dear kuya,
naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.