When the night comes falling from the sky

20th Anniversary nag celebrate ang company namin ng 20th anniversary nung friday. ang saya! nagkaroon kami ng afternoon party sa labas ng grounds, complete with rock ‘n roll band. tapos, para may kaunting bongga eh kumuha kami ng apat na sky divers. ang galing nga, sabay sabay silang tumalon from over a thousand feet, directly overhead. nagkaroon lang ng kaunting aksidente kasi yung isang sky diver ay nagkamali ng landing at humampas siya sa truck ng kaopisina ko. nasugatan yung sky diver sa mukha pero nakalakad naman after a while. yung kotse ay basag yung tail light.

Continue reading

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang “circle game“, naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can’t because he’s gone forever.


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “circle game” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play

And it’s not a cry that you hear at night, It’s not somebody who’s seen the light

Hallelujah” – leonard cohen’s masterpiece and my personal favorite. sinubukan kong kantahin pero hanggang first part lang. mahirap kasi itong i-deliver dahil sa bwakanginang phrasing. KD lang covered this song and jet and i love to play it all the time.

opening stanza pa lang, pamatay na…

I’ve heard there was a secret chord
That David played, and it pleased the Lord
But you don’t really care for music, do you?
Well it goes like this
The fourth, the fifth
The minor fall, the major lift
The baffled king composing Hallelujah

‘tangina, sana ganito ako kagaling magsulat.


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “HALLELUJAH” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong laing flavor na gawa sa kupal ng supot na bicolano.

this is an audio post - click to play

happy valentines day mylab. para sa iyo ang kantang ito. lab U.

A REASON TO BELIEVE

pinasikat ni rod stewart ang kantang ito nung 1971 pero unang ni record ni tim hardin nung taon na pinanganak ako – 1965. it’s still fresh now as it was then. ano ba ang ibig sabihin nito?

If I listened long enough to you
I’d find a way to believe that its all true
Knowing that you lied straight-faced while I cried
Still I look to find a reason to believe

maraming mga uto-uto sa mundo


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “A REASON TO BELIEVE” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong spicy flavor na gawa sa kupal ng supot na bumbay.

this is an audio post - click to play

SPICE OF LIFE

dear unkyel batjay,

kamusta po sa inyo. ako pa ay isang bagong OFW at kakarating ko lang po rito sa saudi para magtrabaho sa isang oil refinery. idol ko po kayo at parati ko pong binabasa ang blog ninyo. kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo dahil alam kong matagal na kayong nakatira abroad.

ano po ba ang importanteng natutunan ninyo sa buhay lately na pwede ninyong ipayo sa akin?

lubos na gumagalang,
gentle reader


Continue reading