the holy or the broken hallelujah

ang kagandahan ng halelujah ni cohen ay akala mo tungkol ito sa diyos pero hindi. hinahantulad ko ito ng makabagong kahulugan ng pasko, kung saan pwede mo itong iugnay sa pagkapanganak ni baby jesus, sa pagdating ni rudolph at santa claus, sa nakakasukang kanta ng jackson 5, sa keso de bola, o sa mabuting pakikipagkapwa tao.

sabi nga ni cohen – “it doesn’t matter which you heard, the holy or the broken hallelujah”

maligayang pasko, mga kapatid. hiling ko’y kapayapaan, pag-ibig at kasindak-sindak na orgasm dala ng pagjajakol man o pagtatalik itong darating na bagong taon.

Santa in the Philippines

tinanong ng batang six years old si pastor mang boy pagtapos ng church service: pag dumaan daw ba si santa claus sa pilipinas, kailangan daw ba niyang magpalit ng damit? mainit daw kasi roon at hindi pwedeng magsuot ng damit panlamig kasi papawisan siya.

sabi ni mang boy, hindi raw pinapawisan si santa claus. ang kailangan niyang pag-ingatan, dagdag pa niya, ay baka makain yung mga reindeer niya ng wala sa oras. masarap daw kasing pang noche buena ang tapang usa.

kopong-kopong

iniisip ko kung bakit uminit yung ulo ko sa flight nung linggo. bigla kong naalala ngayon ang dahilan: amoy moth ball yung katabi ko sa eroplano.

pakiramdam ko eh para akong nasa loob ng cabinet nung panahon ni kopong-kopong.

la pedrera, barcelona

CasaMila

kapitbahay ko ang casa mila, isa sa mga obra ni gaudi at isang UNESCO world heritage site. narito ako sa barcelona ng isang linggo. mahigit isang daan at tatumpung taong nakalipas, dito dumaong ang tren na sinasakyan ni rizal nung una siyang umalis ng pilipinas para mag-aral na maging doktor sa europa.