sabi sa CNN, mas kaunti na raw ang nagmamaneho ngayon sa amerika.
“…in the first four months of this year, Americans traveled 40.5 billion miles less compared with the same period in 2007.”
napansin ko nga, etong nakaraang dalawang buwan, mas marami na akong kasabay sa kalye na nagbibisikleta. last year, halos ako lang an nasa bike lanes pero ngayon, marami na – bata, matanda, may ipin, wala. mataba, payat, babae, lalaki, parang babae na lalake, etc. it’s as if all of a sudden, biglang napuno ang orange county ng commuting bikers. yung nakasabay ko nga kaninang umaga, lolo na pero ang galing sa akyatan. iniwan niya ako nung paakyat na kami sa bundok.
malaki talaga ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina. nag-iba na ang driving habits ng mga taga rito. surprising dahil mahilig ang mga amerikano na gamitin ang mga sasakyan nila sa pagpunta sa kung saan saan. dito nga, pupunta lang ng grocery sa kabilang kalye, magkokotse pa. pero ‘di na masyado ngayon dahil nararamdaman na ng mga tao ang mataas na presyo ng gas.
ok nga dahil nababawasan ang pollution, wala nang masyadong traffic at bumaba na rin ang percentage ng aksidente sa kalye. at sigurado rin ako na yung mga nakakasabay kong mga nagbibisikleta ay mayroong bagong sigla sa kanilang buhay at hopefully, mas masarap at mas masigasig na sex life. pag nag exercise ka kasi, mas maraming dugo ang pupunta sa titi mo.
malamang dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at nararamdaman na talaga ng mga kano ang krisis or kung mag iilusyon ako eh namulat na ang lahat at naging environmental at health consious na….lalo naman dito sa pinas sir kung kaya ko lang talagang lakarin o ibike mula laguna hanggang manila gagawin ko na sa tindi ng taas ng pamasahe from a minimum of 8 pesos umakyat agad sa 13 pesos per km…..tapos ipinipitsyon pa na itaas pa ulit ang pasahe grabe!!
magkano na pamasahe ng laguna to manila?
Unkyel, wala kaming shower room sa office namin e, hindi ko tuloy magawa ung ginagawa mo dito sa SG na pagbibisikleta para pumasok. (Ayokong mangamoy ng matindi, hehehe!) Pero ibang exercise ang ginagawa ko, kaya dumadaloy pa din ang dugo sa patotoy, hehe! Sana magkaroon na at kailangan ko na din magbawas ng madami daming timbang.
well we have to understand din naman ang sitwasyon ng Filipino drivers. Wala na raw silang kinikita ayun sa kanila… Dahil po sa inyo sir, lalo kong gustong mag ipon para makabili ng bisekleta. Yun nga lang, delikado sa daan dito sa Metro Manila.
nakikibasa lang… natawa ako sa dulo haha.
wala namang bike lanes kasi sa maynila.
hello mr batjay..i love ur blog.recently ko lang nadiscover to and its great..more dan a gud job uve got here..
im a kol centre agent, nagkaroon ako ng campaign last year, timeshare xa( pacific monarch resorts and Trendwest intnl aka worldmark by wyndham) and i have lots of clients jan s southern cali, more sa orange county ( anaheim, santa ana, westminster, and cypress to name a few) na mga pinoy. minsan nauubos oras ko kakadaldalan sa kanila..sila naman kc puro kwento bout sa buhay nila jan, ung iba, wen dey learned n ang kausap nila ay nandito sa ortigas, pasig city..hala, lalong nagiging emotional and would openly express their thoughts on how sometimes its sad and depressing to live away from your home (phillipines). some of them left their family hre in the phils to find greener pasture.
now, reading this wonderful blog of yours on buhay OFW, somehow u remind me a lot of Tita Nava, Tito arsenio, tita corazon, Aling Elsa na napakakabait and cna mr and mrs o’ Brien na nagka friendship n pinoy dhil nilutuan xa ng dinuguan at inuwian daw cla ng painting ng mayon mula dito sa bansang pinas. sayang at di na timeshare ang account ko now at new york na ang market nmin, and worst di pa pwede kami magtagalog kpag pinoy ang kausap mo unlike sa timeshare.
keep rocking batjay.
(,”)
5.8 earthquake sa inyo. I hope you are all alright.
Regards daw sabi nina Sonny, Mike, Dope, at Mike.
lakas ng lindol dito pare. para rin akong nasa pilipinas. hehehe. may meeting kami nung nangyari at takot na takot yung mga kasama ko sa opis habang tuloy pa rin ako sa pagsasalita.
sarap naman ninyo sa NY. inggit ako. next time sama ako.
Sa tindi nang presyo nang gasolina sa tate, eh di wala nang mga kabataan na paharurot nang paharurot nang sasakyan dyan tuwing weekends? Parang katulad ba sa “American Graffiti”.
nauuso na rin sa mga teachers namin ang pagbisikleta bosing. As a matter of fact, yun pa mismong presidente namin ang pasimuno. Nagtayo ng biking club. Sayang hindi ako pwede. Ang layo ng bahay ko eh.
sayang. sana pwedeng mag bike during lunch time. mayroon naman kayong mga shower sa school, di ba?
tell me about it bat jay, now I have learned how to manage my gas. Datirati humaharurot ako sa freeway ng 101 at 880 d2 sa Northern Cali. Kaya ang laki ng insurance ko at ang dami kong overspeeding tickets. and I still have to hurdle my schooling nxt month. meron nga akong ticket na 71 mph in 45mph sira ulo talaga!!!. Now, at 65mph nag 65 to 75 mph ako d na ako tumatakbo ng 80 to 120 mph…. napansin ko ang laki ng na se save ko sa gas kahit v6 ung kotse ko. super sa mahal ang gas namin d2. Kung pede nga mag bike papuntang work gnawa ko na. The thing is bnawasan ko na ung palayas layas kundi lang importante.
ngayon palang pinagiisipan ko na kung ano ang gagawin,di na kasi ako nakakapag exercise,pero mukhang maganda to, ang magbisekleta..tamang negosyo rin sa binatog ni kuyang..
tol,
dito nga sa pinas eh medyo lumuwag na ang trapik mula ng maging P62.35/liter ang gasolina at P58+ ang diesel. wala na ung spark of the moment na “pasyal tayo” attitude. Un lang pala ang solution para maibsan ang sobrang trapik. nakatipid na at nakatulong pa sa environment. It also gave some people the burning desire to find ways to replace fossil fuel as source of fuel. i cannot imagine how those oil producing countries will cope when their precious commodity (now) no longer command world crisis. i hope in our lifetime.
all the best…..bong
hi umbre.
maraming salamat sa pagsulat. ako rin, maraming nakaka usap na mga taga call center sa pilipinas pag tumatawag ako sa dell at expedia. minsan naririnig ko nga yung mga tsismisan sa background at natatawa ako.
hanggang sa muli mong pagbalik, kabayan.
ingat,