kangaroo meat

ang isang lugar na napuntahan ko na masarap ang pagkain ay australia. gustong-gusto ko ang seafood at barbecue roon, lalo na sa sydney. ang di ko lang talaga ma-enjoy ay ang kangaroo meat dahil medyo mapanghi sa panlasa ko. speaking of panghi, sabi naman ng kuya tom ko, ang pinaka paborito raw niyang natikman sa australia ay duck billed platipussy.

“that’s the main reason”, kuya tom said, “why i went down under.”

Gamblers in the neon, clinging to guitars

mayroong romance sa pagbyahe dito sa america. ang kailangan mo lang ay mabilis na kotse, pera pambili ng gasolina at kaunting oras para bumyahe sa kung saan-saan. ang paborito ko itong mga nakaraang buwan ay ang interstate 5 na nagdudugtong sa southern california at san francisco. nasa bay area kasi tumambay ang mommy ko etong mga nakaraang buwan at doon ako parito’t paroon.

pag sinisuwerte, kaya ko itong imaneho ng mga anim na oras. pag minalas malas ka’t na traffic sa los angeles, aabutin ka ng walo.

i am horny


dalawa ang parating sinasabi ng mommy ko sa akin nung araw pag nabubwisit siya sa kakulitan ko: una, tinutubuan daw ako ng sungay at pangalawa, tumatanda raw ako ng paurong. hindi ko naintindihan yung ibig sabihin ng pangalawa at lubos ko itong ikinatakot. akala ko kasi, yung pagtanda ng paurong ay yung pagbalik mo sa pagka baby at pagtagal ay pagpasok na muli sa pwet ng nanay mo.

nung bata kasi ako, malimit kong tinatanong ang mommy ko kung saan ako nanggaling. “sa pwet ko” ang parati niyang sagot.

Say for me that I’m all right

nabanggit ko na ba kung gaano na lang ang inis ko sa air travel dito sa amerika? hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap nilang itaas ang antas ng serbisyo (ayos ba sa tagalog? lalim no?) samantalang yung sa singapore, halimbawa: kulang na lang eh, halikan nila ang pwet mo sa sobrang pag asikaso sa iyo.

Continue reading

Train Signs, Tokyo January 2009

mga kahulugan ng sign na ito na nakita ko sa train nung nasa tokyo ako last week:

1. paupuin yung babaeng may batang nakahawak sa suso niya
2. paupuin yung may malalaking tiyan na kumikislap
3. paupuin yung may baston na nakatusok sa hita
4. paupuin yung naka medyas na puti na may saklay

Lake Biwa

narito ako ngayon sa isang probinsya ng japan na katabi ng lake biwa. ito ang pinaka malaking lake sa japan at since malapit ito sa kayang ancient kapital na kyoto, punong puno ito ng history. the lake itself is old. sabi ng mga mahilig mag tsismis dito, ito raw ay somewhere between 4 to 5 million years old.

para makarating ako rito sa shiga from fujisawa, kung saan ako galing kahapon ay sumakay ako ng train para makalipat sa isang train na magdadala sa akin sa isa pang train. i’ve done this many times in different circumstances. ang pinakamadugo ay yung mga train ride ko into the heart of india. kung napanood ninyo yung slumdog millionaire, you’ll know what i mean.

ang mahiwagang toilet seat ng japan

narito na naman ako sa tokyo kaya ang una kong ginawa siyempre ay upuan ang automatic na mahiwagang tronong nagbubuga ng tubig pagkatapos mong umebs. tinodo ko yung volume ng tubig kaya nakaramdam ako ng mga kakaibang sensations na pakiwari ko’y mayroong taong dinidilaan ang pwet ko. para tuloy gusto kong mag jakol. BWAHAHA! ang bastos bastos ko.

Ultra Magnetic Top!

nagpunta ako sa japanese consular office sa los angeles nung thursday para kumuha ng visa. oo, nag apply ako para maging US navy ng japan. actually, may business trip ako sa january at yung mga mangmang na tulad kong mayroong pinoy passport na nakatira sa southern california ay kailangan ng personal appearance bago bigyan ng permit na makapasok sa land of the rising sun.

nung interview portion na, tinanong ako ng consular officer kung bakit ako bibisita ng japan. sabi ko, gusto kong pumunta sa camp big falcon para magpa autograph kay doctor armstrong.

tiningnan lang niya ako na para akong sira ulo.

Leaving Las Vegas

simula nung linggo ng hapon, ngayon lang ulit ako nasinagan ng araw. yan ang hirap pag sa las vegas ginawa ang conference ninyo: nasa loob ka ng hotel for the whole time at pag tumingala ka, all you see is a hand painted sky. part of the trick of making people stay longer inside casinos is to make you forget if it’s night or day kaya ang ginagawa ng mga tusong may-ari ay pipinturahan yung dingding ng bughaw na langit at cumulus clouds. drinks are free if you’re gambling because the more alcohol you have inside your body, the easier it is for them to take your money. you can’t help but be impressed on how las vegas makes sure that the house always wins.

nasa california na ulit ako and i am so happy to be back home.