pwede bang supot?

masarap kasama ang mga pinoy na controls engineer. simple lang, walang porma, medyo nakakatawa at maraming mga kwento tungkol sa mga kaibigang matagal ko nang hindi nakikita. maliit lang ang mundo. malimit dumating sa buhay ko ang mga taong nakilala ko nung unang panahon, o kaya, mga taong bago kong kakilala na kilala yung mga taong nagdaan sa buhay ko.

oo nga pala: kagabi, may nakasama akong engineer na naghahanap ng boypren. tinanong ko kung anong qualification. basta raw walang putok, ang sagot sa akin. gusto ko ngang tanungin kung ok lang na supot pero nahiya ako.

metropolis tanga

parang gusto ko nang maniwala sa premise ng superman. ie, na kapag sinuot na ni clark kent ang salamin niya, hindi na alam ng mga tangang taga metropolis na siya si superman. paano eh, sinuot ko lang yung astigmaporma kong salamin eh hindi na ako nakilala ni berto, yung kaopisina kong hilaw na noy-pi.

socks

i found the perfect dress socks in the streets of beijing in 2002. knock-offs really. now that they’ve disintegrated after 9 years of use, i’m in a conondrum. how the f*ck am i going to find that old woman who inserted the socks in my bag in exchange for a few bucks?

ayan, napa english tuloy ako.