Auntie Nana

si auntie nana ay nakakatandang kapatid ng mommy ko. idol ko siya kasi ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pamilya. hindi siya nakapag-asawa at wala siyang anak pero ilang henerasyon ng angkan namin ang inalaagan niya’t inaruga. hindi siya nagtataas ng boses, parating nakangiti. parating iniisip ang ibang tao, bago siya.

nung lumalaki ako, siya ang takbuhan ko pag kailangan ko ng pera. di siya nagdadalawang isip, kahit gipit siya. pag kulang ako sa pansin, siya parating umaamo sa akin. nung nasa college ako, pupunta lang ako sa bahay niya sa pasay from mapua para makitulog at makikain. pag uwi ko, may iaabot pa siya sa akin na pamasahe. mahal na mahal ko ang auntie ko.

simula ng pinanganak ako hanggang ngayon, malaking bagay siya sa buhay ko. siya ang insirasyon ko kung paano mamuhay ng simple. mahirap itong gawin pero ginawa niya itong career. ang buong buhay niya ay puno ng kabaitan, kagandahang-loob at walang pag-iimbot.  isa siyang tunay na mandirigma ng kabutihan and was a class by herself.

huli kaming nagkita nung umuwi ako last september. tuwang-tuwa siya pag nakikta ako kasi parati ko siyang pinapatawa. medyo nahirapan na nga akong pasayahin siya kasi medyo bingi na

pumanaw si auntie kanina. she was 91.

 

biyernes santo

nung nasa singapore pa kami nakatira, parati akong tinatanong if “i eat pok” pag umoorder ako sa hawker centre. siguro, dahil sa betlog brown kong kutis, napapagkamalan akong muslim at nag-aalala sila na mapapakain ako ng baboy.

minsan gusto ko tuloy sabihin “i eat pok, but i don’t eat pok-pok” but i end up saying “i eat pok, but not during biyernes santo”.