nagkaroon ng major blackout sa singapore kagabi dahil nahinto bigla ang supply ng natural gas from indonesia na siyang main fuel ng mga power plants dito. marami nga ang natakot dahil bihira itong mangyari. may mga report nga ng aksidente sa kalye at traffic jams dahil walang ilaw pati stop lights. marami rin ang mga nagpalipas ng oras sa pamamagitan ng isang paboritong activity ng mga singaporean – ang magreklamo. mostly mga “i cannot do this, i cannot do that” lang naman at mangilan na nag freak out.
diyan sila talo ng mga pinoy. sanay tayo sa mga kalamidad na dumarating sa ating buhay, and we normally treat this kind of event with our world renowned fatalistic epeks. bagyo? kris aquino’s love life? lindol? erap? volcanic eruption? split up ng tambalang guy and pip? coup the etat? revolution? gas hike? wala yan. but we draw the line when personal hygiene is concerned. hindi lang natin talaga kaya pag walang tubig na panligo. ayaw natin ng triple “B” – body odor/anghit, bad breath at balakubak. we are a great people, dear friends… and THANK GOD ALMIGHTY, we smell good too.