jerks and tropical depression during the benefit concert for the brain surgery of my brother dante. they sang “reklamo ng reklamo“, covered the doors’ “riders on the storm” and for their finale sang van morrison’s classic, “G-L-O-R-I-A“, with papadom, rolling on the stage and stealing the show.
while searching the net, napansin ko na may website pala si binky. mayron siyang Lampano Alley at naron lahat ng information sa mga bago niyang material. mayron din siyang menu page kung saan napansin ko na lahat ng kantang binaggit niya dito eh nasa play list ng MP3 player ko. ang galing man.
MANANANGGAL TERRORIZES SINGAPORE
pag nag-iisip ako, imbis na mangulangot eh mahilig akong mag doodle. simula high school, lahat ng mga notebook ko ay punong puno ng mga iba ibang drawing. yung iba weirdo, yung iba nakakatawa. balang araw pag sikat na ako, pwede siguro itong ibenta ni jet sa mga collector ng milyon milyon.’nga pala, may gusto akong gawing pelikula… horror movie, tungkol sa isang national convention ng lahat ng mga maligno sa pilipinas. gagawin ito sa PICC at imbitado lahat ng mga mananaggal, kapre, white lady, dwende, aswang at tianak sa kung saan saang bahagi ng pilipinas. ang theme: “Progressive Haunting Techniques in the New Millenium“. kailangan ko lang ng scriptwriter para punoin ang mga detalye ng storya.
A COSMIC SUICIDE FOR AN OLD FRIEND
farewell, galileo! fare you well, old friend. ngayong linggo na magpapakamatay ang space craft galileo. mawawalan na kasi ito ng kili-kili power at hindi na makokontrol ng NASA ang pagtakbo ni galileo pag nangyari ito. eh ano ngayon?
yung europa kasi (one of the sixty-one jovian moons), has an ocean underneath it’s icy cover. alam nating lahat that life started in the oceans of the OUR world. kung kaya, mayrong malaking posibilidad that there is life in the oceans of europa. to avoid any possible contamination from earth’s microbes, should galileo accidentally crash into europa, the scientists at NASA decided to purposely plunge the spacecraft into the atmoshpere of jupiter. and so, this sunday, galileo will commit (a sort of) cosmic suicide for the benefit of the possible (or FUTURE) life forms in europa.
MY VERY 1ST PERSONAL COMPUTER
ito ang unang unang personal computer na ginamit ko. ang Tandy/Radio Shack TRS-80 model III. mayron siyang Zilog 8-bit Z-80 microprocessor, running at a whopping 2.03 MHz. malaki ang kanyang 4K na RAM at marami ka nang mapapatakbong program dito.mayron siyang 12″ na black and white monitor na may 16 X 64 text (what pixels are you talking about?). dalawang 5.25″ na floppy drive na may malaking 178K na storage. kasya na rito ang buong TRS-DOS operating system.
ito ang PC namin sa school nung 1983. medyo mahirap pa si bill gates nung time na ito at kasulukuyan pa lang niyang pinasisikat ang MS-DOS. dito ako natuto ng BASIC, COBOL at FORTRAN.
i remember the very first machine problem given to me by my instructor… it was a simulation of a falling ball. gumawa raw ako ng program that will compute the rate of acceleration ng isang bumabagsak na bola. the height of the drop is to be entered by the user. your program must be able to give the rate of acceleration at any point of the ball’s drop that is also given by the user. in your computation, please use this “so and so i forgot oh it was so long time ago” branch of integral calculus that makes use of “so and so i forgot oh it was so long time ago” fibonacci series. man, i was hooked.
CHNG TNG, and singaporean dessert na walang VOWEL
for lunch today, kakain kami ng lor mee (in tagalog “lomi”). silent “R” dahil intsik-british accent eh. ang pinakamasarap na lomi sa singapore ay matatagpuan sa hawker centre ng old airport road.
oo nga pala: ang “hawker centre” ay isang area na pinagsama-samang mga low cost na turo-turo na makikita mo sa kahit anong sulok ng singapore. ang mga turo-turong sikat ay malimit na dinadayo ng mga tao dito. hulaan ninyo kung magkano ang ginagastos ng mga singaporean sa pagkain sa mga pwestong ganito sa isang taon? S$ 8,000,000,000. that’s right. 8 billion dollars was spent on over 1.8 billion meals in a small island of over 3 million people. you do the math.
mabalik tayo sa lomi…
ang isang malaking mangkok na lomi ay S$3 (approximately 90 pesos). iba ang lasa at histsura ng lomi rito kompara sa mabibili mo sa pilipinas. maitim ang sauce at hawig sa lasa ng sarsa ng lumpiang hubad. may mga hiwa ng karne ng baboy na binudburan ng chili at tinadtad na bawang.
dahil sa dami ng mga kumakain dito, ang normal waiting time pag lunch ay around 30-45 minutes. habang hinihintay namin ang lomi, imbis na mangulangot eh kumakain kami ng “OTAH”. ito ay fish cake na niluto sa dahon ng buko. minsan naman ay “ROJAK”, isang uri ng salad na may pinag halo-halong rekado (hindi isang uri ng kalbong detective na americano). bilang pangtapos, ang paborito kong kainin ay “CHNG TNG, ang Desssert na Walang Vowel”.
A LIVING PUNCHING BAG
“Chinese man makes living as human punch bag“. A 28-year-old Chinese man says he’s making an uncomfortable living as a human ‘punch-bag’. The man charges 50 yuan (about 332 pesos) for every two-minute beating he takes from stressed-out people in Chengdu’s bars and discos. The man, who never fights back, says he’s providing a valuable service to those suffering from tension and work-related pressure. The unusual approach to anger management is said to be proving popular with the public, says the South China Morning Post.”
bwakanginangyan, hirap talagang maghanap buhay. pero sa tingin ko, pwede natin gawing negosyo ito sa pilipinas. kuha lang nga tayo ng willing magpabugbog. nakaka-ilang gulpe kaya siya sa isang gabi? sabihin na natin na 300 na lang (para rounded off) ang isang customer na bubugbog sa iyo. eh kung maka lima ka sa isang gabi: 1,500 pesoses (or 45,000 pesos a month)! aba, di na masama ito. ibawas na lang ang halaga ng betadine at BAND-AID®.
I TRAVEL FROM SONG TO SONG, IN SEARCH OF THAT PERFECT CHORD
paglabas ko kaninang umaga, binubulong ni John Lennon sa kanang tenga ko ang “a day in the life”. ang pinakamadangdang kanta ng BEATLES ang nagsimula sa aking paglalakad. i couldn’t ask for anything more.
“I read the news today oh boy
About a lucky man who made the grade
And though the news was rather sad
Well I just had to laugh
I saw the photograph.”
recorded in stereo by the great george martin during the 1960’s. dinig na dinig ko ang separation ng mga tracks sa headphone ko habang pababa sa elevator. instruments on my left ear, john lennon on my right.
i have my music to accompany me in my walks and measure distance in terms of songs. here we go…
i’m in the street now and make the first turn, Rod Stewart sings “have i told you lately”. i smile and remember my good friend mon, singing this song in a karaoke in manila many moons ago. i decide that van morrison does it much better.
nasa central market na ako by this time at kakalampas ko palang ng mcdo. bob seger sings … “we’ve got tonight”. a great song na binaduy ni kenny rogers at sheena easton. sino na nga ba yung pakingsheet na boy band na lumapastangan din nito? naalala ko rin, pinatugtog itong kantang tunkol sa infidelity nung kasal nang pareng boyet ko. papalapit na ako sa NTUC chalet at si bob seger pa rin with “still the same”. bumibilis ang lakad ko at sumasabay sa beat…
medyo ganada na ako by this time when muddy waters goes into high gear and sings “mannish boy”. i look back as i walk and remember watching him sing this song in Martin Scorsese’s The Last Waltz many years ago with my brothers and sisters. once again i am seven years old and am mezmerized by the blues. i also remember this is the first time i hear neil young sing “helpless”.
i am in the homestretch now on my last kilometer or so. in a fit of synchronicity, neil young sings “after the gold rush”.. his piano and his voice sounds like its coming from inside my head and i get goose bumps. an indian man is tending the front lawn of a housing block. i smell the smell of newly cut grass and automatically close my eyes. i am transported back to my little garden in antipolo.
malapit na ako sa blue mosque sa likod ng flat namin when i hear the intro of elton john’s “mona lisa’s and madhatters”. magandang kanta to end my morning walk. i go up the flat, peep inside and see jet. i remember the night we watched sir elton here in singapore.
it’s nearly lunch time at naaamoy ko na ang adobong pinapainit ni jet. lagot, isip isip ko. marami na naman akong makakain nito. gardemet, if this morning walk does not reduce my weight, at least it keeps me sane.