1. kailan ka nagsimulang mag blog? nagsimula ako nung september 2001, right before the 9/11 tragedy. first time kong mag abroad para magtrabaho, kakadating ko pa lang sa singapore at inabutan bigla ng matinding lungkot. naisip ko, imbes na mag-iiyak ako ng buong magdamag, eh di isulat ko na lang ang aking mga experiences bilang isang OFW. baka kako, pwedeng pagkakwartahan someday.
2. ano ang nakukuha mo sa pagsulat ng blog? sanity. dito ko kasi nilalabas ang mga demonyo ko para pag balik ko sa real world ay patuloy akong makapamuhay ng maligaya at matino.
3. sino-sino bang nagbabasa ng blog mo? nanay ko at si jet. mga kapatid ko rin paminsan minsan.
4. sinong mga hinahangaan mong bloggers? naku marami. sa talent ng pagsusulat, nariyan sina mona, sassy, Mrs. P, si Cat, lara, si doc emer, jop, yasmin, si tito rolly, ate sienna at siyempre si jet. lahat sila ay magagaling magsulat at pag hinambing ko sila sa akin, parang garapata lang ko.
5. kung hindi ka magblog, ano ang alternative mo? ewan ko, mga ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol. pangungulangot at pambubwisit sa mga baby na nakasakay sa bus.
6. kung may malunod na synchronized swimmer, malulunod din kaya ang mga kasama niya? gago.
7. Is the “human voice” a defining characteristic of weblogs, or merely desirable in most cases? in a lot of cases the human voice is an essential and defining characteristic of a weblog. i know in my case it is. i write what happens to my life in a personal and very human way. there is no other alternative.
8. ano ang pinaka driving force kung bakit ka may blog? nung una nga gusto ko lang gawing diversion dahil nalulungkot nga ako rito sa singapore. nung panahong iyon nagsusulat ako para may history ako ng struggling years ko as an OFW. pero nang lumaon, naging interactive na. may bumibisita na kasi bukod sa mga kamag anak ko. nagsusulat ako, hindi naman para sumikat. gusto ko lang sabihin sa mundo na – hoy, mga ulul, narito ako! oo virginia, parang “Kilroy Was Here” ang dating.
9. Why do people point to their wrist when asking for the time, but don’t point to their crotch when they ask where the bathroom is? i don’t know.
10. Ano ang Blogkadahan? group ito ng mga pinoy bloggers from all over the world. mayron silang website and they post entries based on a particular agreed upon topic. iba ibang personalities kaya sigurado ka na mayrong diversity sa opinion, sa point of view at sa paraan at style ng pagsusulat. for that alone, the website is an interesting read. karamihan sa mga members ay nasa 30 to 50 years old. pero mayron ding tulad ko na nasa early 20’s. twenty years nang namamasukan.
11. Why do people look into tissues after they blow their nose ? What are they expecting to see? ewan ko. tinitingnan nila siguro kung may free.
12. What’s the best thing that blogging has brought you since you started? naging sikat ako at maraming nga babae ang pumipila sa labas ng bahay para dugasin ang underwear ko. dumami rin ang mga kaibigan ko na pwedeng utangan. paminsan minsan nababanggit sa newspaper kaya huwag kayong magtaka kung minsan makita ninyo ang mukha ko sa pinagbalutan ng tinapa.
13. what do you hate most about blogging? visiting blog sites that don’t have any content. ang mga blog sites na walang content ay parang mga empty shells. simple lang naman ang sikreto para bumalik ang mga tao sa site mo parati. here’s the secret: write interesting and compelling posts. it doesn’t have to be about “deep topics”. as long as it is written very well, it will stand out.
14. what is the most you like about blogging? na panabla ito. you can be the simplest person in the world, but if you’ve published a good enough post, people will notice and your visitors will increase. you don’t need to be the heavyweight champion of the world (ika nga ni dylan), if you’ve got a great site, people will come. hindi ba napakasarap marining ang “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, I’M COMING”.
15. May is national masturbation month, what are you going to do about it? wala na. retired na ako sa masturbation for now.
16. anong masasabi mo sa mga taong ngayon lang balak mag blog? pakabait kayo’t magsulat ng mga interesting na post. tama na yung mga entry na “today, i have nothing to say, that’s why i want to talk about how my dirty socks smell”.
17. ano ba ang advise mo tungkol sa appearance ng mga template? ah yan importante rin – kailangan simple lang. hindi cluttered. dapat din walang mga lumilipad na animation. dapat walang automatic music na tutugtog. dapat hindi rin masakit sa mata ang color combination – walang purple text on orange background. yung mga pictures dapat maliliit lang ang file size para hindi matagal mag load. ano pa ba? ah, kailangan simple lang. ay – nabanggit ko na pala. paandarin parati ang pilosopiya ng “Occam’s Razor“. inaderwords, KISS – ie, keep it simple stupid.
18. anong nagpapasaya sa iyo sa pagblog? pag may OFW na sumulat sa akin at sinasabing nakakapag identify siya sa mga kinukwento ko.
19. may standard practices ba sa pag blog para maging successful ito at maraming bumisita? wala. anything goes basta interesting at hindi nakakasakit ng ibang tao.
20. ano ang mangyayari pag nag ahit kayo ng kilay sa kaliwang mata? magmumukha kang mataray