ano ba naman ang masama sa ox tail kahit malapit ito sa puwet? wala naman. sa katunayan, masarap ang ox tail, lalo na kung rekado ito sa kare-kare. pag pinakuluan mo ito ng matagal, nagiging malambot siya at malasang malasa. perfect counter point sa ginisang bagoong.
Monthly Archives: November 2008
The Kare-Kare Chronicles, Part 2
para makaluto ng kare-kare si eder, sinadya namin ang mga asian store dito sa irvine. hindi naman kasi typical ang mga rekado nito. buti na lang mayroon nang ready made na kare-kare mix na nabibili ngayon dito. pero nilalagyan pa rin niya ng peanut butter dahil kulang daw ang dating kung mix lang ang ilalagay. bumili rin kami ng pechay, barrio fiesta na bagoong at ox tail.
iba na ngayon sa amerika. mayroon nang tinitinda na mga animal parts na dati-rati ay hindi pinapansin ng mga amerikano. dahil sa paglaki ng asian population dito, natututo na rin silang kumain ng ulo ng isda, utak ng baboy at in the case of the kare-kare, buntot ng baka.
The Kare-Kare Chronicles
nung nagpunta sina eder at leah rito last week, ang isa sa mga wish ni jet ay magluto si eder ng kare-kare. wala kasi sa aming dalawa ang marunong magluto nito. ayaw naman naming matuto dahil baka magluto kami nito parati at magka highblood ng tuluyan.
masarap magluto si eder. typical na makikita sa pinoy na gumagalaw sa isang environment na kailangang marunong kang magluto para makakain. kadalasan nakikita ko ito sa mga OFW at mga taong nasa construction industry or in the case of eder, both.
suwerte rin si leah dahil mayroong nagluluto para sa kanya ng pagkaing pinoy. napaka importante nito, lalong lalo na sa mga tulad nating mga wala sa bayang magiliw na pilit inaabot ang pilipinas kahit sa panlasa man lang.
A bushy bushy blonde hairdo
itong darating na thanksgiving sa thursday, imbis na kumain ng turkey ay tatakbo ako ng 10K sa dana point. excited na nga ako kasi yung course ay nasa beach na nakaharap sa pacific ocean. maraming makikita roon: mga seagull, pelican, seals, occasional whale, dolphins, surfers at mga sexy californian na naka bikini.
kung narito kayo sa southern california, daan kayo roon ng 7:00 ng umaga. pag mag nakita kayong asian looking, kutis betlog na lalaki, mga 5’10 ang height, medyo pogi na naka spiderman na t-shirt. pasahan ninyo siya ng tubig at bigyan ng palakpak dahil ako yon.
City Biking Essentials, Part 2
heto pa yung mga karagdagang mga essentials kung gusto mong magbisikleta papasok sa trabaho.
- helmet para hindi ka madokleng pag naumpog yung ulo mo. pwede mo rin itong i-regalo sa gelpren mo sa pasko para hindi magbago ang isip kung sakaling mauntog.
- cycling shorts na hindi bakat ang titi. mahirap kasi itong isuot lalo na sa mga pinoy na parating tigas titi. isa pa, nandidiri ako pag nakakakita ng lalaking naka cycling shorts na bakat ang betlog. ngayon kung babaeng bakat ang pekpek, eh ok lang.
Grand Canyon
sa isang undisclosed location sa isang sulok ng southern california.
batjay: i’m going to arizona with my wife and a couple of old friends from singapore
kaopisina: where in arizona?
batjay: the grand canyon
kaopisina: why are you going there? there’s nothing to see but a big fucking hole in the ground.
we went anyway. maraming maraming salamat sa dalaw ninyo, eder at leah. bigla tuloy naming naalala kung ano ang pinaka na miss namin sa singapore: bukod sa fish head curry ay ang inyong friendship.
When work becomes fun
City Biking Essentials, Part 1
ano-ano ba ang mga kailangan para makapagbisikleta ng mahusay papasok sa trabaho? heto ang mga natutunan kong mga essentials para maging poging biker:
- blue bandana para hindi tumulo ang pawis sa mata, ayoko ring dumikit yung buhok ko sa helmet lalo na pag mainit kasi kinakati ang bumbunan ko. isa pa, mas pakyut pag may bandana dahil para akong sira ulong meksikano.
- wrap around shades para pangtanggal ng glare. the california sunshine is hard on the eyes. isa pa, mas kyut ako pag may shades.
- sports headphone – kailangan water proof para hindi masira pag umulan. dapat all plastic and without foam dahil bumabaho ito pag natuyuan ng pawis.
- backpack para sa laptap computer, mga epektos at extra clothes na pamalit pag dating sa opisina. you need to shower dude, otherwise you lose all your friends. and besides, sino bang pinoy ang hindi naliligo pag pinawisan?
Biker Dude
most days, nagbibisikleta ako papasok sa trabaho. 8 miles one way, siyempre 16 miles back and forth kasi sabi ni tandang paputok doon sa amin sa talipapa nung bata ako: eyt taymis tu equals sikisteen. outside of my time at home with jet, biking is the best part of my day. it takes me 50 minutes to get to work and 30 minutes going home. during that time, i am by myself, either planning my day or thinking about life. yes virginia, the to be or not to be kind of crap. all the while, i am listening to the latest news on my iPod, enjoying the scenery and the fucking awesome california weather. more than a year na akong regular biker at mayroon na akong routine at mga essentials.